Chapter 1 (Matagal na Panahon)

2555 Words
Isang napakagandang hapon ang natapos sa huling klase ni Sky. Sa Unibersidad na kung saan ang Papa niya na pumanaw na si Jeffrey nagtapos din ng pag-aaral. Nag-aaral siya bilang unang taon niya sa kolehiyo sa kursong B.S. HRM. Labing-isang taon na ang nakalipas nung namatay ang kanyang ama, pero parang kahapon lang nangyari ang lahat dahil sariwa pa sa kanyang alaala ang araw na pagkawala ng ama. Mahal na mahal niya kasi ito dahil sa maliit na panahon lang sila nagsama ay pinadama ni Jeff ang pagmamahal niya sa anak na si Sky. Paano kung hindi nangyari ang lahat ng iyon? Paano kung hindi namatay ang kanyang ama? Siguro iba ang takbo ng buhay nila ngayon. Ito ang mga tanong na tumatakbo sa utak ni Sky habang lumalakad siya palabas ng University. Pero sa kabila nito ay nagpapasalamat pa din siya dahil may umampon sa kanya. Ito si Madam Jean. Kinuha siya nito nung maliit pa lamang siya dahil gusto daw ng kanyang tiyahin na siya na daw ang magpapalaki sa kanya at gagabay sa pagtanda niya. Kahit malayo siya sa piling ng kanyang Nanay-La na si Joyce ay nagkikita at nagkakausap pa rin sila ng palihim sa kabila ng pagbabawal ni Madam Jean. Kasalukuyang nakatira sina Joyce at ang anak niya na si Joaquin kasama ang asawa niya na si Joy, sa bahay nina Nathan. Si Nathan o mas kilala sa tawag nilang ‘Riley’. Sa hindi nakakaalam, si Nathan ang lalakeng naging karelasyon ng kanyang ama. Siya ay may asawa na si Cindy at dalawang anak na lalake; na si Stephen, 17 na taong gulang at si R.K., 10 taong gulang. “Uuyy!!” sundot ni Sara sa tagiliran ni Sky at nagulat siya dito. Siya ang matalik na kaibigan ni Sky. Isang mabait at mapasensyosang kaibigan sa kanya. “Ay kabayo…!” sambit niya “Ano ka ba?!! Nagulat ako dun ah” “Sorry friend. May nakalimutan ka kasi eh” “Ano?” “Yung mahaba mong buhok” biro niya sa kaibigan na parang kinikilig “Sa sobrang haba ay andoon pa ang dulo sa loob ng school” “Ewan ko sa’yo” sagot naman ni Sky na parang naiinis sa sinabi ng kaibigan. “Oh bakit? Totoo naman diba?” sambit ni Sara “Hindi ka ba nakikilig sa proposal sa’yo ni Mark? Akalain mo, yung campus crush pa ang manliligaw sa’yo” “Hindi” matigas na sagot ni Sky “At bakit naman ako makikilig sa kanya? First of all, he’s not my type. And lastly, may girlfriend na siya. Si Micah” “E diba break na sila?” “Ewan ko. Sabi daw ni Mark ay break na sila. Pero alam mo naman yan si Micah, hindi sumusuko” “Kung sa bagay. May point ka, friend” pagsang-ayon niya kay Sky “E anong plano mo kay Mark?” “Siyempre, hindi ko tatanggapin ang alok niya na manligaw sa akin” sagot ni Sky “Sige na friend. Sasakay na ako ng taxi. Uwi na ako. Baka malaman ni Tita-Mommy na wala pa ako sa mansyon, magagalit yon” “Wow. May curfew?” “Oo eh. Ayaw na ayaw niya kasi na lumalabas ako with my friends or with my other relatives and even my immediate family” paliwanag niya sa kaibigan “Bahay-School lang talaga ako” “Bakit?? Ang overprotective naman niya” “Ewan ko nga friend. Kahit nga ang Nanay-La ko ay pinagbabawalan niya ako na magkita kami” “Wow ha. Buhay preso ka nga talaga, friend” “Oo nga eh. How I wish na buhay ang Papa ko” sambit ni Sky “Siguro kung buhay pa siya, hindi siguro ganito ang buhay namin” “Ang