Chapter 4 (Hudyat ng Pagbabalik)

2422 Words
Nakauwi si Sky sa mansyon dakong alas dose y medya na ng madaling-araw. Nagdahan-dahan siyang pumasok sa bahay pero hindi niya napansin na nakaupo pala si Madam Jean sa sofa na nakapatay ang ilaw sa sala. “Bakit ngayon ka lang?” matigas na tanong ni Madam Jean. Nagulat si Sky nang may nagsalita mula sa sala. Tumingin siya sa direksyon ng salaat sumindiang ilaw dito. “Diba ang sabi ko, hanggang alas dose ka lang? 12:30 na ng umaga. You are late” “Sorry po Tita-Mommy” tanging sambit ni Sky “Anong sorry?? Kanina pa ako naghihintay dito. Naghihintay sa pag-uwi mo pero wala ka pa” “Hindi ko naman po sinabi na hintayin mo ako” sagot niya kay Madam Jean “Sana natulog ka na lang po” “Aba. Sumasagot ka na ha??” sabay lapit niya kay Sky at hinila niya ang buhok nito papuntasa sala “Aray po. Sakit po Tita-Mommy” “Masakit?? Kelan ka pa natutong sumagot sa akin ha??!” dugtong niya “Sa kasama mong kaibigan kanina?? Yan ang ayaw ko na lumalabas ka dahil puno ng masamang impluwensiya ang mga taong kinakasama mo!” “Hindi po Tita-Mommy” “Ikaw na babae ka. Marunong kang tumingin ng utang na loob. Kung hindi dahil sa akin, hindi ka nakapag-aral sa magandang paaralan” patuloy pa ang pagsabunot niya sa buhok ni Sky “Pagod na nga ako sa trabaho, dinadagdagan mo pa ang pagod ko dahil hinintay kita hanggang madaling araw tapos babastusin mo lang ako?? Wala kang kwentang bata” sigaw niya sa dalaga “Manang-mana ka talaga sa ama mong salot” “Huwag mo po sanang pagsalitaan ang Papa ko ng ganyan” sagot ni Sky “Mahal na mahal ko po siya” “Ahh. Talaga?? Wala kang karapatan na utusin ako kung ano ang dapat kong sabihin dahil pamamahay ko ‘to!!” sabay tulak niya kay Sky “Umakyat ka na sa kwarto mo at magpahinga. Bago pa kita mapatay!” Kaagad naman binitawan ni Madam Jean ang dalaga at itinulak sa direksyon ng hagdan. Umakyat si Sky hawak-hawak ang kanyang buhok na sinabunutan ni Madam Jean. Masakit ang pagkasabunot sa kanya at iyak lang ang tanging paraan niya para mawala ito. Pumasok siya sa kwarto at umupo sa kanyang kama. Patuloy pa rin ang kanyang pag-iyak dahil sa ginawa sa kanya ni Madam Jean. Nagulat si Sky sa nangyari sa baba dahil ngayon lang ginawa iyon ng kanyang Tita-Mommy, ang pagsakit sa kanya. Sobra na talaga ang pagiging overprotective nito at kaya niya nang sumakit. *** Samantala. Umakyat din si Madam Jean at nagtungo sa kanilang silid na mag-asawa. Parang umuusok ang ilong niya sa galit dahil nga naiinis siya kay Sky at lalung-lalo na sa kanyang trabaho. Napansin naman kaagad ito ng asawa niya na si Richard. “Dumating na ba si Sky, Jean?” tanong niya sa asawa. “Oo. Kararating niya lang” sagot naman niya na parang naiinis “Sobra nang tigas ng ulo ng batang yan. Kakainis. Marunong nang sumagot sa akin” “Bakit? Ano ba ang sinabi niya sa’yo??” “Sinabihan ko lang naman siya kanina pa ako naghihintay sa kanya” kuwento niya sa kanyang asawa “Tapos ang sabi niya ay, wala naman daw siyang sinabi na hintayin siya. Akalain mo yun, Richard?? Namimilosopo pa siya sa akin” “Hayaan mo nga kung saan siya pupunta o ano ang kanyang gagawin. Hindi lagi mo siyang pinagbabawal sa mga lakad niya. Matanda na yan” mungkahi niya “Lalung-lalo na sa kanyang lola. Hindi mo naman siya masisisi kung ganyan ang sagot niya sa’yo” “So, ako pa ngayon ang masama?? Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo ngayon, Richard?” sabat ni Madam Jean at tumingin siya sa asawa “Kung papahintulutan ko ang babaeng iyon na makipagkita parati sa kanyang pamilya. Mas lalo tayong mahihirapan na makuha ang lahat ng yaman ng pamilya ko” “E ano naman ngayon kung doon siya sa parati sa pamilya niya??” “Kasi baka ano na naman ang sasabihin nila kay Sky laban sa akin” paliwanag ni Madam Jean “At baka maniwala ang bata at doon na siya manirahan. Mawawala lang lahat ng silbi ang pagkuha ko sa kanya” “Alam mo, sa ginagawa mong yan. Magrerebelde ang batang yan at lalayas kung sasakalin mo ng ganito” sabat naman niya sa asawa “Kung ako sa’yo, palayain mo na siya habang maaga pa. Magugulat ka lang isang araw na mawawala lahat ng pinaghirapan mo kasi sinakal mo ang batang yan” “Pero paano ako makakasiguro na sa akin pa din ang loyalty ni Sky?” “Love her. Treat her na para siyang espesyal na tao” sagot ni Richard “Para kung ano man ang sasabihin ng kanyang pamilya laban sa’yo ay hindi siya maniniwala dahil iba ang pinapakita mo sa kanya” Natahimik at napaisip si Madam Jean sa payo ng kanyang asawa sa kanya. Tama nga na tatratuhin niya ito ng maayos at hindi sasakalin para hindi magrebelde. Kinabukasan. Araw ng Sabado Kakababa lang ni Sky mula sa kanyang silid. Kaagad siyang hinarangan ni Madam Jean at niyakap niya ito ng mahigpit. Nagulat naman ang bata sa ginawang pagyakap nito dahil akala niya na galit pa ang kanyang Tita-Mommy. “Good Morning, Sky” sabay yakap niya dito “How’s your sleep?” “Ahhhmmm. Okay lang naman po, Tita-Mommy” “Sigurado ka?” sabay ayos niya ng buhok ni Sky “Baka inaantok ka pa dahil sa lakad ninyo kagabi” ”Medyo po. Pero kaya ko pa naman” sagot niya “Tita-Mommy?? About last night?” “No. It’s okay, Sky. Ako nga ang maghihingi sana sa’yo ng pasensiya eh” “Ano? Bakit po ikaw Tita-Mommy?” “Dahil sinaktan kita. Masyado kasi akong overprotective sa’yo” sagot ni Madam Jean “Alam mo naman na parang anak na din ang turing ko sa’yo. Ang of course, anak ka ng kapatid ko. Ayaw ko naman na sirain ang pangako ko kay Jeff na pinabayaan kita” “Okay naman po kung mahigpit kayo sa akin, Tita-Mommy. Naiintindihan ko naman po yun” “Ang bait mo talagang bata” dugtong nito “Pero huwag kang mag-alala Sky. Simula ngayon, hindi na kita pagbabawalan kung saan ka man pupunta. Malaya ka na” Biglang lumaki at lumiwanag ang mata ni Sky sa narinig niya mula sa kanyang Tita-Mommy “Talaga po?? Totoo po ba yan?” “Oo Sky. Totoo ito” “Kahit po doon kina Nanay-La?? Pwede na po?” “Oo naman. Pamilya mo sila diba?” “Wow. Tamang-tama po dahil birthday na bukas ni Nanay-La. Pwede na akong makapunta doon sa kanila” “Sige Sky. Walang problema. Ang importante ngayon ay masaya ka na” “Wow. Tita-Mommy. Salamat po” sabay yakap niya kay Madam Jean “Sobrang salamat po talaga” Nabigla si Madam Jean sa biglang pagyakap ni Sky sa kanya. Kaagad naman niya kinuha ang dalawang braso na nakapalibot sa kanyang katawan. “Salamat dahil na-appreciate mo ang sinabi ko, Sky” sabay ayos niya ng kanyang damit. “May lakad po ba kayo, Tita-Mommy?” “Yup. Maaga ang punta ko sa office. Meron lang meeting” sagot ni Madam Jean “Pano Sky, alis na ako. Gisingin mo na lang si Mike. Baka tulog pa yun” “Sige po, Tita-Mommy. Mag-iingat po kayo” *** Dumerecho si Madam Jean sa opisina niya at kaagad nagpatawag ng meeting. Pumasok ang ilang presidente ng iba’t-ibang kumpanya sa ilalim ng kanilang negosyo. Kabilang na dito si Mr. Dwight Chua, Presidente ng WLD Corporation. Isang Food and Beverage Corporation. Ang paksa ng kanilang meeting ay ang tungkol sa naudlot na multi-million deal ng Hidalgo Breweries. Pagkatapos ng labing-isang taon ay magbabalik muli ang may-ari na si Don Rolando sa Pilipinas para ipagpatuloy ang naudlpt niyang investment dito. “So, kelan ba babalik si Don Rolando dito, Mr. Chua?” tanong ni Madam Jean “Based on our source. He will arrived here in the Philippines five days from now” “Five days??” ulit ni Madam Jean “Bakit ang bilis?” “Pasensiya na Madam. Kahapon lang kasi nagtext ang source ko eh” “So kailangan na natin magmadali. Kailangan makuha na natin ang multi-million deal na yan” sambit ni Madam Jean “Matagal din ang hinintay ko para bumalik siya dito sa Pilipinas. At sigurado ako na sa atin talaga pupunta yun dahil wala naman tayong ibang kalaban” “Tama ka, Madam Jean” dugtong niya “Pero Madam. May kasama na siyang nagmumuno sa kanilang kumpanya. Ang anak niya na si Jose Hidalgo” “Wala akong pakialam kung buong pamilya niya pa ang pupunta dito” sagot ni Madam Jean na tila hindi natatakot “Basta ang gusto, mapasa-atin ang deal na yan” “Sige po Madam” “Mr. Chua?” “Yes Madam?” “Pakitawag si Gwen. Sabihin mo sa kanya na pumasok muna dito” “Sige po” Kaagad umalis si Mr. Chua at pinuntahan niya nga si Gwen sa labas. Pagkalipas ng ilang saglit at pumasok si Gwen. “Yes Madam?” panimula ni Gwen “May uutos po ba kayo?” “Meron” sagot nito “Sino ba ang available na driver diyan?” “Ahmmm. Si Ben po” “Oh sige” dugtong niya “Umalis kayo ni Ben. Bumili kayo ng cake para sa paghahanda ng kaarawan ng lola ni Sky” “Sige po. Ngayon na ba?” “Oo Gwen. Siguraduhin mo malaki at masarap ang cake ha” bilin niya kay Gwen “Para naman mag-enjoy sila sa handog mula kay Madam Jean Dy-Teng” *** Samantala. Umalis si Sky sa mansyon at dumerecho sa bahay ni Nathan na kung saan doon nakatira ang kanyang lola. Nang pagbukas ng pinto ay nakita ni Sky na si Stephen ang nagbukas. “Sky?? Bakit ka andito?” “Saan si Nanay-La, Stephen?” “Andoon sa loob. Nagpapahinga sa kanyang kwarto. Bakit?” Hindi niya pinansin ang tanong sa kanya ng binata. Kaagad siyang pumasok ng bahay at dumerecho sa silid ng kanyang lola. “Hello Nanay-La” bati ni Sky kay Joyce. Nakahiga siya sa kanyang kama at natutulog. Nagising siya sa pagpasok at pagbati sa kanya ng apo. “Miss na miss po kita” “Bakit andito ka Sky?? Baka magalit si Jean dahil nandito ka” “Hindi po siya magagalit, Nanay-La” ngiti niya “Bakit? Tumakas ka na naman ba?” “Hindi po Nanay-La” paliwanag ni Sky sa kanyang lola “Sa katunayan po ay pinayagan niya na ako na magkita tayo” “Talaga apo?” “Opo. Malaya na ako na pumunta dito na hindi niya pinagbabawal” “Mabuti naman kung ganon, apo” “Oo nga po eh. Makak-attend na ako sa kaarawan mo bukas” “Ha? Bukas na ba yon?” “Oo kaya, Nanay-La” sagot ni Sky “Hindi mo ma ba natatandaan?” “Pasensiya ka na apo. Hindi na eh” sambit ni Joyce “Matanda na kasi ang Nanay-La mo. Hindi ko na matandaan” “Naku. Huwag ka pong humingi ng tawad sa akin, Nanay-La” sabay tapik ng balikat ni Joyce “Ang importante ay magse-celebrate na tayo bukas ng birthday mo, siyempre kasama na ako. At pangako po, magiging masaya ang kaarawan ninyo” Ngumiti na lamang ang matanda at hinalikan niya ang apo sa noo. “Ang bait mong bata, Sky. Pareho talaga kayo ng ama mo. Mapagmahal at mapagkalinga” “Mana lang po kami sa inyo, Nanay-La” ngiti ni Sky sabay yakap sa kanyang lola *** Umalis nga si Gwen at ang driver na si Ben upang bumili ng cake sa bakeshop. Iyon kasi ang inutos sa kanya ng kanyang boss para bumango ang pangalan niya kina Joyce. Habang nagmamaneho si Ben, tumingin sa kanya si Gwen na tila may ibig sabihin. Ginantihan din niya naman ito ng tingin. “Wala pa bang utos ang boss natin, Gwen?” tanong ni Ben sa kanya. “Ito nga. Inutusan niya ako na bumili ng cake para kay Sky” paliwanag ni Gwen sa kanya “Ewan ko nga eh. Bakit bibili pa siya ng cake. Galit naman siya sa lola ni Sky” “Hindi siya ang ibig kong sabihin. Kundi ang isa pa nating boss” pagtatama niya kay Gwen “Wala pa ba siyang utos sa atin?” Huminga ng malalim si Gwen bago sagutin ang tanong sa kanya ng kasama “Wala pa. Pero ang sabi niya, maghintay lamang daw sa susunod niyang utos. Ipagpatuloy lang daw ang pag-iispiya natin” “Sige. Mabuti naman kung ganon” sagot ni Ben “Malaki ang kasalanan ko sa boss natin, Gwen. Pinagsisihan ko ang ginawa ko noon sa kanya” “Ako din naman. Pinagsisihan ko din ang ginawa ko noong pag-iispiya sa kanya” dugtong ni Gwen sa kanya “Nangako ako sa kanya na babawi ako sa mga nagawa ko noon. Hindi ko naman ginusto na mag-ispiya sa kanya. Inutusan lang ako ni Madam Jean” “Huwag na natin balikan ang nakaraan, Gwen” sambit ni Ben “Ang importante ay binigyan niya tayo nga pagkakataon para bumawi. At hinding-hindi ko sasayangin ang pagkakataon na binigay niya” “Ako din, Ben” sagot niya “Ang bait niya eh. Pagkatapos ng ginawa ko. Pinatawad niya pa rin ako” Hindi na sumagot si Ben sa sinabi ng kanyang kasama. Huminto siya sa harap ng bakeshop at kaagad bumaba si Gwen dito. *** Dakong alas-singko ng hapon, katatapos lang ng trabaho ni Nathan. Nagdesisyon siya na umuwi na lang dahil pagod na pagod siya sa kanyang trabaho. Gusto niya nang magpahinga at matulog na. Natigilan si Nathan sa pagdrive dahil may nakita siyang pamilyar na tao. Sinunod niya gamit kanyang mata ang taong lumalakad at nakita niya na pumasok ito sa isang hotel. Gusto niya sanang bumaba sa kotse at habulin ang taong nakita niya pero hindi niya magawa dahil nasa gitna siya ng daan. ‘Jeff?? Buhay ka ??” tanong niya sa kanyang sarili. Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD