Chapter 7 (Kaarawan)

2434 Words
Kinabukasan. Kaarawan na ni Joyce. Maagang umalis si Sky sa mansyon ni Madam Jean at para mamelengke ng kanilang lulutuin para sa paghahanda sa kaarawan ng kanyang Nanay-La. Pagkatapos ng kanyang pagmamelengke ay kaagad siyang dumerecho sa bahay nina Nathan. Sa kanyang pagpasok ay nandoon si Cindy sa sala at nanonood na naman ng palabas sa telebisyon, si Nathan naman ay pumasok na sa trabaho at si Stephen ay naghahanda para pumasok sa klase. “Good morning, Nanay-La” sabay yakap niya sa lola “Happy Birthday po” “Salamat apo” sagot naman ni Joyce “Angaga mo ata pumunta dito, wala ka bang pasok?” “Meron naman po, Nanay-La. Pero mamaya pa, mga ala-una ng hapon” paliwanag ni Sky “Oo nga po pala, pupunta din dito si Sara. Kasama ko siya mamata dito. Yung bestfriend ko. Tutulungan niya daw ako na magluto para sa kaarawan mo po” “Sky naman. Nag-abala ka pa. Baka busy naman ang kaibigan mong yan” sambit ni Joyce sa kanya “Ano ba ang lulutuin mo? Parang marmi ‘to ah. San ka kumuha ng pera?” “Sa ipon ko po, Nanay-La. Mula sa allowance ko” sagot ni Sky “Tapos nagbigay din si Tito Alvin ng pera para pangdagdag” “Wow. Talaga apo? Galing sa ipon mo ito?” ulit ni Joyce “Ang sweet mo talagang bata” “Siyempre po Nanay-La. Mahal na mahal po kita eh” sabay yakap niya kay Joyce “Ako din apo. Mahal na mahal din kita” ganting yakap niya sa apo “Pero apo, sigurado ka ba na pupunta dito ang kaibigan mo mamaya?? Ano nga ba ulit ang pangalan niya?” “Sara po” ulit ni Sky “Opo Nanay-La. Isasama ko siya dito mamaya” “Baka nakakaistorbo lang tayo sa kanya apo. Huwag na nga lang kaya. Nakakahiya naman” “Hindi po, Nanay-La. Napag-usapan na namin po yan” paniniguro niya sa kanyang lola “At tsaka po, gusting-gusto ka niya na pong makita” “Oh Sige. Kung yan ang gusto mo, apo. Hindi na kita pagbabawalan” “Salamat po, Nanay-La. Para naman po sa’yo ito eh” Tumayo si Cindy sa sofa at pinuntahan na naman ang mag-lola “Wow. Ang laking handaan naman yan” pang-iinsulto niya “May fiesta ba?” “Hindi anak” sagot ni Joyce “Kaarawan ko kasi ngayon. Tapos nagulat lang ako na marami ang pinaninda ng apo ko. Magluluto daw siya” “Mabuti naman kung ganun” dugtong niya sa paliwanag ni Joyce “Kung makapag-handa kayo dito, parang kayo ang may-ari ng bahay ah. Mabuti yan. Ipagpatuloy ninyo lang yan” “Ahmmm. Tita. Nagpaalam na po ako sa asawa ninyo. Huwag ka pong mag-alala” “I don’t care. Hindi naman bahay ninyo ito” sabat ni Cindy “Pero hahayaan ko muna kayo na gamitin ang bahay namin. Baka isipin ninyo na wala akong konsiderasyon sa matanda” sabay tingin kay Joyce “Aalis na lang ako para masolo ninyo ang bahay. Pero ngayong araw lang ‘to” “Salamat po, Tita” ngiti ni Sky “Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na huwag mo akong tatawagin na TITA” “Sorry po” “Sige na. Magluto ka na diyan” utos niya kay Sky “Ayusin mo ang pagluluto at baka masunog ang bahay namin” “Okay po” Walang sabi-sabi ay umalis si Cindy sa harap nila at kaagad lumabas ng bahay. Samantala, nag-umpisa nang maghanda si Sky para sa kanyang mga lulutuin. *** “Ano na ang nangyayari kay Jean, Gwen?” tanong ni Jeff sa kanya ispiya na kakapasok lang sa silid ni Jeff sa isang hotel. “They’re getting ready para sa meeting nila sa Hidalgo Breweries four days from now, Sir” Walang imik si Jeff sa balita ni Gwen at bigla na lang itong tumawa ng malakas. “Talaga?? Naghahanda sila?? Kawawa naman” “Opo Sir. Para ngang kinakabahan si Madam Jean eh” kuwento ni Gwen sa kanya “Ayaw niya na daw kasi itong pakakawalan pa. That’s why, naghahanda sila ng todo” “Madam Jean?? Ulit ni Jeff “Kailan lang siya naging ‘Madam’, Gwen?? Hindi siya karapat-dapat para titulong iyon. Tandaan mo yan" “Sorry po, Sir” sagot ni Gwen “Huwag kang mag-sorry. Hindi naman ako galit sa’yo” sagot ni Jeff “At kahit anong paghahanda nila, sigurado ako na hindi nila makukuha ang deal na yon” “Sana nga po, Sir” “Oo nga pala, saan si Alvin?” “Hindi naman po siya nagpaparamdam kay Jean kahit isang tawag o bisita sa opisina” “Pero wala ba siyang clue na buhay ako?” “Si Jean?” sabay tango ni Jeff bilang sagot “Wala po Sir” “Good. Baka hindi rin sinabi sa kanya ni Alvin na buhay ako” sambit niya “Kahit papaano ay may naiitulong ang Alvin yan sa akin ngayon. Kahit na ikinulong niya ako sa kanyang bahay ng tatlong tao. Pinaniwala na patay ang buo kong pamilya” “Oo nga po Sir. Pero huwag po tayong mag-kampante baka isumbong ka rin niya kay Jean” “Oo. Tama ka, Gwen” sabay tingin niya dito “Pero andiyan naman kayo ni Ben para pagbantaan ako” “Opo. Don’t worry. Gagawin talaga namin yan” “Speaking of… saan si Ben?” “Andoon po sa kanila, Sir. Hinihintay si Jean kasi may lakad siya” “E ikaw?? Hindi ka ba hinahanap doon?” “Hindi po. Day-off ko ngayon” “Mabuti naman” sagot ni Jeff “Gwen…?” “Yes po?” “Mag-ingat kayo. Alam ko na mahirap ang trabaho ko sa inyo pero andito pa rin kayo para tulungan ako” “Oo. Mahirap talaga, Sir” pang-aamin ni Gwen “Pero sa totoo lang, kulang pa ito dahil malaki ang pagkakasala namin sa’yo, lalung-lalo na ako. Gusto naming bumawi sa inyo, Sir” “Sige. Kung iyan ang gusto ninyo. Pero mag-iingat kayo” *** Dakong alas-tres ng hapon natapos ang klase nina Sky at Sara. Kaagad silang pumunta sa bahay nina Nathan para ipagpatuloy ang paghahanda nila sa kaarawan ni Joyce. Bago dumilim ay natapos na nga ang kanilang paghahanda, nagluto sila ng spaghetti, lumpiang shanghai, chicken cordon bleu at marami pang iba. Masarap at masaya ang selebrasyon ng kaarawan ni Joyce dahil sa kanyang apo na si Sky at sa tulong ng kaibigan nitong si Sara. Andoon din si Joaquin at ang asawa niya (ang ina ni Sky) na si Joy. “Happy birthday po ulit, Nanay-La” sabay yakap ni Sky sa kanyang lola. “Maraming salamat, apo. Salamat sa paghahanda mo” ganting yakap ni Joyce “Sobrang saya ako ngayon dahil sa ginawa mo, Sky. Salamat talaga” Mula sa masayang mukha ni Joyce ay pumalit ito ng malungkot. “Bakit Nanay-La? Bigla kayong nalungkot. Hindi ba masarap ang lasa ng luto namin?” “Hindi apo. Masarap siyempre” sabay punas ng namumuong luha sa mata“May naaalala lang ako” “Ano yun, Nanay-La?” “Ang Papa mo” sagot nito “Alam mo, tuwing kaarawan ko, nagpapahanda din siya. Lahat ng mga gusto ko ay binibigay niya” kuwento niya sa apo na si Sky “Katulad ka talaga ng Papa mo. Kung andito lang siguro si Jeff.” Niyakap na lamang ulit ni Sky si Joyce sa kanyang naalala. “Nanay-La naman. Huwag ka nang umiyak. Birthday mo kaya. Kailangan mong maging masaya” Hindi nila namalayan na nakarating na pala sina Nathan, Cindy at ang kanyang anak na si Stephen sa bahay. Hindi pinansin ni Cindy ang mga tao sa kusina at kaagad siyang dumerecho sa kanilang kwarto ng asawa. Samantala naman si Nathan ay nakatayo malapit sa pintuan. Narinig niya ang iyak ng ina ni Jeff. Ang pangungulila ng isang ina sa anak. Gustong-gusto niya talaga itong sabihin kay Joyce na buhay ang kanyang anak pero pinigilan niya na lamang ang sarili dahil iyon ang utos ni Jeff. “Happy Birthday pala, Nanay” bati ni Nathan kay Joyce at bineso ito. “Salamat Riley” ngiti niya “Oh. Saan si Cindy?” “Sabay po kaming umuwi nina Stephen, nay. Dumerecho na po siya sa aming kwarto” paliwanag niya kay Joyce “Pagpasensiyahan niyo na lang po si Cindy, nay. Kung ganyan siya sa inyo” “Naku. Wala lang sa akin yun, Riley. Naiintindihan ko ang asawa mo” Sabay silang napatingin sa pintuan dahil may biglang pumasok na tao sa bahay. “Sorry po” sambit nito “Bukas po kasi ang gate eh. Kaya pumasok na lang ako. Para po kay Joyce” sabay abot ng lalaki ang isang cake na nakabalot sa kahon “Galing kay Madam Jean” “Ben..?” sambit ni Nathan “Stephen. Kunin mo muna ang cake na dala niya” Kaagad naman pinuntuhan ni Stephen ang lalaking pumasok at kinuha ang cake na bitbit nito “Nathan ikaw ba yan?” sagot ni Ben “Bahay mo pala ‘to?” “Oo eh. Dito na kasi nakatira ang nanay ni Jeff. Dito ko na pinatira” paliwanag ni Nathan “Naaawa lang ako sa matanda eh” “Oo nga eh. Kakabigla lang ang pagkamatay ni Jeff” sagot ni Ben “Sayang niya” “Teka. Bakit hindi ka pala nakadalo sa burol at libing niya noon?” “Umuwi ako sa amin eh. Nakonsensiya ako sa mga ginawa ko noon sa’yo at sa kanya” sabay tapik niya sa balikat ni Nathan “Sorry ha. Sorry talaga” “Tagal na yun, Ben. Kalimutan na lang lahat ng iyon” sagot ni Nathan sa paghihingi ng tawad ni Ben sa kanya “Oo nga pala, doon ka kay Jean nagtatrabaho?” “Yup. Doon ako sa kanya bilang driver” “Ahh. Mabuti naman kung ganon” “Oh pano, Nathan. Alis na ako ha” pagpaalam nito “Baka hinahanap na ako ni Madam eh. Enjoy niyo na lang ang cake” “Sige. Ingat” sabay ngiti ni Nathan sa kanyang pagtalikod *** Habang nagliligpit sina Sky at Sara ng mga maruming plato ay nakatitig lamang si Stephen sa kanila. Nakatayo siya sa may bandang mesa. Gusto niya sanang puntahan ang dalaga pero pinangungunahan siya ng kaba at baka hindi siya pansinin. “Anak, ano pa ang ginagawa mo diyan?” sulpot ni Nathan sa bandang likuran “Hindi ka pa ba matutulog?” “Po?” sagot niya na parang naalimpungatan sa pagsulpot ng ama “Ang sabi ko, hindi ka pa ba matutulog?” “Hindi pa” sagot nito. Napasulyap si Nathan sa dalagang naghuhugas ng plato, na tinititigan ng kanyang anak. Siya siguro ang dahilan kung bakit hindi pa umaalis sa kusina at hindi pa natutulog si Stephen. “May gusto ka ba kay Sky, anak?” “Ha??” sambit uilit ni Stephen “Hindi. Bakit mo naman nasabi iyon?” “Kasi hindi maalis ang mata mo sa kanya” sabay tapik ni Nathan sa balikat ng anak “Anak, okay lang naman sa akin na magkagusto ka. Pero huwag ka munang magmadali at magdesisyon ng mabilis. Dahan-dahan lang baka pagsisihan mo ang gagawin mo” “Ano ang ibig mong sabihin?” “Wala naman. Pinapayuhan lang kita, anak” “Ganon? Anong klaseng payo yan? Bakit?? Pinagsisihan mo ba na pinakasalan si Mommy?” balik ni Stphen sa kanya “Stephen. Hindi naman sa ganon” “E ano?? Kasi sa tono ng pananalita mo ay may pinagsisihan ka sa buhay mo ngayon” sagot ni Stephen sa kanyang ama “Hindi ka ba masaya sa amin? Hindi ka ba masaya kay Mommy?” “Masaya anak. Pero iba ang pag-intindi mo sa sinabi ko” “Hindi eh. Parang ganon ang ibig mong sabihin eh” sagot niya sa kanyang ama. Napatingin naman ang dalawang dalaga sa nagagalit na si Stephen. “Alam ko naman na hindi mo minahal na katiting si Mommy dahil iba ang mahal mo” “Stephen. Tumahimik ka. Show some respect” “Respect??” ulit ni Stephen “E hindi mo nga nirerespeto si Mommy. Hindi mo nirespeto ang kasal ninyo. Hindi mo nga nirespeto ang pamilyang ‘to!” dugtong niya pa “Tapos maghihiga ka ng respeto sa akin?? Ano kang klaseng ama??!” Gusto na sanang suntukin ni Nathan ang anak niya dahil binastos siya nito. Pero pinigilan niya na lamang sarili dahil anak niya ito at ayaw niya naman ito mapahiya sa harap ng mga dalaga. Tumalikod na lamang siya at kaagad dumerecho sa silid nila ng asawa. Samantala ay umalis din si Stephen sa kusina at puamasok din sa kanyang kwarto. *** Dakong alas-diyes ng gabi. Nakaupo sa kama si Jeff habang naka-andar ang telebisyon pero hindi naman siya nanonood. Iniisip niya kasi na kaarawan pala ng ina niya ngayong araw pero wala naman siyang magagawa kundi umupo na lamang. Gustong-gusto niya na talaga itong puntahan at yakapin ng mahigpit. Sobrang miss niya na kasi ang ina dahil matagal niya itong hindi nakita sa loob ng labing-isang taon. Nakikita niya lang ang mukha ng ina sa mga litrato na pinapadala sa kanya ng kanyang mga tauhan na lihim nagbabantay sa bahay ni Nathan. “Happy Birthday Nanay” sambit ni Jeff sa litrato ni Joyce. Hinahaplos niya ang mukha ng ina sabay patak ng kanyang mga luha “Miss na miss po kita Nanay ko. Huwag po kayong mag-alala nanay. Malapit niyo na akong makita. Konting tiis na lang po” Naputol ang drama ni Jeff nang may kumatok sa kanyang pintuan. Kaagad itong tumayo at inilagay ang litrato ng ina sa may kama. Nagtungo siya kaagad sa pinto at sinilip sa may butas nito kung sino ang tao nasa labas. Binuksan naman ito ni Jeff nang nakita niya na ang tao na nasa labas. “Bakit Ben?” sabay pasok ni Ben sa loob. “Wala naman po, Sir. Gusto ko lang sabihin sa inyo na everything is set. Handa na ang una mong plano” “Very good, Ben. Maaasahan talaga kita” sagot ni Jeff “Bukas na bukas ay malalantad lahat sa media ang baho ni Jean” Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD