“Ano ang ibig mong sabihin?” tanong ni Nathan na tila pinakaklaro niya sa asawa ang sinasabi. “Sina Nanay Joyce ba ang tinutukoy mo?”
“Tama. Sila nga” pagkumpirma niya sa asawa “Ang kapal din naman kasi ng mga mukha nila. Sila na nga ang pinapatira at libre pa ang kain, wala pa silang kontribusyon sa gastusin”
“Alam mo naman na mahina na ang Nanay Joyce diba?? Bakit gusto mo pa siya pagtrabahuhin??”
“Hindi naman siya ang tinutukoy ko. Kundi ang kanyang anak na si Joaquin”
“May trabaho naman siya ah”
“Oo nga. Isang construction worker. Tinatawagan lang siya kapag may trabaho pero kung wala, tambay lang siya dito. Lumalamon din kasama ng kanyang buntis na asawa”
“Ano ka ba naman Cindy??” sambit naman ni Nathan “Hanggang high school lang ang naabot ni Joaquin. Sana intindihin mo naman siya”
“E sila?? Hindi ba nila tayo iniintindi?? Saan ba ang mga ibang anak niya?? Sana sila ang mag-aruga sa kanilang matanda”
“Wala sila lahat dito, okay?? Nasa ibang bansa. Hindi nga sila nakadalo sa libing ni Jeff diba??”
“My God! Hindi ba nila inisip ang kanilang ina?? 11 years na ang dumaan. Hindi naman nila kinuha ito sa atin?? Matagal na panahon na yon” sigaw ni Cindy “Tapos hihingi ka pa ng pag-intindi?? Tayo na nga ang naghihirap sa kahahanap ng pera ah. Tapos tayo pa ang mag-iintindi??!”
“Tumigil ka na Cindy. Hindi ko na gusto ang lumalabas sa bibig mo”
“Bakit?? Totoo naman eh. Kung hindi dahil sa namatay niyang anak, wala sila siguro dito”
Uminit ang ulo ni Nathan sa mga sinasabi ng kanyang asawa at sinampal niya ito. Napatumba si Cindy sa kama habang hinahawakan ang pisngi na nasampal.
“Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na huwag na huwag na huwag mong sisisihin si Jeff sa mga nangyayari sa atin ngayon” panduduro niya sa asawa na parang nanggigigil sa galit “Bakit ka nagrereklamo sa gastusin?? E isa ka din naman sa palamunin ko… Ako ang naghahanap ng pera at hindi ikaw. So, huwag kang magreklamo kung sino ang patitirahin ko sa pamamahay ko!”
***
Alas-nwebe na ng umaga bumangon kinabukasan si Sky. Naligo at nagbihis siya at pumasok agad sa paaralan. Hindi niya pinansin ang mga tao sa loob ng bahay bago siya umalis.
Habang naglalakad si Sky papunta sa kanyang klase ay may humarang sa kanya na lalake. Isang gwapo at macho.
“Hi Sky” bati niya “hatid kita sa room mo”
“Mark. Please. Tama na. May girlfriend ka diba?”
“Hmmm. Oo”
“E di lubayan mo na ako at baka ano na naman ang iisipin ng girlfriend mo dahil magkasama tayo”
“So? I don’t care. Sinabi ko na kagabi sa kanya na maghiwalay na kami dahil ikaw ang gusto ko”
“What??!! Mark naman. Pinapahamak mo pa ako eh. Alam mo naman na galit na galit si Micah sa akin”
“Huwag kang mag-alala. Ako ang bahala. Ipagtatanggol kita sa kanya”
“Ganon?”
“Oo. Sige na. Hatid na kita, baka mahuli ka pa” paanyaya ni Mark “Wala namang masama kung ihahatid kita diba?”
Inihatid nga ni Mark si Sky sa kanyang silid-aralan. Sakto din na nakatayo si Micah sa may bandang pintuan ng silid. Kaagad namang nagpaalam ang lalake kay Sky at hindi niya pinansin ang kanyang nobya.
Si Micah kasi ang kontrabida sa kanyang buhay kahit bata pa sila noon. Ang batang nag-bully sa kanya noon. Mahilig siyang magtuon parati ng pansin at ng oras sa mga pang-iinsulto niya kay Sky.
“Paraan…” mahinahong sambit niya kay Micah.
“Ayoko.” Sagot niya naman “Ang kapal din naman ng mukha mo, Sky. Boyfriend ko, nilalandi mo”
“Hindi ko nilalandi ang boyfriend mo, Micah. Siya lang ang lumalapit sa akin pero ayaw ko sa kanya”
“Talaga? Kaya pala may pa-hatid-hatid ka pang nalalaman. Yun na pala ang tawag sa ayaw?” sabat ni Micah “At nakita ko kahapon ang pagpopropose niya, na kita sa buong school ang korning nangyari sa inyo. Ano yun? Wala lang?”
“Wala yun” sagot ni Sky “As I said. Hindi ko siya gusto”
“Sinunggaling”
“Sige. Isipin mo na ang gusto mong isipin…kahit anong paliwanag ko sa’yo, hindi ka pa rin nakikinig”
“…at bakit naman ako makikinig sa isang malanding babae na katulad mo? Ang taong mismong umagaw sa boyfriend ko.”
“Bahala ka nga…” pagpupumilit na pagpasok niya sa pintuan at hinawakan ni Micah ang kanyang braso.
“Huwag kang bastos. Kinakausap pa kita”
“Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Micah” pahayag ni Sky sa kanya “Well, sabihin na natin na totoo ang mga paratang mo sa akin na inagaw ko sa’yo ang nobyo mo. Pero kung mahal ka niya, hindi siya basta-basta mahuhulog sa alindog ko” sabay tingin niya kay Micah mulo ulo hanggang paa “Pero, kung sa bagay, bakit naman siya magiging kontento sa isang kagaya mo?”
“Ang sabihin mo, malandi ka… b***h!!”
“Thank you. Siguro ganyan ang standards niya sa mga babae… mga malalandi. No wonder na pinatulan ka niya”
Nangangalit ang ngipin ni Micah nang narinig niya ang ganti ni Sky sa kanya “Anong sabi mo? Malandi ako?” tangkang sasampalin na sana niya si Sky pero sakto din na dumating na ang kanilang professor at nagmamadali silang pumunta sa kanilang upuan.
***
Pagkatapos ng klase ay pumunta si Sky sa Dining Hall ng paaralan upang doon kumain ng kanyang pananghalian. Sakto din ay nandoon ang kanyang kaibigan na si Sara na nakaupo at naunang kumain.
Pinuntahan niya kaagad ito pagkatapos niyang bumili ng pagkain.
“Hello friend” bati ni Sara sa kaibigan habang umuupo ito “Kamusta ang unang klase mo sa araw na ‘to?”
“Okay lang naman” tipid na sagot ni Sky.
“Parang hindi okay”
“Bakit mo naman nasabi?”
“Para ka kasing lutang eh” pang-oobserba niya “may problema ka ba?”
“Hmmmm… Si Micah kasi”
“O bakit? Ano na naman ba ang problema niya sa’yo ngayon?”
“Ganun pa din. Tungkol kay Mark, sabi niya na inaagaw ko daw sa kanya ang nobyo niya” buntong-hininga ni Sky “Alam mo, friend. Nakakapikon na siya. Kapag ako napuno sa mga pagbibintang niya sa akin, totohanin ko na talaga ang mga sinasabi. Ang pag-agaw ko kay Mark sa kanya”
“Huwag naman ganyan” sambit ni Sara “Ipakita mo sa kanya na mali ang bintang niya sa’yo”
“E yun nga…Mali nga ang bintang niya dahil ayaw ko sa boyfriend niya pero hindi pa rin siya naniniwala sa mga sinasabi ko…at isa pa yan si Mark”
“Oh bakit?”
“Pinapalayo ko na siya pero pinipilit niya pa din ang sarili niya sa akin kahit may girlfriend na siya”
“So, anong plano mo?”
“Ewan ko” sabi ni Sky habang nilalaro ang kanyang pagkain “…hindi naman sila importante eh…at isa pa, meron pa akong problema na mas importante pa sa kanila”
“Ano yon Sky?”
“E kasi malapit na ang kaarawan ni Nanay-La” sagot niya sa kaibigan “Gusto ko sanang andoon ako sa bahay na tinitirhan nila ngayon. Gusto ko na samahan siya sa kanyang kaarawan eh” paliwanag nito “Kaso baka malaman ni Tita-Mommy, magagalit yan kapag sinuway ko siya”
“Kailan ba?”
“Two days from now” sagot niya “Balak ko sanang bilhan siya ng damit at pagkain para sa kaarawan niya mula sa allowance ko, friend. Naka-ipon naman ako kahit papaano”
Nagpa-isip ng matagal si Sara sa plano ng kaibigan. “Sige, tutulungan kita”
“Talaga friend? Yey. Salamat”
“Ako na lang ang magpapaalam para sa’yo. Kilala naman ako ng Tita-Mommy mo diba?”
“Oo. Pero ayaw niya din sa’yo eh. Ayaw niya na magsama tayo” sagot ni Sky na kita ang lungkot sa kanyang mukha.
“Paano yan? Wala na tayong maisip na dahilan”
“What if kung ikaw na lang ang pumunta kina Nanay-La at maghanda ng kanyang kaarawan?” mungkahi ni Sky sa kanya “Sige na friend. Please? Ikaw na lang pumunta doon”
“Hmmm. Sige na nga. Gagawin ko ang pabor mo”
“Thanks, friend. Maaasahan talaga kita” ngiti niya kay Sara.
***
Alas-singko na ng hapon nang matapos ang huling klase ni Sky. Kaagad siyang dumerecho sa bahay ni Nathan na kasalukuyang tinitirhan ng kanyang lola.
Pagbukas ng pinto ng bahay, bumungad sa kanya si Joyce.
“Nanay-La..” sigaw ni Sky sa lola na tila naging lumiwanag ang mukha niya “Kamusta ka na po?”
“Ito apo. Okay lang naman ako dito”
“E si Tito at si Mama?? Kamusta na sila?”
“Ayos lang din. Andoon ang Mama mo sa kanilang silid. Nagpapahinga”
“Mabuti naman po kung ganon” sambit niya “Eh si Tito Joaquin po?”
“Naghahanap pa siya ng trabaho ulit”
“Ha? Wala na siya ba doon sa pinagtatrabahuan niya noon?”
“Wala na apo. Nag lay-off kasi ng mga manggagawa, nasama siya” paliwanag ni Joyce “Narinig ko rin pala kagabi na nag-aaway na naman ang mag-asawa dahil dito kami nakatira sa kanila”
“Ano?? Bakit sila magagalit? E kulang pa nga ang pag-aaruga nila sa inyo kapalit sa buhay na kinuha nila sa Papa ko”
“Apo… huwag ka namang ganyan sa kanila”
“Bakit naman, Nanay-La?? Ang Nathan na yan ang dahilan ng pagkamatay ni Papa diba” sagot nito “Diba pinabayaan niya si Papa noon sa nasusunog na warehouse?”
“Oo apo. Pero tapos na iyon. Matagal na panahon na iyon” paliwanag ni Joyce sa apo “Matagal ko na siyang pinatawad. Alam ko na hindi niya naman iyon sinasadya dahil mahal na mahal niya ang Papa mo”
“Mabuti naman kung ganon, Nanay-La” dugtong ni Sky “Pero pasensiya na po dahil hinding-hindi ko pa rin siya mapapatawad hanggang ngayon. Kung hindi dahil sa kanya, hindi mamamatay ang Papa ko”
“Talaga Sky..?” napalingon silang dalawa dahil may pumasok na tao sa pintuan na kararating mula sa palengke. Si Cindy. “Ang kapal din naman ng mukha mo na magsalita laban sa amin”
“Ano naman ngayon?? Totoo naman lahat ng mga sinasabi ko”
“Sky. Apo. Tumahimik ka na. Huwag kang sumagot sa matanda”
“Makinig ka sa Nanay-La mo, Sky” sabat naman ni Cindy sa kanya “Huwag kang sumagot sa matatanda, lalung-lalo na sa mga taong bumubuhay sa mahal mong lola at tiyuhin” habang palapit siya kay Sky “Alam mo, parehong-pareho kayo ng ama mo. Matatapang. Pero dumuduwag kung oras na ng laban”
“Huwag mong pagsasalitaan ang Papa ko ng ganyan. Hindi siya duwag”
“Talaga?? Kaya naman pala” sabat niya kay Sky “Kaya pala na hindi siya makagalaw nung nasa kamay sila ng mga kidnappers. Isang malaking duwag”
“Hindi totoo yan”
“Bakit hindi?? Ang asawa ko na mismo ang nagsabi sa akin na naduduwag siya”
“Sinunggaling” sabay iyak ni Sky.
“Kung ayaw mong maniwala, hindi kita pipilitin” sagot niya “At kung ako sa’yo, umalis ka na dito sa pamamahay namin”
“Talagang aalis ako” sagot naman ni Sky “Pero babalik pa ako dito at kasama ko na ang Nanay-La at Tito ko!”
“Bakit sa pagbabalik mo pa?? Ngayon na para mabawasan ang mga pabigat dito sa amin”
Gustong-gusto na sanang niyang sugudin si Cindy sa sobrang galit dahil sa pang-iinsulto nito sa kanyang ama. Pero naalala niya ang saway ng kanyang Nanay-La na huwag sumagot sa matanda. Niligpit niya na lamang ang kanyang sarili at niyakap si Joyce bago umalis.
“Nanay-La” bulong niya sa kanyang lola “Sorry po kung hindi ko po muna kayo makukuha dito ha? Pangako po, balang-araw ay magsama-sama tayo sa iisang bahay” sabay himas niya sa buhok ng lola “Pupunta pala dito si Sara sa makalawa para sa kaarawan ninyo. Siya na lang muna ang sasama sa inyo ha? Alam mo naman na pinagbabawalan ako ni Tita-Mommy na magkita tayo”
Ngumiti na lamang si Joyce sa sinabi sa kanya ng apo. Pagkatapos nito ay nagpaalam si Sky sa kanya at nangako na babalik para sa kanyang Nanay-La.
***
Samantala. Pagkatapos ng kanyang trabaho ay dumerecho si Nathan sa parati niyang pinupuntahan sa loob ng labing-isang taon. Ang lugar na pinangyayarihan ng masamang bangungot sa kanilang dalawa ni Jeff.
Iba na ang itsura ng lugar na dahil pinagtatayuan na ito ng bagong warehouse. Mas moderno at bago ang mga pasilidad sa loob.
Pero hindi naman iyan ang kanyang pakay, kundi si Jeff. Bumabalik siya palagi doon at umaasa balang-araw na dumating siya at magkita silang muli sa lugar na iyon.
Umaasa siya kasi na buhay pa si Jeff sa kabila nang pruweba na may bangkay na nakita at kanilang inilibing. Pero hindi siya doon naniniwala at tiyak siya na hindi iyon si Jeff dahil nakita niya ang kumpol ng lubid sa bandang likuran ng nasunod na warehouse.
Labing-isang taon na ang nakakaraan.
Nagtungo siya kaagad kay Alvin sa kanyang opisina para ipakita ang kumpol na lubid na nakita niya sa nasunog na warehouse.
“Ano? Lubid?” ulit ni Alvin habang tinititigan ang hinahawakan ito ni Nathan “Paano ka naman nakakasiguro na nasa kanya yan?”
“Dahil alam ko na nasa kanya ito. Ito ang ginamit nila na pantali sa kamay namin”
“Okay” sambit nito “Sabihin na natin na lubid nga ang ginamit nila sa inyo. Pero it doesn’t mean na iyan talaga ang lubid na ginamit nila” paliwanag ni Alvin sa kanya “Riley, imposibleng mangyari na buhay pa si Jeff. Sa laki ng pagsabog ay hindi na siya maliligtas doon. At kung makalabas nga siya, sigurado na wala na siyang hininga at sunog na ang kanyang damit at ang kanyang katawan. Kaya napaka-imposibleng mangyari ang sinasabi mo sa akin na nasa kanya yan”
“Pero…”
“Please. Magtiwala ka lang sa akin, Riley. As I said kanina sa warehouse, ako ang bahala sa pag-iimbestiga sa nangyari sa inyo”
“Sige” tanging sambit niya
“At akin yan” dugtong nito “Ginamit ko yan sa paghila sa bangkay ni Jeff”
Itutuloy…