Chapter 18 (Pagbubunyag)

2445 Words
Hindi talaga inaasahan ni Richard ang pagdating at sa sinabi ni Jeff sa kanyang opisina. Ang Teng Prime Holdings daw ang nakikita nitong may potensyal sa pag-invest niya ng kanyang pera at negosyo sa Pilipinas. “Totoo ba ang narinig ko mula sa’yo, Mr. Hidalgo?” “Yup. Totoong-totoo” sagot ni Jeff “Ang kumpanya mo ang pinili ko” “What? E bakit ang kumpanya ko ang pinili mo?” “Well, sa totoo lang ay wala naman akong pagpipilian, Mr. Teng” sagot ni Jeff “Bukod sa’yo at sa Dy Group, wala naman akong nakikita na mas deserving na kumpanya para ipapatupad ang investment ko dito” “Bakit hind ka pa pumayag noon na isang kumpanya pa lang kami noon ng asawa ko?” “Actually, may plano na ako noon na mag-invest sa inyo pero nag-iba ang desisyon dahil doon sa nangyari” paliwanag ni Jeff “Parang nainsulto at nabastos ako sa ginawa niya. That’s why I chose you, Mr. Teng. Alam ko na magiging matagumpay ang pag-iinvest ko dito dahil sa leadership skills mo. Hindi tulad ng asawa mo” Napagtanto na ni Richard na totoo na nga ang mga sinasabi sa kanyang harapan at hindi na ito nagbibiro. Napangiti ito at nabuhay ang kanyang mukha sa kaninang tulala “Well, you made a great choice, Mr. Hidalgo. Hindi ka talaga magsisisi sa desisyon mong yan” “I know” “So, kelan ang signing of contract natin Mr. Hidalgo? Kailangan na nating i-schedule yan” “Bukas. Dito na lang sa opisina mo” “Bukas agad?” sambit ni Richard na parang nagulat ulit “Bakit ang bilis?” “Bakit? Ayaw mo?” “No. No. No. Gusto ko siyempre. Pero nagulat lang ako. Biglaan kasi” “Binibilisan ko lang kasi baka malaman ng asawa mo ito at pipigilin niya pa” paliwanag ni Jeff sa kanya “Diba ayaw mong mangyari yon?” “Ayaw siyempre” “Sige. See you tomorrow, Mr. Teng” sabay tayo ni Jeff sa upuan “I’m looking forward to our future partnership” pagkamay niya kay Richard “Ako din, Mr. Hidalgo” sagot naman niya “Sabik na sabik na akong ipatupad ang mga proyekto mo dito sa Pilipinas” “Sana nga” ngiti ni Jeff “Maaasahan mo yan, Mr. Hidalgo” *** Samantala. Nakita ni Sara si Stephen na nakaupo sa isang bench sa loob ng kanilang campus. Gusto niya itong kausapin dahil sa nangyari noong isang araw, na kung bakit hindi niya pinansin si Sky kahit nakita niya na ito. Kaagad siya nagtungo doon at umupo sa tabi ng binata. “Hello Steph” bati ni Sara sa kanya. Napatingin na lamang siya at hindi pinansin ang umupo sa kanyang tabi “Uy… bakit hindi ka namamansin ha? Kahit yung kaibigan ko ay hindi mo pinansin. Sige ka, magtatampo yun sa’yo” “Ayaw ko lang” sagot nito “Bakit naman?” “Basta” Nahalata ni Sara na may nararamdaman ang binata at parang meron itpng tinatago. “Steph, may problema ka ba?” “Wala” tipid na sagot niya “Alam ko na may meron” sambit ni Sara “Sabihin mo nga sa akin” “Wala nga, okay?” “Sungit mo naman” sagot naman niya kay Stephen “Nagtatanong lang kaya ako, dahil sa ginawa mo nung isang araw” “Wala akong problema, Sara” “Ganon? E bakit iniiwasan mo kami? Lalung-lalo na si Sky?” tanong ulit niya “Hindi mo na ba siya gusto?” Nagpabuntong-hininga na lamang si Stephen sa pangungulit sa kanya ng kaibigan ni Sky “Mahal ko siya. Mahal na mahal” sagot nito “May mga pangyayari lang sa buhay natin na dapat iwasan” “Iwasan?? Ano yun?” “Huwag na. Hindi ko dapat sabihin sa’yo ito at lalung-lalo na sa kanya” Hinawakan ni Sara ang kamay ng binata. Napatingin naman si Stephen sa kanyang kamay at nagulat sa ginawa ng isa. “Maaasahan mo ako, Stephen. Hindi ko sasabihin sa kanya ang alam mo” “Paano naman ako makakasiguro na hindi mo isusumbong sa kanya?” “Kasi mah— kasi kaibigan din kita. Andito din ako para sa’yo dahil kaibigan mo ako. At handang making sa mga problema mo” “Wow. Sweet mo naman, Sara” “Siyempre naman” ngiti nito “So, ano na? Ano ba ang problema mo?” “Hmmm. Remember her father?” “Ni Sky??” pagkumpirma ni Sara “Oo naman. Patay na ang ama niya diba? Jeffrey Dy ata yung name” “Yup. Siya nga yun” “What about him?” “He’s alive” Nanlaki ang mga mata ni Sara sa sinabi sa kanya ng binata “What?! Paano nangyari yun? You must be joking” “Hindi. Hindi ako nagbibiro. Totoo ang sinasabi ko. Buhay siya. Buhay ang ama ni Sky” paninindigan ni Stephen “Dahil nakita ko mismo ang ama niya na buhay” “E paano nangyari na buhay siya?” “Hindi ko alam, Sara. Hindi ko talaga alam” “Teka. Alam na ba ni Sky na buhay ang ama niya” “Nope. Hindi pa” “So, dapat niyang malaman ito” Tangkang tatayo si Sara pero pinigilan siya ni Sky “Sara. Please, Huwag na huwag mong sasabihin sa kanya na buhay ang ama niya” “Bakit? Ama niya yun” “I know. Pero –” “—May karapatan siyang malaman na buhay ang ama niya. Kailangan ko talagang sabihin sa kanya ito” “Please. Huwag” “Bakit nga?” “Kasi ang tatay niya ang dahilan na muntikang masira ang pamilya namin” “Ano?” “Ang Jeffrey na yan ang kabet ng Daddy ko. Siya ang dahilan kung bakit muntikan nang maghiwalay ang Daddy at ng Mommy ko” paliwanag niya “Akala ko at ng Mommy ko na patay na siya talaga at tuluyan nang nawala sa buhay ni Daddy pero bumalik siya, Sara. Nagbabalik siya sa buhay ng Daddy” kuwento ni Stephen kay Sara habang tumutulo ang mga luha nito “At iyon ang dahilan kung bakit iniiwasan ko si Sky dahil galit ako sa ama niya at ayaw kong magsinunggaling sa kanya tungkol sa ama niya. At kung malaman niya na buhay ang ama niya, mabubuo ang kanilang pamilya; Si Daddy, si Jeffrey at si Sky. Isang pamilya na imoral pero sobrang saya dahil kumpleto sila. Samantala kami ni Mommy?? Sa tabi lang, umiiyak at naghahangad ng kumpletong pamilya kahit kami ang legal” sabay punas niya sa kanyang mga mata “Kaya hindi mo ako masisisi na iwasan ang babaeng mahal ko, dahil ama niya ang pilit na sumisira sa pamilya ko. Kaya kong isakripisyo ang personal kong kaligayahan para lang sa Mommy ko at sa pamilya namin” Walang imik si Sara sa mga sama ng loob na binitawan ni Stephen sa kanya. Niyakap niya lamang ito ng mahigpit at hinalikan sa pisngi. *** Umalis si Cindy sa bahay at tila nagmamadali sa kanyang pupuntahan. Ayaw niya kasi mahuli at baka umalis ang kanyang kakausapin na tao. Nang pagdating niya sa isang opisina ay kinakabahan siya sa kanyang gagawin. Tama ba ito? O isa naman ito sa mga pagsisisihan niyang pangyayari sa kanyang buhay. Hindi naman siya nag-isip ng matagal at pumasok kaagad sa opisina. “Good Afternoon po” bati niya habang papalapit siya sa office table “Good Afternoon din” sagot naman nito “Sino ka at ano ang ginagawa mo sa office ko? Kung hihingi ka ng solicit sa kumpanya namin, pasensiya na, hindi kami isang charity na nagbibigay ng awa” “Talaga??” sabay tawa ni Cindy sa kanya “Nakakatuwa naman.Kahit bago pa lang tayo nagkita at nagkakilala, alam ko na ang ugali mo” “Are you trying to insult me?? Sorry, hindi ako naiinsulto” “Hindi naman” sabay upo niya sa bakanteng upuan “Baka nga ikaw pa ang hihingi ng pabor sa akin kapag nasabi ko na sa’yo ang dapat mong malaman” “Sa isang katulad mo??” sabay tingin ni Madam Jean sa kanya “Hindi mangyayari yun. I doubt it” “Talaga?? Kahit sa kapatid mo pa sa ama?? Ano nga ba ulit ang pangalan niya?? Jeffrey Dy ata yun” “Bakit?” sabay kunot ng noo ni Madam Jean “Ano ang tungkol sa patay kong kapatid?” “Patay??” ulit ni Cindy “Diyan ka nagkakamali” “Ano?? What do you mean?” “Ooops” sambit niya kay Madam Jean “Tignan mo, ikaw na ang ngayon ang nagtatanong” “Cut the crap. Ano ba ang alam mo sa kapatid ko?” “Hindi ko sasabihin. Kapag wala kang binibigay na pera” Tumirik ang mata ni Madam Jean sa pabor sa kanya ng isa “Alam ko na ang takbo ng usapan na ito. Babayaran kita para sabihin mo sa akin ang nalalaman mo diba?? Para perahan mo lang ako” “Exactly. Tama ka” “Hindi ako tanga para utoin ako para perahan mo lang” sabay tayo ni Madam Jean “Kung sino ka man na hampas-lupa ka. Lumayas ka sa opisina ko!” “Haay naku” sabay tawa ni Cindy “Pareho ka talaga ng kapatid mo. Masyadong pikon. Binibiro lang kita, Jean. Don’t worry” “Do you think nagbibiro ako?? Ang sabi ko ay umalis ka sa opisina ko” “Fine. Aalis ako pero may sasabihan muna ako sa’yo” sagot niya “Buhay si Jeff. Nagpapanggap lamang siya bilang José Hidalgo. Dahil naghihiganti siya sa’yo at sa ginawa mo noon sa kanya” lapit niya kay Madam Jean “Mag-ingat ka sa pagbabalik niya dahil hindi mo alam kung ano ang kaya niyang gawin” Parang istatwa si Madam Jean sa kanyang nalaman mula kay Cindy. Hindi nga siya nababaliw o napapraning dahil totoo nga ang kanyang hinala “After all this time. Totoo ang hinala ko kay Mr. Hidalgo??” “Yup. Totoo ang hinala mo” “Hindi ako nababaliw” sabay tingin niya kay Cindy “Sino ka ba at bakit mo ginagawa ito?” “Ako si Cindy. Asawa ako ni Nathan, ang former lover ni Jeff” paliwanag niya kay Madam Jean “Sinira niya noon ang pamilya ko at sa pagbabalik niya ay sisirain niya muli ito” habang nangangalit ang ngipin niya habang kwinekwento ito “Kaya andito ako ngayon sa’yo, humihingi ng tulong para tuluyan nang mapabagsak ang Jeff na yan” “So, ano ang proposal mo Cindy?” “As I said, magtulungan tayo. Magsanib pwersa tayo para labanin ang Jeff na yan” “Hmmm. Well, parang gusto ko ang proposal mo na yan” ngiti ni Madam Jean “Pero how can I assure na magkakampi tayo hanggang sa huli?” “Magtiwala ka lang sa akin dahil gagawin ko ang lahat para mawala na sa daigdig ang baklang yan” sambit ni Cindy “Ayaw ko nang masira ang pamilya namin ng dahil sa kanya” “Inspiring words. Sige” sabay unat ng kanyang kanang kamay para umalok ng kamayan kay Cindy at habang nakangiti ito “Tatanggapin ko na ang alok mo. Partners?” “Partners” pagkamay din ni Cindy kay Madam Jean. *** Samantala. Umuwi kaagad si Jeff pagkatapos makipagkita sa asawa ni Madam Jean na si Richard Teng, ang may ari ng Teng Prime Holdings. Nang pagpasok niya sa kanilang silid ay nadatnan niya si Don Rolando na may parang sinusuri sa mga papel na mga hawak niya. “Buenas tardes, Papá” bati niya sa kanyang ama-amahan “Buenas tardes a ti también, José” ganti ni Don Rolando sa kanya na ibig sabihin ay ‘magandang hapon din sayo’. “Saan ka nanggaling?” “Ahmm. Papá?” at umupo siya sa tabi nito “Meron po akong sasabihin sa inyo” “Ano yon, anak?” “Nakapagpili na po ako ng kumpanya” “Talaga?” sabay paglapat ng mga papel na hawak niya sa mesa “Anong kumpanya naman yun?” “Ang Teng Prime Holdings po, Papá” “Hmmmm. Sige, kung iyan ang maging desisyon mo, anak” sagot naman niya kay Jeff “Pero ito lang ang sasabihin ko, sana tama ang maging desisyon mo. At kung nagkamali ka dito, hindi na ako mahihimasok pa dahil ikaw na ang may-ari sa Hidalgo Breweries” tapik niya sa balikat ni Jeff dahil nalungkot ang mukha nito ng bahagya “Pero hindi ibig sabihin na papapabayaan kita sa gitna ng laban mo kay Jean, anak. Katulad ng sinabi ko noon sa’yo, ay andito ako sa likod mo at tutulungan sa mga plano mo laban sa kanya” “Alam ko yon, Papá” ganting ngiti ni Jeff sa kanya “Maraming Salamat talaga” Ngumiti si Don Rolando sa pasasalamat ng anak niya na si Jeff. Muntik niya nang makalimutan ang kanyang binabasa “Oo nga pala, anak. May napili na akong bahay na malilipatan natin” “Talaga? Saan po yan, Papá?” “Sa isang exclusive village, José” sabay pakita niya sa anak ang litrato ng bahay “Ito oh” “Teka. Ang laki nito Papá” nagulat si Jeff sa kanyang nakita “Hindi na ‘to isang bahay lang. Mansyon na ‘to oh” “Ayaw mo ba, anak? Pangit ba?” “Hmmm. Okay naman po, Papá. Sobrang ganda nga. Pero masyadong malaki para sa atin” “Hindi naman ito para sa atin lang. Para din sa nanay mo at sa anak mo ito” paliwanag ni Don Rolando “Ito lang ang naiisip kong paraan para makabawi ka sa naiwan mong ina at anak sa loob ng labing-isang taong” “Pero Papá” “Huwag nang humirit pa, anak. Pumayag ka na lang” tapik muli sa balikat ni Jeff at ngumiti “Para naman ito sa pamilya mo, okay?” “Hmmm. Sige po, Papá” sagot naman ni Jeff “Wala naman ako magagawa kundi pumayag na lang” “Mabuti naman kung ganon, anak” ngiti ni Don Rolando sa kanya “Balang-araw ay magiging masaya na kayong pamilya” “Bakit kami lang, Papá?? Pati ikaw, siyempre” Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD