Hindi pala napansin kanina ni Sara at ni Stephen na nakita sila ni Sky sa hindi kalayuan. At nasaktan ito sa kanyang nakita na paghalik ng kaibigan niya sa binata.
Nagdesisyon na lamang ang dalaga na hindi dumalo sa huli niyang klase sa araw na iyon dahil ayaw niyang makita si Sara. Gusto niya lamang mapag-isa at mag-isip ng malalim.Ang natatanging alam niyang lugar na kung saan siya mapag-isa ay doon sa libingan ng kanyang ama.
Nakatayo si Sky sa may paanan ng puntod ng ama. Nakatitig sa pangalan na naka-ukit sa lapida.
“Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na wala ka na talaga, ama. Parang kahapon lang na maramdaman ko ang huling yakap mo” sambit ni Sky sa puntod “Papa? Miss na miss na talaga kita. Sana hindi ka na lang namatay. Sana kasama kita ngayon dito, pinapagaan mo ang damdamin ko” sabay punas ng kanyang mga luha “Hindi ko kasi alam kung paano ko ito makakayanan ang nararamdaman ko ngayon. Trinaidor ako ng matalik kong kaibigan. Nakita ko kasi na hinahalikan niya ang taong mahal ko, Papa. Pero wala naman reaksyon si Stephen kundi hinayaan na lamang halikan siya. Ang sakit-sakit, Papa”
Umupo siya sa may damuhan at sinindihan ang kandila na dala-dala niya at hinintay niya itong maubos. Pagkatapos ang halos isang oras ay nagdesisyon siya na umuwi na dahil nag-aalala na ang kanyang Tita-Mommy at dahil dumidilim na ang paligid.
Nang paglabas niya ng sementeryo ay kaagad siyang naghintay ng taxi ng kanyang masasakyan.Ilang minute ang kanyang paghihintay ng taxi at sa wakas ay may dumating na din. Pinarahan niya at sumakay siya dito.
Sa kanyang pagsakay ay may tumawag sa kanyang telepono at sinagot niya naman kaagad para malaman kung sino ang kausap niya sa kabilang linya.
Marlon: Bakla. Kamusta ka na??
Sky: Marlon?? Wow. After long years ha. Nagparamdam ka
M: Sorry kasi. Naging busy lang ako sa boyfriend ko… I mean, sa ex ko.
S: Asus. Ikaw talaga, Marlon. Naaalala mo lang ako kapag wala ka nang lalaki sa buhay
M: Sorry na nga.
S: Oo na. Teka. Bakit ka napatawag?
M: Wala naman. Na-miss lang kita at kakamustahin. So, kamusta ka na nga? Kamusta na si lover-boy mo?
S: Sino??
M: OOyyy. Nakalimutan beh?? Bitter-bitteran ang drama?? May nangyari ba bakla?
S: Wala naman. Nakita ko lang kanina sa school si Stephen
M: Oh tapos?
S: Na hinahalikan siya ni Sara. Tapos wala lang sa kanya na hinahalikan siya. Parang nag-eenjoy nga eh
M: Ano?? Si Sara?? Ang pinakamabait na kaibigan sa buong mundo??
S: Oo siya nga.
M: Haay naku bakla. Ganyan talaga yan. Tumutira ng patalikod. Hindi ka naman nasanay sa kanya. Naalala mo naman noon sa amin diba?
S: Yung tungkol sa pagsumbong niya sa Mommy mo na bakla ka??
M: Trot! Inggitera kasi. Kasi mas pogi pa noon ang boyfriend ko sa boyfriend niya, kaya sinumbong niya ako kay Mommy.
S: Oo nga noh? Kawawa ka noon kasi pinalayas ka pa ng Mommy mo sa bahay ninyo. Gusto sana kitang patirahin sa mansyon ni Tita-Mommy pero hindi pwede eh
M: Naku. Okay lang yun. Tapos na yon. At tsaka, tanggap naman ako ngayon ng pamilya ko noh. Oo nga pala, saan ka?
S: Pauwi na ako. Galing ako sa puntod ni Papa.
M: Mahal mo talaga ang Papa mo, bakla noh?
Napansin na lamang ni Sky na mali ang dinaanan ng taxi ng kanyang sinasakyan at tila mabilis na ang kanyang takbo.
S: Bakla. Bababa ko muna ito.
M: Ha? Bakit?
S: Parang may nararamdaman ako hindi maganda sa driver eh.
Habang tinatakpan niya ng kanyang kamay ang bibig at ang telepono para hindi siya marinig ng driver.
M: Ano?! Sige-sige. Mag-iingat ka, bakla.
Pinatay naman ni Sky ang kanyang telepono at nilagay sa loob ng kanyang bag. “Manong, mali po yung dinaanan natin” paalala niya sa driver pero wala itong imik. Kinabahan na siya baka kung ano gawin sa kanya ni Mamang driver. “Manong!! Itigil niyo ito kundi tatalon ako” pero wala pa ding imik ang driver. “Ayaw ko pang mamatay…”
May kinuhang maliit na botelya ang driver at inispray sa aircon. Ilang saglit lamang, ang nagwawalang babae ay unti-unting nanghihina at nawalan na ng malay.
***
Nagising si Sky sa sa isang malambot na kama. Medyo madilim ang kwarto at ang tanging ilaw lamang ay nasa CR ng kwarto. May tao sa loob nito… at isang lalake.
Naalala niya pala na nasa taxi siya kanina, at may ginamit ang driver para mapatulog siya at idinala siya dito sa isang kwarto. Pero ang tinataka niya ay hindi siya nakagapos at malayang makagalaw . Ito na ang kanyang pagkakataon para tumakas.
Dahan-dahang naglalakad si Sky patungo sa pintuan ng kwarto. Kailangan niya talagang makalabas sa kwartong iyon bago pa may mangyari sa kanya.
Sa kanyang pagpihit ng doorknob, ay may biglang nagsalita…
“Saan ka pupunta, Sky?” sambit ng lalake na kasama niya sa kwarto. Alam ng lalaki ang kanyang pangalan? “Hindi pa tayo nag-uusap ah” naramdaman niya na lumalapit ang lalake dahil lumalakas ang boses nito. Napapikit na lamang si Sky sa anong gagawin ng lalake sa kanya. “Humarap ka… para makita mo ako”
Kaagad namang humarap si Sky sa lalake at nagulat siya sa kanyang nakita. Biglang napatulo ang kanyang luha dahil mali pala ang kanyang iniisip sa lalakeng kaharap niya.
Si Jeffrey, ang kanyang ama na nakangiti at may tumutulo na luha mula sa kanyang mga mata.
“Papa?? Ikaw ba yan?” parang istatwa ang dalaga dahil sobra ang kanyang galak ng makita niya ang ama na buhay “Buhay ka…??”
“Oo anak. Ako ‘to. Buhay na buhay”
“Pero paano?? Paano Papa?? E s-sino yon ang inilibing namin noon?”
“Hindi yon ako, anak. Baka isa sa mga lalaki na kumidnap sa amin” habang tinititigan pa din siya ni Sky na parang hindi pa din makapaniwala “Oh ano?? Tatayo ka lang ba diyan?? Hindi mo ba yayakapin ang Papa mo?”
Bumuhos ang luha ni Sky at kaagad niyakap ng mahigpit ang ama. Mahigpit na mahigpit na parang ayaw niya na itong mawala “Miss na miss po kita Papa. Salamat talaga na buhay ka. Sana hindi ako nanaginip”
“Miss na miss din kita anak. At hindi ito panaginip dahil totoo ako. Buhay na buhay para sa’yo” ganti din ni Jeff sa anak
“Naguguluhan pa rin ako ngayon, Papa”
“Umupo tayo, Sky. Ikukuwento ko lahat sa’yo ang nangyari sa akin”
Bumalik si Sky sa kama na kung saan siya kanina nakahiga. Umupo siya doon at ganon din naman ang kanyang ama.
Kwinento ni Jeff lahat-lahat na nangyari sa kanya nung akala nila na patay na siya. Doon naiintindihan ni Sky ang totoong nangyari sa kanyang ama at kung paano siya nakaligtas sa pagsabog ng warehouse.
“Kaya pala, Papa. Akala namin ay ikaw yun sa kabaong, hindi pala”
“Akala ko din ay patay na rin kayo” patuloy pa din ang pagkuwento niya sa kanyang anak
“Alam na ba ito ni Nanay-La na buhay ka Papa?”
“Oo anak. Mas nauna niyang nalaman na buhay ako kesa sa’yo. Pasensiya na anak”
“Hindi Papa. Okay lang yun. Hindi naman ako galit eh” sagot ng dalaga “Ang importante sa ngayon ay kasama na kita Papa”
“Mabait ka talagang bata, Sky” ngiti ni Jeff sa anak “Swerte talaga ako sa’yo, anak”
“Mas maswerte po ako Papa kasi ikaw ang Papa ko” ganti din ng anak
Nakita ni Jeff na biglang nalungkot ang mukha ni Sky ng hindi niya alam “O bakit? May problema ba?”
“Meron po, Papa”
“Ano naman yun?”
“Nagalit kasi ako kay Tito Nathan, Papa eh. Siya ang sinisisi ko ng pagkamatay mo. Mali pala. Kundi si Tito Alvin” sagot ni Sky “Sorry Papa”
“Okay lang yun. Hindi ka na dapat humingi ng tawad sa akin at isa pa, hindi pa naman ninyo alam noon eh” pagpagaan ni Jeff ng loob ng anak “Kaya naiintindihan ko”
“E kasi mahal mo siya diba, Papa?” balik niya sa anak “Baka magalit ka sa akin”
Napangiti na lamang si Jeff sa sinabi sa kanya ng anak “Hinding-hindi ako magagalit sa’yo anak dahil mahal din kita”
“Salamat po. Mahal na mahal din po kita, Papa”
“Oo nga pala, kamusta na ang pag-aaral mo?” tanong ni Jeff sa anak “Balita ko ay si Jean ang nagpapaaral sa’yo”
“Opo Papa. Si Tita-Mommy nga po”
“Tita-Mommy?” nagulat si Jeff sa tawag niya sa traidor na kapatid “Bakit iyan ang tawag mo sa kanya?”
“Kasi po iyan ang gusto niyang itawag ko sa kanya”
“Ahh. Ganun ba?” tanging sagot ni Jeff
“Opo Papa”
“Matanong ko lang, anak” sabay lapit ni Jeff ng kanyang mukha sa anak “May sinabi ba si Jean tungkol sa akin?”
“Wala naman po, Papa. Bakit po?”
“Wala, anak. Nevermind”
“Bait nga po niya Papa eh. Parang pangalawang nanay ko na si Tita-Mommy” kuwento ni Sky sa ama “Medyo istrikto pero malambing naman kahit papaano”
“Mabuti naman kung ganon, anak. Masaya ako dahil hindi ka niya pinabayaan” sagot nito
“Opo Papa. Mahal na mahal ko din si Tita-Mommy eh. Pero siyempre, mas mahal kita Papa dahil ikaw ang Papa ko” sabay yakap ni Sky sa ama.
“Mahal din kita anak” tangin sagot nito “Teka, baka hinahanap ka na ng Tita-Mommy mo. Umuwi ka muna sa inyo”
“Pero paano ka Papa?” muling nalungkot ang mukha ni Sky “Sumama ka ba lang kaya sa akin. Magsama na tayo sa iisang bahay, please”
“Anak. Huwag muna sa ngayon. May inaayos pa akong problema”
“Ano po yun, Papa?”
“Basta. Mahirap ipaliwanag. Huwag muna anak. Kung magiging okay na ang lahat, tsaka ko sasabihin sa’yo, okay?” at tumango si Sky ng mahina bilang pagsang-ayon sa sinabi ng ama “At hihingi sana ako sa’yo ng pabor, Sky”
“Ano po yun?”
“Sana huwag mong sasabihin kay Jean, I mean, sa Tita-Mommy mo na buhay ako”
“Bakit naman po?”
“Basta anak. Basta yun lang ang ipangako mo sa akin, okay? Huwag nang maraming tanong”
“Okay po, Papa”
“Good girl” at hinalikan ni Jeff sa noo ng anak “Umuwi ka na, anak. Pangako ko sa’yo na balang araw ay magkakasama din tayo”
“Inaaasahan ko po yan Papa” ngiti ng anak “Alis na po ako”
“Mag-iingat ka, anak. Kapag nasa baba ka na ay nandoon ang taxi na sinakyan mo kanina. Huwag ka nang mag-alala sa driver na yon, anak. Tauhan ko siya”
Umalis si Sky sa hotel-room ng kanyang ama at sumakay sa taxi na sinakyan niya kanina. Nakauwi siya ng mansyon dakong alas-nwebe na ng gabi.
***
Nang pagkaalis ng anak niyang si Sky sa hotel ay sakto din na dumating si Don Rolando. Pagpasok niya sa silid ay kaagad nagmano si Jeff sa kanya.
“Magandang gabi po, Papá” bati ni Jeff.
“Magandang gabi din, anak”
“Saan po kayo nanggaling? Ginabi kayo ata”
“Pasensiya na anak kung hindi kita nasabihan” dugtong ni Don Rolando “Tinignan ko na kasi ang bahay eh. Nagandahan ako kaya nagtagal ako dun”
“Ah ganun ba?” samba ni Jeff “Nabili niyo na po?”
“Oo anak. Nabili ko na” sagot agad ng matanda “Kaya bukas na bukas ay makakalipat na tayo ng bahay”
“Mabuti naman kung ganon, Papá. Para hindi na tayo dito sa hotel nakikitira. Magastos kasi… at alam na ng iba ang lugar na ‘to”
“Oo nga anak. Mabuti nga ito. May privacy na tayo” dugtong niya. Hindi niya maalis ang pagkatitig niya kay Jeff dahil parang masaya ito “Ang saya mo ata, anak. May nangyari ba na dapat mong ikasaya?”
“Hmmm. Meron po, Papá”
“Ano naman iyon mahal kong José?”
“Nagkita na kami ng anak ko, Papá”
“Talaga?? Mabuti anak. Ano naman ang naging reaksyon niya nung pagkita niya sa’yo?”
“Nagulat pero masaya dahil alam niya na buhay ako. Kahit papaano ay nabawasan ng kaunti ang pagka-miss ko sa anak ko, Papá. Pero may isa tayong problema”
“Ano yon, anak?”
“Matindi ang attachment ng anak ko kay Jean dahil napamahal niya siya daw sa kanya” kuwento niya sa ama
“Edi sirain mo siya sa anak mo. Para dito na siya sa atin”
“Hindi” sabay tingin niya kay Don Rolando “Hinding-hindi ko pwedeng magagawa yon, Papá. Dahil baka isipin ng anak ko na masama akong tao at gumagawa lang ako ng kuwento sa taong nagpalaki sa kanya. Ayaw ko naman manyari yon. Ayaw ko na lalayo pa ang nararamdaman ng anak ko sa akin”
“Naiintindihan kita anak”
“Ang tanging gawin ko lang ay babawi ako sa kanya. Para lalo mapalapit siya sa akin”
Naputol ang kanilang usapan nang may tumawag sa kanyang telepono. Kaagad naman tinignan ni Jeff ang telepono at sinagot.
Gwen: Good evening Sir. Nakakaistorbo po ba ako?
Jeff: Gwen?? Hindi naman. Bakit ka napatawag?
G: May kailangan po kayong malaman Sir. Si Jean.
J: Bakit? Ano ang tungkol sa kanya?
G: Alam niya na si José Hidalgo at si Jeffrey Dy ay iisa.
J: Ano?! Paano niya nalaman?!
G: Si Cindy. Pumunta sa opisina kanina si Cindy at isinumbong ka niya kay Jean
J: Napaka-ingay talaga ng bunganga ng babaeng yan. Hindi talaga kaya makapagtago ng sikreto. Traidor talaga.
G: Oo nga po Sir. Pati ako ay nagulat sa biglang pagdating niya dito.
J: Sige Gwen Maraming salamat sa impormasyon mo. Maaasahan ka talaga
G: Sige po, Sir. Bye.
J: Bye.
Binaba ni Jeff ang telepono habang nakatayo pa din ito. Nangangalit ang kanyang bibig dahil nalaman na ni Madam Jean ang kanyang sikreto.
“Bakit José? Ano ang sinabi ng ispiya mo sa’yo?”
Hindi sumagot si Jeff sa tanong sa kanya ni Don Rolando. Sa sobrang galit ay hinihampas niya ang kanyang telepono sa sahig at nabasag ito.
Itutuloy…