Chapter 5 (Panloloko)

2286 Words
Labing-isang taon ang nakakaraan. Habang nasa loob si Joyce at umiiyak sa bangkay ng anak, ay nandoon naman sa labas sina Riley at Alvin. Nakaupo muli sa daan at umiiyak dahil sa kanilang kawalan. “Kasalanan ko ito, Vin” sabi ni Riley “Tama si tita. Ako ang dapat sisihin sa kapabayaan ko. Sana hinila ko siya palabas ng warehouse kahit pinipilit niyang manatili. Sana andito pa siya ngayon. Sana andoon na siya sa kanyang bahay. Nagpapahinga na sa sobrang pagod” “Huwag mong sisihin ang sarili mo, Riley. Tapos na yon. Nangyari na ang nangyari. Wala na si Jeff. Patay na siya” “Pero ang tanga-tanga ko eh. Sa sobrang excited ko na makalabas ay hindi ko naman hinila si Jeff at pinabayaan ko lang siya sa loob” “Ako din naman eh” dugtong ni Alvin “Kung mas napaaga ko siguro nalaman na doon kayo dinala ng mga lalaking iyon. Nailigtas ko siguro kayo ang maaga. Ako ang dapat sisihin sa pagkamatay niya” “Wala kang pagkukulang, Vin. Alam mo na ako ang may mali. Huwag mong sisihin ang sarili mo” Hindi sumagot si Alvin sa sinabi ni Riley. Tumayo ito sa daan at inayos ang kanyang uniporme “Sige Riley. Kailangan ko pang balikan ang lugar na iyon. Maghahanap ako ng sagot” “Sige. Mag-iingat ka” *** Kaagad tumayo si Alvin at nagmamadaling sumakay sa sasakyan. Bumalik siya sa nasunog na warehouse. Gusto niyang maghanap ng kasagutan kung bakit at ano ang rason ng pagkidnap ng mga taong iyon kay Jeff. Habang naglilibot siya sa labas ng gusali, may nakita siyang tao na nakahandusay sa bandang likurang bahagi ng warehouse. Kaagad niyang pinuntahan ang taong nakahiga doon. Napalaki ang kanyang mata dahil nakita niya ang hindi inaaasahan. Ang taong walang malay at nakahiga sa lupa ay si Jeff. “Jeff..?? Buhay ka..?” sambit nito. Umupo si Alvin sa lupa at binuhat niya ang ulo ni Jeff at inalagay niya sa kanyang paa. Hinihimas-himas niya ang ulo nito habang umiiyak “Salamat sa Diyos dahil buhay ka Jeff” dugtong pa ni Alvin “Teka… kung buhay ka. Kaninong bangkay ang kinuha namin kanina..?” habang binabalikan niya ang nangyari kanina “Pero wala na akong pakialam dun. Ang importante ay nandito ka sa bisig ko, Jeff. Buhay ka. Kailangan nilang malaman ito” Kaagad niyang kinuha ang kanyang telepono para tawagan sina Riley pero may biglang pumasok sa kanyang isip “Hindi. Hindi nila dapat malaman na buhay ka Jeff. Baka agawin ka muli sa akin ni Riley. Oo tama. Ilalayo kita dito. Malayong-malayo para hindi ka na nila makita” Kinuha ni Alvin ang kutsilyo na dala-dala ni Jeff at nakahawak sa kanyang kaliwang kamay. Pinutol niya ang nakatali sa mga kamay ni Jeff at kaagad niyang inilagay ang kumpol na lubid sa may lupa. Tumayo habang buhat-buhat niya si Jeff at pinasakay niya ito sa sasakyan. *** Dinala niya ang walang malay na si Jeff sa isang malayong bayan para hindi sila matunton. Nilagay niya ito sa kama at tinititignan niya ito ng mabuti. Parang bawat segundo ay ayaw niya mawala ang kanyang paningin kay Jeff Ilang saglit lamang ay nag-umpisa nang dumilat ang mata niya. Gumagalaw ang mata niya na tila ino-obserba kung saang lugar na siya… at nakita niya si Alvin na parang masayang-masaya na nakaluhod sa sahig at nakatingin sa kanya. “Saan ako?” tanging sabi ni Jeff “Dito ka sa bahay natin, hon” “Bahay natin?” nagtatakang tanong niya “Saan ba si Riley?” tanong niya ulit. “Wala siya eh.” “Bakit? Saan siya?” habang bumabangon sa kama “Saan ba tayo? Saan mo ako dinala?” “Hon. Please. Huminahon ka” sambit ni Alvin kay Jeff “Ano? Bakit ako maging mahinahon?? Saan nga tayo??” pangungulit ni Jeff pero hindi sumagot si Alvin at tumingin lang ito sa baba “Ano na? Saan nga tayo? Saan sila?” “Hon. Makinig ka sa akin” sabay hawak niya sa makabilang balikat ni Jeff “May dapat kang malaman” “Ano yun?” “Wala na sila” “Ha? Ano ang ibig mong sabihin na wala na sila?” “Patay na sila, hon” sabay tulo ng luha ni Alvin “Sina Nanay Joyce, Joaquin, Riley at ang anak mo na si Sky” “Ha?? Paano nangyari yun?” “Pinasok ng mga masasamang loob ang mansyon mo. Nung gabi na niligtas ko kayo ni Riley” kuwento niya kay Jeff “Pinatay sila ng walang awa ng mga magnanakaw. Patawarin mo ako, hon. Hindi ko sila naipangtanggol” Parang sinuklaban ng langit si Jeff nang marinig niya ang balita ni Alvin sa kanya. Nanlambot ang buong katawan niya at umiyak ito ng malakas. “Hindi ako makapaniwala na wala na sila Alvin” patuloy pa rin ang kanyang pag-iyak “E si Riley?? Paano siya namatay?” “Binaril siya ng isa sa mga lalaki na kumuha sa inyo” sagot niya “Hindi ko rin siya naligtas, hon. Patawarin mo ako” sanay halik niya sa noo ni Jeff “Nung nabaril ko na ang mga lalaki, hinanap kita at natagpuan kita sa likurang bahagi ng warehouse” patuloy pa din ang pagkuwento niya kay Jeff “Kaya dinala kita dito sa lugar namin. Iniligtas kita sa mga taong may tangka sa iyong buhay” sabay hawak ni Alvin sa kamay ng kausap “Pero hindi mo sila iniligtas. Hinayaan mo lang sila na mamatay” “Patawarin mo ako Jeff. Hindi ko sila naligtas kasi inuna kita. Hindi ko rin alam na may pumasok sa mansyon” “Sana hinayaan mo na lang ako na mamatay” iyak ni Jeff “Wala namang kwenta ang buhay ko kung wala na sila ngayon. Lahat ng mga mahal ay wala na. Patay na sila” “Andito naman ako, hon. Andito ako na nagmamahal sa’yo” sambit ni Alvin “Sana naman ay mahalin mo rin ako katulad ng pagmamahal ko sa’yo” Hindi sumagot si Jeff sa pagmamakaawa sa kanya ni Alvin. Tumayo na lang siya sa kama at lumabas ng kwarto. *** Lumipas ang tatlong taon, naging maayos na din ang kanilang pagsasamang dalawa. Natutunan na ding mahalin ni Jeff si Alvin sa kabila na si Riley ang kanyang totoong mahal, na alam niya nang namatay sa ingkwentro nina Alvin at ang mga lalaking dumukot sa kanila. Nakakulong lamang si Jeff sa kanilang bahay dahil ayaw ni Alvin na lumabas ito. Ang tanging rason niya daw ay parang wala makakita sa kanya at pagtaangkaan muli ang kanyang buhay. Hindi niya pa daw kasi alam kung sino ang nagpadakip sa kanila noon. Isang araw habang naliligo si Alvin ay may tumawag sa kanyang telepono. Nakita naman ito ni Jeff pero hindi niya sinagot dahil baka magalit si Alvin sa kanya. “Hon!! May tumatawag sa’yo sa cellphone mo” “Pakisagot naman hon. Baka yung kliyente ko yan eh” Sinagot naman kaagad ni Jeff ang tawag at may nagsalita na tao sa kabilang linya na napalaki ang kanyang mata sa narinig. Kilala niya ang taong nagsalita. Jean:Hello Alvin? Kamusta ka na? Si Jean ito. Tatlong taon na din ang lumipas pero hindi ka pa rin nagpaparamdam sa akin. Saan ka na ba? Nag-aalala na kami dito kung ano na ang ginagawa mo diyan. Pati sina Kuya Riley ay hinahanap ka na dahil daw sa pagkamatay ni Jeff at ang salarin ng pagkadakip nila. Sana hindi ka magsalita na ako ang sa likod ng pagkidnap nila, okay? Alam mo naman kung ano ang kaya kong gawin. Oo nga pala, pinalayas ko na pala sina Joyce at ang kanyang pamilya sa mansyon. Ako na doon ang nakatira kasama ang asawa at ang anak ko. Lalung-lalo na si Sky, ang anak ni Jeff. Oo, tama ang narinig mo, Alvin. Kinuha ko ang kanyang anak. Ako na ngayon ang nagaalaga sa kanya. HAHA. Pano, kailangan ko nang magpaalam, andito na asawa ko. Bye. Pinatay kaagad ni Jeff ang telepono ni Alvin. Hindi niya alam kung paano magrereact sa mga katotohanan nalaman niya. Sakto din na lumabas na ng banyo si Alvin habang nagpupunas ng tuwalya sa katawan. “Hon… sino yon…?” pero hindi sumagot si Jeff at nakatulala ito. Lumapit si Alvin sa kanya at hinawakan ang magkabilang balikat ni Jeff. “Hon?? Are you okay??” pero wala pa din imik at doon na nagalit si Alvin dahil hindi siya sumasagot. “Yan tayo ehh!! Hindi mo palagi sinasabi sa akin kung may problema ka sa akin!” Hindi na makapagpigil si Jeff at bigla niyang sinuntok ng malakas si Alvin at napatumba ito. Nagulat na lang siya kung bakit nagawa ito sa kanya ni Jeff. “Hayup ka… sa loob ng tatlong taon, niloloko mo lang pala ako…” “Ano ang ibig mong sabihin, hon?? Hindi kita niloloko” “Stop calling me HON!!” sigaw ni Jeff. Gulat na gulat si Alvin dahil ngayon niya lang nakita si Jeff na magalit ng ganito “Tumawag si Jean… at alam ko na ang buong katotohanan, Alvin. Buhay sina Nanay at ang anak ko at si Riley” “Hon… sorry” “Napaka-sinunggaling mo. Ang akala ko totoo lahat ng mga sinabi mo, na namatay sila pero niloloko mo lang pala ako!!” sigaw sa kanya ni Jeff “At alam mo sa simula pa lang na si Jean ang nasa likod ng pagdakip sa amin. Paano mo ‘to nagawa?? Bakit mo ako niloko??” “Sorry hon. Ginawa ko naman yun dahil gusto kitang masolo eh” sagot ni Alvin “Mahal lang kita kaya ganon. Ikaw?? Hindi mo ba ako minahal sa loob ng tatlong taong pagsasama natin sa bahay na ‘to?” “Believe me, Alvin. Minahal din kita. Umikot ang mundo ko sa’yo sa loob ng tatlong taon pero pinaniwala mo lang pala ako sa kasinunggalingan.” iyak ni Jeff “Iyon ang hindi ko mapapatawad. May pamilya ako, Alvin. May ina, anak at kapatid na naghihintay sa akin. Kinuha mo ang lahat sa akin. Napala-selfish mo!!” “Hon…” pagmamakaawa ni Alvin sa kanya “Bigyan mo pa ako ng pagkakataon. Mahal na mahal kita” “Hindi. Itigil na natin ito, Alvin. Ayoko na” “Utang na loob. Please” sabay yakap niya kay Jeff “Bitawan mo ako, Alvin. Hindi na ako naniniwala sa’yo. Pati ang pagmamahal mong yan, hindi na ako naniniwala” dugtong niya kay Alvin “Niloko mo ako. Kinuha mo sa akin ang buhay ko. Sana hinayaan mo na lang ako. Sana hinayaan mo na lang ako na masunog” “Hindi. Mahal kita. Hindi kita kayang iwan” “Pero ako. Kaya ko. Itigil na natin ito” sabay kumawala sa yakap ni Alvin at tumakbo palabas ng kanilang bahay ng walang dalang gamit. Patuloy pa din ang paglakad ng mabilis ni Jeff habang umiiyak. Saan siya pupunta? Hindi niya kabisado ang lugar na iyon. Ilang oras na din ang nakalipas at naglalakad pa din si Jeff. Maputla na ito dahil nawalan na siya ng tubig at sustansiya sa katawan dahil sa ilang oras na paglalakad. ‘Siguro ito na ang oras na mamatay na ako. Hindi ko naman nakita ang anak ko na si Sky. Paano kung hindi inalagaan ni Jean ang anak ko? Paano kung inabuso niya ito? Hindi ko naman naipagtanggol ang anak ko. Sky… anak. Patawarin mo ang Papa ha…Mahal na mahal kita’ sabi niya sa kanyang sarili at bigla siyang natumba at nahimatay sa gitna ng daan. *** Sa kasalukuyan. Pinarada ni Nathan ang kanyang sasakyan sa tabi ng hotel na kung saan nakita niya ang kamukha ni Jeff na pumasok. Kaagad siyang bumaba ng sasakyan at pumasok sa hotel. Hindi niya na naabutan ang taong nakita niya kanina. Pero gusto niya talaga itong makita at malaman kung saan ang kanyang silid. Nagdesisyon siya na magtungo sa front desk upang magtanong. “Miss, pwede po bang magtanong?” “Yes Sir?” sagot ng babae sa front desk “Ano po ang kailangan ninyo?” “Ahmm. Pwede po bang malaman kung ano ang room number ni Mr. Jeffrey Dy?” “Naku. Sorry po, Sir. Hindi po namin maibibigay ang hinihingi ninyo” sagot niya “Kasama po kasi sa Standard Operating Procedure namin na huwag ibigay ang mga information tungkol sa guest namin. Para sa privacy nila” “I know that, Miss. Pero gusto ko lang malaman. Please. This is important” “Sorry Sir. Hindi po pwede talaga” “Sige” buntong-hininga ni Nathan “Salamat na lang” Kaagad siya tumalikod sa front desk ng hotel at lumakad patungo sa pintuan. Uuwi na lang siya dahil hindi naman binigay ng babae ang silid ni Jeff. “Miss… kailangan ko ng extra towel sa room ko” sambit ng isang guest na kakarating lang sa front desk. Narinig ito ni Nathan at mukhang pamilyar ang boses na iyon “Kanina pa ako tumatawag dito pero hindi ninyo sinasagot” “Sorry po Sir. Don’t worry, magpapadala na ako kaagad ng towel sa room ninyo” “Sige. Salamat” Humarap muli si Nathan sa front desk upang tignan kung sino ang kanyang kausap. Napalaki muli ang mga mata niya dahil kumpirmado na siya nga ang taong akala niyang namatay. “Jeff..??” sabay lapit niya sa front desk “Ikaw ba yan? Buhay ka?” Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD