Kinabukasan. Sa paaralan.
Nakita ni Stephen si Sky na nakaupo sa isang bench na tila naghihintay ng kasunod niyang klase. Pinuntahan niya agad ito dahil gusto niya itong kausapin sa nangyari kagabi.
“Hello, Sky” bati niya sa dalaga.
Napatingin naman sa kanya ito at ngumiti “Stephen, andito ka pala. Wala ka pa bang klase?”
“Hmmm. Wala pa eh. Mamaya pa” sagot nito habang nakatingin sa dalaga “Ikaw? Ano oras ba ang pasok mo?”
“Mamaya din. Mga 11 pa” habang tinititigan niya ang kanyang telepono
“May hinihintay ka ba?” tanong ni Stephen “Parang hindi ka kasi mapakali sa pagkatitig sa cellphone mo eh”
“Ha?? Oo. Hinihintay ko si Sara. Yung kaibigan ko na kasama ko kagabi”
“Ahh. Oo. Naaalala ko siya” sambit niya “Ahhm. Sky??”
“Yes Steph?”
“Pagpasensiyahan mo sana ako sa ginawa ko kagabi”
“Ha? Ang alin?”
“Yung pagsigaw ko kay Daddy” pagpaalala niya kay Sky “Sorry talaga”
“Yun ba? Wala yun” sambit nito “ E Bakit nagsosorry ka sa akin? Wala naman ka naman kasalanan sa akin. Doon ka sa Daddy mo humingi ng tawad”
“Naku. Huwag na. Baka ano na naman ang masabi ko sa kanya eh” pagmamatigas ni Stephen “Galit na galit kasi ako sa kanya. Noon pa”
“Bakit? Saan?”
“Kasi niloloko niya si Mommy. May iba siyang mahal” sagot niya at biglang naalala niya muli ang pangyayaring iyon“Nasaktan ako noon tuwing nakikita ko si Mommy na umiiyak dahil pinagmumukha ng lalaking yon na hindi niya mahal ang ina ko” sabay sa pagtulo ng kanyang mga luha“Mabuti nga namatay na yon eh. Nabawas-bawasan ang sakit na dinadama ni Mommy” at tumingin siya kay Sky “At iyon nga ang rason kung bakit ako humihingi ako ng tawad sa’yo. Galit ako sa Papa mo dahil siya ang rason kung bakit muntik nang masira ang pamilya namin”
“Naiintindihan kita, Stephen. Hindi naman kita masisisi sa nararamdaman mo sa Papa ko. Siguro kung ako ang nasa lugar mo ngayon, ganun din ang mararamdaman ko” sambit ni Sky na parang naaawa sa kanyang kausap “Pero tapos na yon, nangyari na ang nangyari. Patay na si Papa at masaya na kayo ulit bilang pamilya” at huminga ng malalim si Sky sa kanyang sinabi “Alam mo, magpasalamat ka pa nga na kumpleto pa ang pamilya mo, may tatay at nanay ka. Buhay at nasa piling mo ngayon. Ako?? Wala nang ama”
“Pero may lola ka pa diba? Mga Tito at Tita mo, at nanay na andiyan pa sa’yo at buhay”
“Pero iba pa rin ang merong kumpletong pamilya” ulit ni Sky “Iba ang pakiramdam ang buong pamilya. Oo, andito pa nga sina lola pero hindi ko naman sila kasama sa loob ng bahay. Nakatira ako kay Tita-Mommy, na pakiramdan ko na hindi naman nagmamahal ng totoo sa akin” kuwento ni Sky “Kaya huwag kang magreklamo at huwag kang magalit sa ama mo kasi masuwerte ka pa rin kahit papaano”
“Ikaw?? Hindi ka ba galit sa Daddy ko?” balik niyang tanong kay Sky “Kasi narinig daw kayo ni Mommy na nag-uusap ng lola mo na galit ka daw kay Daddy. Sinisisi mo daw siya sa pagkamatay ng Papa mo. Totoo ba yun?”
“Oo. Inaamin ko. Galit ako sa kanya. Galit na galit din. Pero wala naman tayong magagawa dahil tapos na yon. Wala naman tayo mapapala kung magtanim tayo ng galit sa kapwa natin diba? Tayo pa rin ang maaapektuhan sa galit natin. Kaya pilit ko nang kinakalimutan ang pangyayaring iyon pero kahit minsan naiinis ako”
Napatingin na lamang si Stephen sa baba at parang natamaan siya sa sinabi ni Sky “Sorry. Sorry talaga, Sky. Alam ko na galit ka kay Daddy, at ganun din naman ako. Galit ako sa Papa mo” sambit nito “Pero sana, huwag tayo magpa-apekto sa mga ama natin at kung ano ang ginawa nila. Sana maging okay tayo, Sky”
“Oo naman. Okay naman tayo, diba?”
“Oo. Okay tayo” sagot nito “Ayaw ko lang kasi na magalit ka sa akin eh. Kasi gusto kita”
Napalunok ng laway si Sky sa sinabi ni Stephen. Tama ba ang narinig niya? “Ano??”
“Oo Sky. I like you” sabay hawak niya sa kamay ng dalaga “Kahit noon pa”
“Nagbibiro ka lang ata, Stephen. Imposible na magugustuhan mo ako”
“Hindi. Totoo ang nararamdaman ko sa’yo” pagpumilit ni Stephen sa kanyang nararamdaman “Gusto kita. Gusto kita kahit nung unang beses kitang nakita”
“Pero paano? Anak ako ng iba ng Daddy mo. Bakit mo ako magugustuhan?”
“Ewan ko. Basta tumibok lang bigla ang puso ko nung nakita kita” sagot ni Stephen “Kaya hindi ko kaya noon na magpakita sa’yo nung pumupunta ka sa bahay namin. Kasi natotorpe ako. Natatakot baka hindi mo ako papansinin”
Naputol ang kanilang usapan nang dumating si Sara at nakatingin siya sa kanilang dalawa. “Sky… dito na ako”
“Kanina ka pa ba?” sabay tingin ni Sky sa kanya
“Hindi naman. Kararating ko lang” sagot nito “O ano? Tayo na? Male-late na tayo sa klase natin”
“Sige” at tumingin siya kay Stephen “Sorry. Pero papasok na kami sa klase namin. Usap lang tayo next time”
“Sige Sky”
Tumayo at kaagad lumakad silang dalawa ni Sara para pumasok sa kanilang klase. Habang papalayo sila ay lumingon si Sara sa nakaupo pa din na si Stephen. Nakatitig siya na parang may gusto din siya sa binata.
“Friend??” panimula ni Sara
“O bakit?”
“Ano ba ang pinag-uusapan ninyo kanina ni Stephen? Para mukha kasing seryoso eh”
“Yun ba?? Wala naman. Sinabi niya lang naman sa akin na may gusto siya sa akin”
“Ha?? E paano si Mark?”
“Si Mark pa talaga ang concern mo?” dugtong ni Sky “First of all, hindi kami ni Mark. At wala akong plano na sagutin siya. Kung si Stephen naman, wala pa akong plano na sagutin siya dahil hindi pa nga siya nanliligaw”
“So wala ka pa ngang plano na sagutin si Stephen?” ulit ni Sara
“Wala pa. Sa ngayon” sagot ulit nito “Bakit ba??”
“Wala naman, friend. Concern lang naman ako sa’yo”
***
Samantala. Sa opisina ni Madam Jean. Bumisita muli ang kanyang asawa na si Richard. Kakamustahin niya ang paghahanda nila sa kanilang meeting kasama ang Hidalgo Breweries.
“Kamusta na Jean?” panimula ng kanyang asawa “Kamusta na ang paghahanda natin para sa pagkukuha sa multi-million deal ng Hidalgo Breweries?”
“Ready na ang lahat mahal kong asawa” sagot ni Madam Jean na parang handa na talaga sa pagkikita muli ng may-ari ng Hidalgo Breweries. “Huwag ka nang mag-alala. Sigurado ako na makukuha natin yan”
“Sana nga, Jean. Sana hindi na tayo mabigo”
Naputol ang kanilang usapan na biglang pumasok si Gwen sa opisina. “Madam”
“Bakit Gwen? Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na kumatok ka muna bago pumasok?”
“Sorry po, Madam. Pero may kailangan kayong malaman” sabay kuha ni Gwen sa remote ng telebisyon ng opisina. Pina-andar niya ang TV at napatingin silang tatlo sa lumalabas na balita.
“Nakilala si Jeanette Dy-Tan or mas kilala sa business industry na ‘Madam Jean’. Ang pinakamayaman na negosyante sa buong bansa. May-ari siya ng dalawang pinagsama na malalaking korporasyon. Ito ang D&T Group of Companies” panimula ng babaeng nasa balita “Pero sa likod ng marangyang pamumuhay at mga matagumpay na mga negosyo. Merong tinatago din pala na isang hindi maganda na sikreto ang negosyanteng ito. Kabilang sa mga issues na binato sa kanya ngayon ay ang lihim daw na laboratoryo sa ilalim ng kanilang gusali na gumagawa diumano ng mga droga. Nakuha namin ang ekslusibong balitang ito sa isang lalaki na itatawag na lang natin sa pangalan na Arthur. Isa siyang dating nagtatrabaho sa drug lab ni Madam Jean noong tatlong taon ang nakalipas. Ngayon niya lang daw binunyag ang trabaho at ang lihim na negosyo nila dahil pinagbantaan siya ng kanyang amo na si Madam Jean, na huwag daw siya magsumbong kundi mamamatay ang kanyang pamilya” habang nakatingin pa din sila sa TV “Isa pa sa mga issues na binabato sa kanya ang pagplano niyang pagkidnap at pagpatay sa dating may-ari ng Dy Group of Companies na si Jeffrey Dy, na kapatid niya. Ganyan ba talaga magtrabaho ang isang Madam Jean? Gaano ba ka-totoo ang mga masasamang balita na nakaturo sa kanya ngayon?? Alamin natin ang kasunod na yugto tungkol kay Madam Jean bukas”
Napalaki ang mata ni Madam Jean sa mga lumabas na balita tungkol sa kanya. Hindi niya talaga ito inaaasahan.
“Anong nangyayari Jean?” tanong sa kanya ng asawa na nagulat din sa balita “Totoo ba ‘to? Na may lihim ka na laboratoryo ng droga sa ilalim??”
“Hindi. Of course not. Alam mo naman na hindi ko magagawa yan”
“Sana nga Jean. Sana hindi nagsisinunggaling ang balita laban sa’yo” dugtong ni Richard “At ng Arthur na yan”
“Hindi totoo yan, Richard. Maniwala ka” sambit ni Madam Jean na parang kinakabahan ang tono ng boses “May taong nasa likod ng balitang yan. Gusto niya na masira ang pangalan ko”
“At sino na naman ang taong yon? Wala ka nang kalaban diba? Patay na si Jeff”
“Hindi ko alam, Richard. Hindi ko talaga alam” sagot pa niya sa asawa “Ano ba ang nangyayari sa atin…? Sinakto niya na malapit na natin makuha ang deal ng Hidalgo. Mabuti na lang na hindi pa sila nakakarating ng Pilipinas. Kung andito sila siguro ay ika-cancel nila ang kanilang meeting sa atin”
“Tignan mo Jean. Ikaw na ngayon ang hinahabol sa mga kamalasan na ginawa mo noon” sumbat ni Richard “Ito lang ang tandaan mo. Siguraduhin mo lang na makukuha natin ang deal nila. Kung hindi, i-po-pull-out ko ang shares ko dito”
Kaagad tumalikod si Richard sa asawa at lumabas ng opisina. Samantala siya naman ay hindi pa rin makapaniwala sa lumabas na balita laban sa kanya.
***
Katatapos lang ang balita na pinapanood ni Jeff sa kanyang telebisyon sa kwarto. Napangiti ito na parang demonyo sa kanyang mga narinig na balita.
“Talagang maaasahan ka Ben” sabay tingin sa kanyang katabi “Sigurado ako na walang ideya si Jean kung sino ang nagpalabas ng mga baho niya”
“Oo nga eh. Baka nababaliw na siya doon sa opisina niya” sagot niya naman “Kawawang Jean”
“Umpisa pa lang ‘to. Sisiguraduhin ko na sa mga susunod kong mga hakbang ay babagsak na siya sa lupa” sambit ni Jeff.
Napatingin silang dalawa sa pinto nang may biglang kumatok dito. Kaagad namang linapitan ni Ben at binuksan ang pinto.
Nagulat si Ben dahil pumasok ang taong hindi niya inaaasahan.
“Nathan??”
“Bakit Ben?? Gulat ka?”
Hindi siya makapagsalita sa kanyang nakita. Alam na pala ni Nathan na buhay si Jeff. Napatitig na lamang siya sa kanyang amo na parang gusto niyang makahanap ng sagot mula dito.
“Yes Ben. Alam niya na” sagot naman ni Jeff “Nakita niya ako sa baba. Hinabol niya ako dito at pinilit na magsabi. Kaya ito, parte na siya ng mga plano natin laban kay Jean at Alvin”
“Pero paano?? Baka isumbong niya lahat ng mga plano natin”
“Huwag kang mag-alala, Ben. Maaasahan ninyo ako sa mga sikreto ninyo” paniniguro ni Nathan sa kanya
“Pero…”
“Wala nang pero-pero Ben” sambit ni Jeff sa kanya “Magtiwala na lamang tayo sa kanya, okay?”
“Hmmm. Okay. Kung iyon ang gusto mo, Sir. Hindi na ako kokontra”
“Salamat, Ben” at napatingin siya kay Nathan “Bakit ka pala nandito?”
“Napanood ko kanina lang ang balita sa TV” panimula ni Nathan “Ang tungkol kay Jean. Sakto naman na lunch break ko at kaagad ako pumunta dito. Napanood mo ba kanina ang balita?”
“Oo. Napanood ko lahat. Lahat ng mga baho ni Jean ay nalabas na”
Tinitigan niya ng mabuti si Jeff. Pero imbes nagagalit sa balitang napanood niya, masaya pa siya dito.
“Jeff…”
“Yes?” sagot niya na nakangiti pa rin ang mukha
“Magsabi ka nga ng totoo sa akin” sambit ni Nathan “May kinalaman ka ba sa balita na pinalabas kanina?”
“Tungkol sa expose ni Arthur na may laboratoryo ng droga sa ilalim ng gusali? Oo. Lahat-lahat. May kinalaman ako”
“Pero Jeff. Hindi kaya na parang sobra na ‘to??” sabat ni Nathan “Parang below the belt na ang paninira mo sa kanya”
“Oh bakit?? Ayaw mo?” balik na tanong sa kanya ni Jeff “Naaawa ka kay Jean? Nakokonsensiya ka sa mga ginagawa ko sa kanya? Ganon ba yon?”
“Hindi syempre. Ikaw ang mahal ko” sagot niya “Ang sa akin lang…”
“…ano?? May I remind you, Riley. Siya ang dahilan kung bakit tayo nakidnap noon” paalala niya kay Nathan “Siya ang dahilan kung bakit ako binaboy ng mga lalaking iyon sa harapan mo mismo. Natatandaan mo ba yun?? At siya din ang dahilan na muntik na akong mamatay sa pagsabog ng warehouse” sabay tulo ulit ng mga luha ni Jeff nang maalala niya ang mga nangyari noon “Kaya huwag mong sabihin na below the belt na ang mga paninira ko sa kanya. Kung tutuusin ay kulang pa ‘to, sa mga dinanas ko noon sa kanya”
Itutuloy…