saklap naman” “Talaga. Anopa ang silbi ng yaman at luho na binibigay sa akin ni Tita kung hindi ko naman nakikita ang pamilya ko” “Kaya mo yan friend. I know na malalampasan mo din yan. Sana hindi na maging mahigpit ang Tita-Mommy mo sa’yo” “Sana nga friend” sagot ni Sky “Sige na. Sasakay na ako. Late na ako eh” sabay para ng taxi na dumaan. “Sige friend. Mag-iingat ka” *** Samantala. Sa hindi kalayuan ay may nakatingin na binatilyo sa sumakay na dalaga sa taxi. Matagal niya na itong gusto nung high school pa lamang sila pero hindi niya kaya na lapitan ang dalaga dahil nahihiya siya dito. Siya si Stephen. Ang panganay na anak nina Nathan at Cindy. Isang Computer Science student sa pareho ding Unibersidad na kung saan nag-aaral si Sky. “Tol. Mukhang nahulog ka na talaga kay Sky ah” sulpot ng kanyang kaibigan na si Dominic “Lakas mo makatitig sa kanya” “Uy hindi ah. Napatingin lang ako sa kanya” “Sus. Magpapalusot ka pa eh” dugtong niya sa kaibigan “Kanina pa kaya kita inoobserbahan. Hindi maalis ang tingin mo sa kanya eh” “Hindi naman. Nagagandahan lang ako sa kanya dahil sa mga mata niya” “Bakit hindi mo sabihin sa kanya ang totoong nararamdaman mo, para hindi ka na palagi natatago at hanggang sa tingin lang” “Naku. Hanggang crush ko lang naman siya noh” tanggol niya sa kanyang sarili “At isa pa, may nanliligaw na sa kanya. Yung Mark” “Ganon? Sumusuko ka na? Nanliligaw pa lang naman eh. Hindi pa naman sila” “Kahit na, tol. Ayaw ko naman na babastusin ko siya” sagot niya kay Dominic “Baka pagalitan ako ng Nanay-La niya” “Ha? Bakit?” “Doon kasi nakatira yung lola at tiyuhin niya sa bahay” paliwanag ni Stephen “Kaya natatakot ako na ligawan siya dahil baka malaman ng mga magulang ko at ng lola niya. Papagalitan ako” “Wow. Masyado kang mabait brad” sagot ni Dominic “E magkakilala nga pala ang magulang mo at ng pamilya niya. At iisang bahay pa ha. Swerte mo sana, palagi mo siyang nakikita” “Oo. Pero hanggang silip lang eh” sagot naman nito “Siguro pangalawang beses ko lang siya nakita na pumunta sa bahay. Pero kapag andoon ako, tumatago agad ako” “Ano??” sabay kamot ng kanyang ulo “Ang labo mo talaga. Napaka-torpe mo” *** Bago umuwi si Sky ay dumerecho siya muna sa sementeryo para dalawin ang kanyang ama. Sinindihan niya ang puntod nitp at napatingin ng matagal sa pangalan ng ama na naka-ukit sa lapida. “Hello Papa. Kakatapos lang po ng klase ko” sabay ngiti niya “Kamusta ka na po diyan sa langit? Siguro masayang-masaya ka na diyan. Alam mo Papa, may nanliligaw na sa akin. Pero don’t worry Papa, hindi ko siya type. At isa pa, alam ko naman na magagalit ka kapag magka-boyfriend ako eh. So, huwag muna” hindi niya namalayan na tumulo na pala ang kanyang luha “Papa?? Kahit 11 years na, hindi ko pa rin matanggap na wala na kayo. Mahal na mahal kasi kita Papa. Miss na miss din” habang patuloy ang pagdaloy ng kanyang luha ay may tumunog sa kanyang telepono. Tinignan niya ito at may mensahe siyang natanggap. Binasa niya ito kaagad “Naku Papa. Alis na po ako. Naghihintay na si Tita-Mommy sa mansyon. Baka galit na” ngiti ni Sky “Sige po. Alis na ako Papa. Paalam po” Nagmamadaling lumabas ng sementeryo si Sky at kaagad sumakay ng taxi pauwi sa kanilang bahay. Habang papasok siya ng mansyon ay parang malakas ang kabog ng kanyang dibdib dahil papagalitan na siya ng kanyang Tita-Mommy. Nahuli siya kasi sa kanyang curfew na binigay ni Madam Jean. “Bakit ngayon ka lang?” sambit ni Madam Jean na nakaupo sa sofa. “Sorry po Tita-Mommy. Nagmeeting po kasi kami ng mga kaklase ko” pagsinunggaling ni Sky. “Tungkol saan?” “Ahhmm. Sa ano po…” habang nauutal ang kanyang pananalita “Saan?” “Tungkol sa project po namin” “Talaga??” habang nakataas ang isa niyang kilay “Opo, Tita-Mommy” Tumayo si Madam Jean at linapitan ang nakatayong pamangkin malapit sa pintuan “Mabuti naman kung ganon, Sky” ngiti niya dito “Mag-aral ka ng mabuti dahil para din ito sa future mo. Para ikaw magpatakbo ng D&T Group of Companies balang-araw” “Don’t worry, Tita-Mommy. Nag-aaral ako ng mabuti para maging proud kayo sa akin” sagot ni Sky sa kanya “Lalung-lalo na para kay Papa” Napataas muli ang kilay ni Madam Jean dahil sa narinig niya tungkol kay Jeff “Sky…” sambit nito “Bakit po?” “Huwag mo naman sana isama ang namatay mong ama para sa pagiging successful mo dahil wala na siya” sambit nito “Patay na siya para patunayan mo sa kanya ang iyong tagumpay sa hinaharap. Hinding-hindi niya na yan ma-a-appreciate dahil wala na nga siya dito sa mundo. Maliban na lang kung babangon yan sa hukay. Gusto mo ba yon?” “Huwag naman po sana, Tita-Mommy. Nakakatakot po yan” “Oh diba?? So, huwag mo na siyang isama sa mga pangarap mo, okay?” “Pero…” “Sky..? Sumunod ka na lang. Please?” “Sige po” sagot ni Sky na parang malungkot ang kanyang mukha. “That’s my girl” sabay halik ni Madam Jean sa noo ni Sky. “Umakyat ka na sa kuwarto mo at magbihis ka ulit. Kakain na tayo ng hapunan sa labas” “Sige po” Kaagad siyang umakyat at nagtungo sa kanyang silid. Nagpalit siya ng kanyang damit na susuotin para sa kanilang lakad. Bumaba siya ng ilang saglit at napatingin si Mike (ang kanyang pinsan at anak ni Madam Jean) sa kanya. “Wow. Ang sexy ah” sambit nito kay Sky. “Tumahamik ka nga diyan. Ang ingay mo” “E totoo naman. Ang sexy talaga ng pinsan ko” “Ano ba yang suot mo, Sky” sambit ni Madam Jean na palapit sa kanila “…magpalit ka nga…halos kita na ang buong katawan mo oh” “Tita-Mommy. ano ka ba? Fashion ‘to, sexy kaya neto” “Anong sexy…? Magpalit ka nga” utos nito “…ang bata-bata mo pa, marunong ka nang magpakita ng balat. E kasama mo pa ako, ano ang sasabihin nila kung pinasusuot kita ng ganyang damit?? Masisira pa ng imahe ko sa’yo” sambit ni Madam Jean sa kanya “Magpalit ka. Yung hindi kita ang balat: Hindi na lamang sumagot ang dalaga at umakyat muli. Magkalipas ang ilang saglit ay bumaba ulit si Sky mula sa kanyang silid na parang balot na balot ang kanyang katawan. “Yan! Much better” sigaw ni Madam Jean habang nakatayo sa may pintuan. Naghihintay na sa sasakyan ang kanyang asawa na si Richard at anak na si Mike “…mas mabuti ang ganyang suot. Hindi masyado kita ang katawan mo” Kaagad silang umalis at pumunta agad sila sa isang mamahaling restaurant at doon kumain ng kanilang hapunan. “Mahal, bakit dito mo kami dinala…?” tanong ni Madam Jean sa asawa “Bakit? May problema ba dito?” “Oo. Masyado kasing mura ng mga pagkain dito eh” sambit niya “Baka sumakit ang tiyan natin dito” “Saan mo gusto kumain?” “Sa mamahalin syempre” sagot naman niya sa asawa. Pero nagpabuntong-hininga na lamang si Richard sa demand ng asawa “Oh bakit? May angal?” “Wala…” sagot nito at kaagad muling nagmaneho at naghanap sila ng mamahaling restaurant. Isang oras din ang lumipas at nakahanap na din sila ng makakain. Isang mamahalin na restaurant ang kanilang pinasok. Hindi makapaghintay sina Mike at Sky, at kaagad sila umupo at umorder ng makakain dahil gutom na gutom na sila. Magkalipas ang ilang minuto ay dumating ang kanilang pagkain. Kaagad nila itong kinain lalung-lalo na ang dalawa. “Ano ka ba Mike. Ang baboy mong kumain” saway ni Sky sa kanya “Ano ba…? Masarap eh. Pakialam mo naman kung ganito ako kumain” “Mahiya ka nga. Nasa restaurant tayo noh, hindi sa bahay natin” “Tama si Sky, Mike. Mamahalin na restaurant ito. Dapat we act formal and use our table etiquette” “Yes Mom” sagot naman ni Mike sa ina. Nang matapos ang kanilang hapunan ay nagbayad sila ng kanilang bill at agad nang umalis. Talagang nag-enjoy at nabusog ang lahat sa kanilang kinain. *** Habang masaya sina Sky sa kanilang kinain, baliktad naman ang dinadama nina Nathan sa kanilang bahay. Hindi sila makakain ng maayos dahil sa sobrang dami nila ay hindi kasya ang pagkain. Si Nathan na lang kasi ang naghahanap-buhay sa kanilang pamilya. Samantala si Cindy ay nasa bahay lamang. Idagdag pa ang kanilang dalawang anak na nag-aaral. Isa sa kolehiyo at isa naman ay nasa high school. At ang matandang Joyce at ang anak na si Joaquin at kasama ang kanyang butis na asawa na si Joy na nakatira sa kanila. “Nakakabitin naman, Mommy” sambit ni R.K. sa ina “Gutom pa ako eh” “Tiis-tiis ka lang muna, anak. Wala na kasing pera ang Daddy mo eh” “E ganyan din ang sinasabi mo parati eh” “R.K. Hindi ka ba nakakaintindi na wala pang pera ang Daddy?” saway ni Stephen sa kapatid “Marunong ka umitindi” “Nagugutom ako eh. Anong magagawa mo…” Tatayo sana si Stephen para puntahan ang kapatid sa kabilang parte ng mesa pero pinigilan siya ng kanyang ina. “Stephen. Huwag mo nang patulan” “E siya kasi eh. Hindi marunong mag-intindi” “Ikaw ang hindi marunong mag-intindi sa akin” paglaban ni R.K. sa sarili “Nagugutom na nga ang tao, pinapatulan mo pa” “Saan mo ba ginastos ang pera mo kanina?? Sa nobya mo naman??” sagot naman ni Stephen sa kapatid “E kung ginastos mo siguro sa pagkain mo, hindi ka magsusumpong ng ganyan” “Atleast ako, may girlfriend. E ikaw?? Wala. Torpe ka kasi” “Anong sabi mo…” “Tumigil nga kayo!” sigaw ni Nathan sa dalawang anak “Ang iingay ninyo! Pwede ba? Matuto kayong magpasalamat kung ano ang nakalagay sa mesa. Hindi ang nagbabangayan!!” Napatayo si Nathan sa kanyang upuan dahil nainis ito sa away ng kanyang mga anak. Sinundan naman siya ng asawa na si Cindy sa kanilang silid para kausapin ito dahil sa kanyang biglang pagsigaw. “Nathan. Ano yun? Bakit ang init ng ulo mo?” “Naiirita na ako sa kanila eh. Ang daming reklamo” sagot nito “Madami na nga tayong problema at gastusin, dinadagdagan pa ng mga anak mo” “E bakit mo sila sinisisi? Mga anak mo yon” “E sino sisihin ko?? Ikaw??” “Sino pa dito sa bahay ang palamunin lang natin??” dugtong ni Cindy “Kahit natin sila kadugo ay pinatitira at pinalalamon natin dito ng libre??” Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD