Chapter 3 (Pagkikita ng mga Anak)

2545 Words
Hindi pumasok si Sky sa kanyang klase kundi umalis ito. Nagpunta siyasa Police Station na kung saan nagtatrabaho ang kanyang Tito Alvin. Mataas na ang posisyon ni Alvin bilang pulis. Sa katunayan, siya na ngayon ay si Police Chief Inspector (Major) Marc Alvin D. Francisco. Marami na kasing operasyon na kanyang napagtagumpayan ay karapat-dapat lang sa kanya ang natamo niyang posisyon ngayon. “Sir Francisco” tawag ng isang pulis kay Alvin “andito po ulit si Sky, hinahanap kayo” “Sige, papasukin mo lang dito, Vergara” Lumabas ulit ang pulis at magka-ilang saglit ay pumasok na si Sky sa opisina ng kanyang Tito Alvin. “Hi Tito” bati ni Sky sabay beso sa kanya. “O Sky, bakit ka naparito?” “Wala lang po. Na-miss lang kita” “May problema ka ba?” “Bakit mo naman natanong yan, tito?” “Kasi… pumupunta ka lang dito kapag may problema ka o may kailangan ka sa akin. So, alin ba dun ang pakay mo?” “Wala naman po, Tito. Nagpaplano lang kasi ako sa kaarawan ng Nanay-La” paliwanag ni Sky “Baka matutulungan mo po ako” “Sige. Ano ba ang kailangan mo?” “Hmmm. Tito. Kulang po kasi ang pera ko para sa handa eh” sagot niya kay Alvin “Hindi po kasya kasi yung allowance ko Tito” Napangiti na lang si Alvin sa paligoy-ligoy na sagot ni Sky sa kanya “Hihinga ka ng pera para idagdag sa paghahanda sa kaarawan ng Nanay-La mo?” “Kung okay lang po sana, Tito” “Ikaw talaga, Sky. Nahihiya ka pa sa akin” ngiti ni Alvin sabay dukot ng kanyang wallet na sa kanyang bulsa. May kinuhang pera at inabot kay Sky “Ito. Limang libo. Okay na siguro yan para sa kaarawan ni Tita Joyce” “Thank you po, Tito. Malaking tulong ‘to talaga” ganting ngiti ni Sky. “Salamat po talaga. Sigurado ako na magiging masaya ang kaarawan ni Nanay-La” “You’re welcome Sky” sagot niya “Siyempre, ikaw ang maghahanda diba? Sigurado ako na magiging masaya iyan. Parang nanay ko din naman kasi yan si Nanay Joyce at parang anak na din kita. Kaya huwag na huwag kang mahihiya sa akin kung may kailangan ka, okay?” “Okay po, Tito. Salamat po ulit” Tumunog ang telepono ni Sky na kanyang hawak-hawak at nagulat siya dito. Tinignan at sinagot niya agad kung ang tumatawag. Sky: Hello Marlon: Bakla… san ka? S: Nandito ako sa opisina ni Tito Alvin. Bakit? M: Wooow… bakit ka nandiyan ha? Nagpapakyut ka siguro sa mga hot and yummy police officers anoh? S: Gaga. Binisita ko lang si tito. Huwag mo akong itulad sa’yo. M: Hahaha. Nagbibiro lang. S: Tse. Ano ba kailangan mo? M: Yayain sana kita gumimik. S: Bakit? May ano ba? M: Wala naman. Na-miss ko lang ang friend ko… at hahanap ng boys dun. Sama ka? S: Sus. ‘kaw talaga Marlon. Huwag mo akong isali diyan sa mga kalandian mo. M: Sige na. Libre ko. Minsan lang naman ‘to. S: Wehh? Libre mo?? Parang hindi din. Nung huli tayong gumimik. Ako ang bumayad ng mga ininom mo noh. M: Sorry na nga diba? Hinabol ko kasi nun yung hayup kong boyfriend at ex ko na ngayon. Wala na siyang kwentang tao, hindi kontento sa akin. Sige na, baks. Please?? Samahan mo na ako S: Hay. Sige. Pero susubukan ko munang magpaalam kay Tita-Mommy. Alam mo naman yun. Overprotective. M: Ganon?? Haay. Magpasama ka na lang ulit sa mga hot bodyguards na kasama natin nun. S: Kung papayag nga siya na umalis ako ngayong gabi M: Magpaalam ka na kaya ngayon. Magtatanghali pa naman at matagal pa ang gabi. Sigurado ako na papayag yun. S: Sige. Susubukan ko M: Sisiguraduhin mo ha S: Oo nga. Sige. Bye na/ Binaba naman kaagad ni Sky ang kanyang telepono. Napatingin siya sa nakatitig sa kanya na si Alvin. “Bakit Tito?” “May lakad ka ba mamaya?” “Opo sana Tito eh. Pero baka hindi naman pumayag si Tita-Mommy” “Papayag yan” ngiti niya kay Sky “Papayag?? Hindi kaya. Papayag yan siguro kapag may kasama akong bodyguards niya” “Ako ang bahala” paniniguro niya dito “Ako ang magpapaalam. Sasabihin ko na sasamahan ko kayo. Pero ang totoo, kayo lang dalawa ng kaibigan mo” Lumiwanag ang mga mata ni Sky sa sinabi sa kanya ni Alvin. Hindi niya ito inaaasahan. “Talaga Tito?? Wow. Salamat po talaga, Tito” sabay yakap niya kay Alvin. “You’re welcome ulit Sky. Diba sabi ko sa’yo? Parang anak na kita” *** Pumunta ang magkaibigan at pumasok sa isang bar dakong alas-siyete ng gabi. Kaagad silang umupo sa bakanteng upuan at umupo dito. Pagkalipas ng ilang sandali ay may nakitang gwapong lalaki si Marlon. Tumayo siya at parang gusto niyang puntahan ang lalaking iyon pero tumingin siya muna kay Sky. Nakita niya ito na parang inaantok sa kabila ng maingay na tugtog. “Bakla… sigurado ka ba na dito ka lang?” tanong ni Marlon sa kanya “May nakita akong gwapo dun oh” “Haaay. Marlon. Hindi ka talaga magbabago” “ ‘To naman. Hayaan mo lang ako ngayon. Single ako eh” “Single ka diyan. Sige na. Pumunta ka na sa kanya” sambit nito “Dito lang ako. Tinatamad ako eh” “To naman. Ang KJ mo teh!” “Anong KJ? Magpasalamat ka nga na sinamahan kita dito noh” “Wow. Nanunumbat?” sambit ni Marlon “O sige na, diyan ka na nga” Iniwan ni Marlon si Sky sa kanilang mesa na nakaupo at parang nakatulala lamang kahit maingay ang kanyang paligid. Nang may biglang umupo na lalake sa kanyang tabi. “Hi Miss” bati nito. “Hello” sagot naman ni Sky habang nakangiti na mapait. “May kasama ka ba?” “Oo” “Saan siya? Bakit nag-iisa ka lang?” “Dun, sumasayaw” “Ang sungit mo naman” sabay ayos ng kanyang buhok at binasa ng laway ang kanyang labi “By the way, I’m Paul… and you are?” Nagbuga ng hangin mula sa kanyang ilong si Sky at tila nairita ito sa preskong lalake na tumabi at nagpapakyut sa kanya. Tumayo na lamang si Sky pero hinawakan siya sa kamay ng lalake. “Ano ba…?!” “Hindi ko pa nakuha ang pangalan mo” “Wala Kang Pakialam” pagmimilosopong sagot ni Sky “Yun ang pangalan ko” “Sungit mo talaga. Pero gusto ko yan. Ang masungit na babae” sabay ulit basa ng kanyang labi. “Whatever” pilit na kinukuha ni Sky ang kanyang braso sa pagkahawak ng lalake. Pero hindi pa din inaalis ng isa ang kanyang kamay “Arayy!! Ang sakit na ha” “Please. Kailangan ko lang ng makakausap” “Edi maghanap ka. Huwag ako” tangkang hahalikan ng lalake si Sky pero sinampal niya ito ng napakalakas at nakawala ito sa kamay ng lalake. Tumakbo ng mabilis si Sky para lumayo sa manyakis na lalaki. Nakita niya ang CR at doon pumasok. Alam niya na hindi makapasok ang sumusunod na lalake. Ilang saglit ay nagdesisyon siya na mag-ayos ng sarili at sumilip sa pintuan kung andiyan pa ang lalakeng iyon. Nang nakita niya na wala na ito, agad siyang lumabas ng CR at nagmamadaling bumalik sa kanilang pwesto kanina ng kanyang kaibigan na si Marlon, na kasalukuyang may kahalikan nang lalake. Sa pagmamadali niya, may nabangga siyang lalake. Hindi ang humabol kanina sa kanya kundi iba na naman. “Sky..?” “Yes?Sino ka?” tanong ni Sky sa lalaki na hindi niya kilala “Bakit mo ako kilala?” “Ahhm. I’m Stephen” sagot nito “Ahh. Okay” tanging sambit niya. Nagmamadali siyag nagtungo sa kanilang pwesto kanina pero sa kanyang pagdating ay may nakaupo na dito. Hindi niya naman namalayan na nakasunod pala si Stephen sa kanyang likuran. “Wala ka bang ma-uupan?” Napalingon din kaagad si Sky sa taong biglang nagsalita sa likuran. “Wala eh. Kinuha na ng iba” sagot ni Sky “Kung gusto mo, doon ka na lang umupo sa amin” alok ni Stephen “Don’t worry, kami lang ng naman ng kaibigan kong si Dominic ang nandoon” Walang imik si Sky at kaagad na lang sumama kay Stephen patungo sa kanilang pwesto. Nang pagkadating nila doon ay nagulat ang kaibigan niyang si Dominic sa kanyang nakita na magkasama ang dalawa. Hindi niya inaasahan iyon dahil alam niya kung gaano ka torpe ang kaibigan. “Tol” tawag niya sa kaibigan “Si Sky pala. Sky, ang kaibigan ko na si Dominic” “Hello” sambit ng dalawa. “Dito na lang muna si Sky kasi kinuha na ng iba ang pwesto nila eh” paliwanag ni Stephen. “Ah. Ganon ba? Sige. Walang problema” “Salamat talaga ha” sambit ni Sky “Umalis kasi ako kanina doon eh. May bumastos kasi sa akin dun kanina” “Talaga? So saan na siya?” “Hindi ko na alam. Baka andito pa siya sa loob” sagot ni Sky. “E di mas mabuti kung dito ka sa amin Sky” dugtong ng kaibigan ni Stephen “Walang magbabastos sa’yo. Si Stephen ang magtatanggol sa’yo” sambit niya habang nakangiti at nakatingin sa kaibigan. Pero ginantihan din niya ng tingin si Dominic bilang saway niya sa kanyang sinabi. Napatahimik na lamang siya at kaagad tumayo “Sige guys, maiwan ko muna kayo diyan ha. Magsasayaw muna ako” Kaagad siyang umalis sa kanilang pwesto. Samantala ay naiwan sina Sky at Stephen doon at nagtagpo ang kanilang mga tingin. “Paano mo ako nakilala?” panimula ni Sky sa usapan. “Ha?? Ehh. Kasi. Parati kitang nakikita” “Saan?” “Ahhm. Doon sa bahay namin” “Bahay ninyo?” uliy ni Sky “Teka, ano ba ang kumpleto mong pangalan?” “Rodgers. Ako si Stephen Rodgers” “Rodgers?” ulit ni Sky na parang may naalala siya sa ganong apelyedo “Ka-anu-ano mo ba si Nathan Rodgers?” “He’s my Dad” “What?? May anak siya??” tanong niya ulit kay Stephen. Hindi niya kasi ito nakikita tuwing pumupunta siya sa bahay nila “Bakit hindi kita nakikita everytime na andoon ako?” “Oo nga eh” sagot lang nito “Pero nakikita kita kung pumupunta ka sa bahay. Nahihiya lang ako magpakita sa’yo. Doon lang ako sa loob ng kwarto ko” “Ha?” sabay kunot ng noo ni Sky “E bakit ka naman mahihiya sa akin?” “Wala lang naman” ngiti nito “Ganon? Weird mo ha” “Well. Ganon talaga ako eh. Medyo weird” “Pero you look familiar ha” sambit nito “Parang nakita na kita somewhere” “Yup. Pareho tayo ng school” “Really?? Anong course mo?” “ComSci. HRM ka, right?” “Wow. Alam mo ang course ko ha. I’m impressed” ngiti ni Sky “Hindi naman. Nakikita kasi kita palagi na naka-uniform ka na pang-HRM eh” “Ahh. Kaya pala” ngiti ni Sky. “So, may kasama ka pumunta dito?” “Dito??” ulit ni Sky “Oo. May kasama ako” “Sino??” “Si Marlon” sagot naman niya “Boyfriend mo?” Tumawa ng malakas si Sky sa tanong sa kanya ni Stephen. “Boyfriend? Hindi noh” “E ano mo?” “Kaibigan ko siya” sagot naman ni Sky “At isa pa, hindi kami talo. Mas babae pa yan gumalaw sa akin” “Talaga?” sabay ngiti ni Stephen “E saan na siya? Bakit hindi kayo magkasama ngayon?” “Ayun oh” sabay turo sa bandang kanan na di kalayuan “May kahalikan na lalake” “Wow. Ang galing niyang humalik ha. Para nang walang bukas” sambit niya “Mas magaling pa siya sa babae” “Ganyan talaga yan” sagot no Sky “Pero kahit malanding bakla ang tingin ng ibang tao sa kanya, mabait yan at totoo ko siyang tao. Siya ang kasama ko tuwing malungkot at masaya ako. He’s one of my bestfriends” Napatigil naman si Stephen sa binanggit ng kanyang kausap. Tila hindi siya sang-ayon sa sinabi ni Sky tungkol sa mga bading dahil galit siya dito. Galit siya dahil ang kabit ng kanyang ama ay diumanong bakla at tangkang sumira sa kanilang pamilya. At ang taong iyon ay ang ama ni Sky. Alam niya ang lahat na pagkatao ng dalaga at tungkol sa kanyang ama. Pero sa kabila sa galit at pagkasuklam niya sa ama ni Sky, gusto niya pa rin ito at gusto niya itong ligawan. “Hmmm. Mabuti naman kung ganon” sagot ni Stephen “Nakakita ka ng totoong kaibigan sa kanya” “Oo nga eh. Mabuti siya talagang kaibigan” pero nakita niya sa mukha ni Stephen na parang nakisamangot sa kanilang paksa ng pag-uusap “Stephen? May problema ka ba?” “Ako?? Wala. May iniisip lang ako” “Pwede ko bang malaman kung ano yon?” “Basta. Family problem. Masyadong personal” “Ahh. Sige. Soryy kung natanong ko” dugtong ni Sky sabay tingin sa orasan sa kanyang telepono “So, Stephen. Uuwi na ako ha. Hanggang 12 am lang kasi curfew ko eh” “Mag-iingat ka Sky. See you at school?” “Sure” ganti nito Kaagad tumayo at umalis si Sky at nagtungo siya sa kanyang kaibigan na si Marlon na may kahalikan na naman na ibang lalake. Hinila niya ito sa braso palabas ng bar. “Aray! Teka lang naman. Ang sakit ha” kinuha niya ang kanyang braso sa pagkahawak ni Sky “Anyare teh? Bakit mo ako hinila palabas?” “Wala. Umuwi na tayo” utos ni Sky. “Anong uwi ang pinagsasabi mo?” tanong ni Marlon na nagtataka sa kanyang kaibigan “Kakaumpisa pa lang ng totoong party noh. Sayang naman nung lalakeng kasama ko sa loob, sarap niya pa naman” “O edi bumalik ka na lang ulit dun. Ako na lang ang uuwi mag-isa” “Ganon? Hayaan mo na lang ako na bumalik mag-isa sa loob?” pakonsensiya ni Marlon sa kanya “Paano kung may mga lalakeng tangkang gagahasain ako? Okay lang sa’yo? Okay lang sa’yo na mawala ang pagka-virgin ng napakaganda mong kaibigan?” “Haay. Ewan ko sa’yo, Marlon. Huwag ka ngang magdrama, at isa pa, kahit maraming lalake diyan sa loob, hinding-hindi ka nila rereypin. Maniwala ka…” “Aray naman. Ang sakit nun ha” sambit niya “Bakit nga ba nagmamadali kang umuwi ha?” “Hanggang 12 am lang nga ang curfew ko” “Haay naku. Pinapauwi na si Cinderella” Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD