Chapter 6 (Lihim na Plano)

2408 Words
Dakong alas-siyete ng gabi. Tinutulungan ni Sky ang kanyang Nanay-La sa paghahanda ng hapunan nila. Nagdesisyon siya kasi na doon na lamang na tumulog. Nakapaalam naman siya sa kanyang Tita-Mommy at pumayag naman ito sa kabila na labag sa kanyang kalooban. Samantala naman, nanonood ng telebisyon si Cindy. Kahit maganda ang palabas ay parang hindi siya mapakali sa kanyang inuupuan.Nag-aalala siya kasi sa kanyang asawa dahil hindi pa ito nakakauwi. Malimit kasi na umuuwi si Nathan ng mga alas-singko y medya ng hapon pero sobrang gabi na at hindi pa ito nakakauwi. Tumayo na lang ito at nagtungo sa kusina na kung saan andoon si Joyce at ang kanyang apo. “Tapos na ba yan..??” tanong niya kay Joyce na matigas ang tono ng boses “Wala pa eh” sagot naman niya “Pero malapit na ito matapos, anak” “Kanina pa yan. Hindi pa tapos?? Ang kupad naman” “Pasensiya na anak. Nawili kasi ako sa pagkuwentuhan sa apo ko eh” Tumingin si Cindy kay Sky na nakaupo “Gabi na. Hindi ka pa ba uuwi??” “Hindi po. Nagpaalam po ako kay Tita-Mommy na dito ako matulog” sagot ni Sky “…at pumayag po siya” “Ganon?” napataas naman ang kilay ni Cindy “Dito ka matutulog?? Sa tingin mo ba papayag ako?” “Pero Tita…” “Huwag mo akong ma-tawag-tawag na TITA ha. Hindi kita ka-anu-ano” panduduro ni Cindy kay Sky “Ang kapal naman ng pagmumukha mo na magdesisyon na dito matulog. Kayo ba ang may-ari ng bahay na ‘to??! Diba hindi??!” “Cindy. Huwag mo naman sigawan ang apo ko” “E sino ba ang gusto mong sigawan ko?? Ikaw??” patuloy pa rin ang galit niya sa dalawa “Palibhasa nagpatira kami ng palamunin dito eh!! Sa susunod… huwag kayong magdesisyon kung hindi pa ninyo kinukonsulta ako at ang asawa ko” “Pasensiya ka na, Cindy. Pasensiya na talaga. Sa susunod magpapaalam kami” “Dapat lang” sabay tingin niya kay Sky “Ano pa ang tinitingin mo Sky?? Umalis ka na” “Sige na apo. Umalis ka na lang muna. Bumalik ka na lang bukas” Sinunod na lamang ni Sky ang pakiusap ng kanyang lola. Kaagad niyang kinuha ang gamit niya at umalis na ng bahay. Samantala, nakatitig pa rin si Cindy kay Joyce habang nakakunot ang kanyang noo. “Ano pa ang hinihintay mo?? Tapusin mo na ang niluluto mong yan” utos niya sa matanda “Teka. Saan na ba ang anak mo at ang asawa niya?” “Umalis na sila” sagot ni Joyce “Naghanap na sila ng malilipatan” “Mabuti kung ganon” sabat niya sa matanda “Mabuti pa si Joaquin at Joy. Marunong mahiya. E ikaw??” Hindi na lang sumagot si Joyce sa pambabastos sa kanya ng asawa ni Nathan. Pinatuloy niya na lamang ang pagluluto. *** Nagulat si Jeff sa kanyang nakita dahil nasa harapan niya ang matagal niyang hindi nakita. Gustong-gusto niya mayakap ng mahigpit si Nathan pero pinipigilan niya ang kanyang sarili. Tumalikod na lamang siya at kaagad lumakad patungo sa elevator. Pero hinabol naman siya ni Nathan at hinawakan sa braso. “Jeff…” napatingin naman siya sa kanyang braso na hinahawakan ni Nathan. “Ikaw nga. Bakit hindi ka nagpapakita sa amin??” “Sorry. Hindi kita kilala” at bumukas ang pinto ng elevator at pumasok ito. Sumunod din naman si Nathan sa kanya. “Alam ko na ikaw yan” sambit nito “Mag-usap tayo” “Hindi nga ako si Jeff, okay??” sagot naman niya kay Nathan “Pwede ba? Huwag ka nang makulit” “Ano ba ang nangyari sa’yo sa loob ng labing-isang taon?? Paano ka nakaligtas sa pagsabog ng warehouse?” “Hindi ko alam ang pinagsasabi mo” sabat ni Jeff na parang namumutla na ang kanyang labi. “Hindi mo ba ako nakikilala, Jeff?? Ako ‘to… Si Riley. Ang mahal mo” “Sorry. Hindi talaga kita kilala” sakto din na bumukas muli ang pintuan ng elevator. Lumabas doon si Jeff habang nakasunod pa rin sa kanya ang isa “Hindi mo nga ba ako nakilala??” Napahinto si Jeff sa kanyang paglakad at lumingon sa kanya “Ano ang ibig mong sabihin? Sa tingin mo ba ay nagpapanggap lang ako??” “Ikaw na ang may sabi yan. Hindi na ako” sagot niya “Matapos ang nangyari sa atin noon sa warehouse, at nalaman namin na patay ka na. Gumuho ang mundo ko, Jeff. Pero bumalik ako noon sa lugar na iyon” kuwento ni Nathan sa kanya. “Nakita ko ang hindi nasunog na kumpol na tali. Inisip ko na buhay ka. At totoo nga, buhay ka nga. Nasa harapan na kita ngayon. Hindi talaga nagkamali ang hinala ko” “HINDI. AKO. SI. JEFF.” “Alam ko na ikaw yan, Jeff. Ano bang drama ito?? Matapos ang labing-isang taon na akala namin ay patay ka na. Hindi ka pa rin nagparamdam sa amin. Ano ka bang klaseng tao?? May anak at ina ka na umiiyak dahil sa pagkamatay mo. Pero buhay ka pa pala at andito ka lang nakatira sa hotel” “Hindi mo alam ang pinagdaanan ko sa loob ng labing-isang taon” iyak ni Jeff “Kaya huwag kang magsalita na parang alam mo ang lahat” “So… totoo nga. Ikaw nga si Jeff” pero hindi sumagot si Jeff sa sinabi sa kanya. Linapitan siya ni Nathan at niyakap ng mahigpit “Ano ba ang nangyari sa’yo babe?? Bakit ka nawala??” “Huwag tayo dito mag-usap. Doon tayo sa kwarto ko” “Sige” Pumasok silang dalawa sa silid ni Jeff. Doon niya sinalaysay ang lahat na nangyari sa kanya, lalung-lalo na ang pagkuha sa kanya ni Alvin. “Iyon ang dahilan kung bakit ako nawala. Pareho tayong niloko ni Alvin at Jean” “Kaya pala…” dugtong niya “Kaya pala hindi siya dumalo nung sa burol at libing mo. Iyon pala ang dahilan. Kinuha ka niya. Hindi niya man lang sinabi na buhay ka. Napakasama ni Alvin” habang nangangalit ang kanyang ngipin sa galit “Kailangan na malaman ‘to ni Nanay Joyce, Jeff” “Huwag!” sigaw niya kay Nathan “Ano?? Bakit?” “Huwag mo munang ipaalam kay Nanay na buhay ako. Hindi pa ito ang tamang oras” “E bakit? Nanay mo yun. May karapatan siyang malaman na buhay ka” “Basta. Sundin mo lang ako” “Kaarawan ni Nanay Joyce bukas, Jeff” paalala niya dito “Hindi ba pwede na regalo mo na lang ‘to sa kanya??” “Hindi” pagmamatigas pa niya “Katulad ng sinabi ko, hindi pa ito ang tamang oras. Malalaman ni nanay na buhay ako sa takdang panahon. Sana igalang mo ang desisyon ko, Riley” “Sige. Rerespetuhin ko ang desisyon mo” sagot niya “Wala naman ako magagawa” “Salamat” Ilang minuto din ang nakalipas ay nakatitig pa rin si Nathan kay Jeff na nakaupo sa kama. Samantala naman siya ay nasa tabi nito na nakaupo din. “Maliban sa akin at ni Alvin, sino pa ba ang nakakaalam na buhay ka?” “Si Gwen at si Ben” sagot ni Jeff “Nagtatrabaho sila sa akin ngayon bilang ispiya ko kay Jean. Doon sila ngayon sa kanya” kuwento niya kay Nathan “Bawat galaw at plano ni Jean ay alam ko dahil sa kanila” “Ano?? Hindi ba delikado ang pinagagawa mo sa kanila?” “Delikado. Pero kampante ako sa kanilang dalawa na hindi sila mabubuking ni Jean” paniniguro ni Jeff “Alam naman natin na naging ispiya si Gwen noon ni Jean sa akin. Akala niya siguro ay nasa kanya pa rin ang loyalty ng isa” “Pero kinakabahan ako sa mga plano mo babe. Itigil mo na nga kaya ito” “Itigil??” ulit niya “Nahihibang ka na ba?? Sila ang dahilan ni Alvin kung bakit nagkaganito ang buhay ko sa loob ng labing-isang taon. Pinagplanuhan nilang dalawa ang lahat ng iyon. Pero ito na ang oras ng paniningil” sabay buntong-hininga ni Jeff “Huwag kang mag-alala. Everything is set. Pero ito lang ang pabor ko sa’yo. Huwag na huwag mong ibubuka ang bibig mo na buhay pa ako, lalung-lalo na sa pamilya ko. Sa nanay at sa mga kapatid ko at kay Sky. Sikreto lang natin ito” “Don’t worry, babe. Maaasahan mo ako diyan” “Mabuti kung ganon” sagot ni Jeff “Umuwi ka na sa inyo at baka hinahanap ka ng asawa mo” “Sige. Pero bago ako umalis. Meron akong tanong” “Ano yun?” “Pagkalipas ng maraming taon. Mahal mo pa rin ba ako?” Natahimik si Jeff sa tanong ni Nathan. “Bakit hindi ka makasagot? May iba ka na ba?” “Wala. Wala akong iba” “Oh bakit hindi mo masagot ang tanong ko” “Meron pa akong dapat gawin, Riley. May mga dapat pa akong tapusin. Hindi ko muna masasagot yan” sagot ni Jeff “Sana maiintindihan mo ako” “Sige” tanging sambit ni Nathan. Kaagad siyang nagtungo sa pintuan ng silid at hinawakan ang doorknob. “Alis na ako, Jeff. Babalik ako bukas” “Sige. Basta ang usapan natin. Huwag mong sabihin kanino man na buhay ako” Tumango na lamang siya at parang dismayado sa sagot ni Jeff. Pinihit niya ang doorknob at bumukas ito. Kaagad naman siya lumabas at sinara ang pinto. *** Binantayan ni Cindy ang kanyang asawa sa pag-uwi. Nakaupo siya sa sofa at naghihintay sa pagdating ni Nathan. “Mommy..?” hindi niya napansin na umupo sa kanyang tabi si Stephen. “Oh. Bakit anak? Hindi ka pa ba matutulog?” “Hindi pa ako dinadalaw ng antok eh” sagot niya sa kanyang ina “Ikaw po? Hindi ka pa ba matutulog?” “Hindi pa, anak. Hinihintay ko pa dumating ang Daddy mo” buntong-hininga niya “Nagaalala na nga ako eh. Ngayon lang siya ginabi sa kanyang trabaho. Baka ano na ang nangyari sa kanya” “Huwag ka pong mag-isip ng masama sa kanya” sambit niya sa ina “Alam niya na po ang kanyang gagawin. Matanda na yan eh” biro ni Stephen. “Ikaw talagang bata ka. Alam mo talaga kung paano ako matawanin” “Siyempre po. Mommy kita eh” ngiti niya sa ina “Oo nga po pala, birthday po bukas ni Nanay Joyce. Baka darating si Sky kasama ang kaibigan niya. Magluluto sila dito para sa kaarawan ng kanyang lola” “E ano naman ang sa akin??” sabat ni Cindy na uminit ang kanyang ulo “Huwag na huwag mo siyang papasukin dito sa bahay. Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng yon” “Mommy naman. Hayaan mo sila kaya. Ibigay mo na ‘to dahil kaarawan naman ni Nanay Joyce” sabay yakap niya sa ina “Please??” “Naku Stephen ha. Alam ko na yan” sambit ni Cindy “Gusto mo lang na dumalaw dito ang anak ng kabit ng Daddy mo dito sa atin kasi nagugustuhan mo siya” at tinignan niya ang anak. Walang siyang imik sa sinabi ng ina. “O bakit tumahimik ka” “Wala lang po. Naalala ko lang noon eh” at umiba ang timpla ng mukha ni Stephen. Naging seryoso na ito at biglang tumuloang luha ni Stephen habang iniisip niya ang nangyari noon na maliit pa lamang siya “Naalala ko pa noon, walang gabi na umiiyak ka dahil iba ang kanyang mahal. Pinanamukha niya sa’yo na hindi ka niya mahal. Narinig ko lahat ng yon” “Stephen. Tapos na yon. Nag-iba na ang ama mo” “Pero naalala ko pa. Parang kahapon lang ang lahat na nangyari” patuloy pa rin ang pagkuwento niya sa kanyang ina. Nagulat din si Cindy dahil ngayon niya lang ito nalaman na may galit pala si Stephen sa kanyang ama “Kaya hindi ko pa rin siya mapapatawad hanggang ngayon” “Patawarin mo na siya anak. Mahal tayo ng Daddy mo” “Mahal nga ba??” ulit ni Stephen “Ni kahit yakap nga, hindi niya maibigay sa’yo, pagmamahal pa??” “Ganyan lang talaga ang ama mo. Hindi siya marunong magpakita ng pagmamahal pero maniwala ka, anak. Mahal niya tayo” “Ewan ko” sabay tayo ni Stephen “Hanggang ngayon ay nagbubulagan ka pa rin diyan sa taong yan. Ang taong hindi totoong nagmamahal sa’yo” Umalis si Stephen sa sala na may sama ang loob. Hindi naman pinigilan ni Cindy ang anak at hinayaan na lang itong umalis. Tama nga siguro ang sinabi ng kanyang anak, nagbubulagan siya hanggang ngayon dahil kahit anong gawin niya ay hindi pa rin siya minamahal ng asawa. Pero hindi niya kayang iwan ito dahil ayaw niyang masira ang kanyang pamilya. Ayaw niyang maging katulad ni Stephen ang dinanas niya noon. Sira ang pamilya. Bandang alas-nwebe na ng gabi nakauwi si Nathan sa kanilang bahay. Tulalang pumapasok ito dahil hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang nasaksihan, buhay ang kanyang mahal. Tama ang kanyang duda noon pa man na buhay ito pero wala siyang pruweba. “Bakit ngayon ka lang??” tanong ni Cindy sa kakapasok lang na si Nathan. Pero hindi siya sumagot sa tanong sa kanya at patuloy pa rin ang paglalakad niya na tulala. “Nathan?? Okay ka lang ba?” “Ha?? Oo. Okay lang ako” “Parang wala ka sa sarili mo. May problema ka ba?” “Wala. Pagod lang ako sa trabaho” sabay himas niya sa buhok ni Cindy “Bakit? Ano ba ang ginawa mo pagkatapos ng trabaho mo?” tanong niya sa asawa “Saan ka ba nagpunta?” “Wala. Doon lang ako sa opisina” sagot ni Nathan “Nag-overtime kasi ako sa trabaho kaya ginabi ako” “Kaya pala. Sige na Mahal. Magpahinga ka na sa kwarto natin” Nagtungo nga si Nathan sa kanilang silid. Humiga ito at natulog na sa sobrang pagod. Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD