Pagkatapos ng huling klase ni Sky ay kaagad siyang lumabas ng silid. Pero sa kanyang paglabas ay naghihintay pala doon si Stephen. Nakita naman ng dalaga at pinuntahan niya ito.
“Stephen. Bakit ka nandito?” bati ni Sky sa kanya “Dito ba ang sunod mong klase?”
“Hindi” sagot nito “Sky…? Pwede ba tayong mag-usap?”
“Hmmm. Sige. Tungkol saan ba ang pag-uusapan natin?”
“Tungkol kanina” sagot ni Stephen “Kung okay lang sana..?”
“Sige. Hindi naman ako nagmamadali” pagsang-ayon ni Sky “Pwede tayong mag-usap”
“Salamat Sky”
Pumayag nga si Sky sa alok ni Stephen sa kanya na ipagpatuloy muli ang naudlot nilang pag-uusap kanina. Nagtungo sila sa may bakanteng upuan at umupo sila doon.
“Ano nga ulit ang pinag-usapan natin kanina?” tanong ni Sky
“Yung tungkol sa, may gusto ako sa’yo??”
“Ahh. Okay. Kala ko kung ano na”
“So…???”
“Anong so??”
“Anong masasabi mo?”
“Wala” sambit ni Sky “Wala akong masasabi sa pag-amin mo sa akin. Kasi hindi pa rin ako naniniwala sa sinabi mo”
“Bakit hindi?” muling tanong niya “Kasi ama mo ang taong muntik sumira sa pamilya namin?” at tumango si Sky bilang sagot “Hindi ba, sinabi ko na sa’yo kanina na wala akong pakialam?? Gusto kita, Sky. Mahal kita. Yon ang importante”
“Mahal?? Akala ko ba ‘gusto’ mo lang ako? Tapos mahal naman ngayon?”
“Oo. Yun ang totoo. Mahal kita” sabay hawak niya sa kamay ng dalaga “Please Sky. Huwag mo naman akong i-busted. Ngayon lang kasi lumakas ang loob ko na sabihin lahat sa’yo ‘to”
“Pero naguguluhan ako, Stephen eh” sagot ni Sky
“Bakit?? Ano ba ang problema?” muling tanong niya sa dalaga “Ikaw? Pareho rin ba ang nararamdaman mo sa akin?”
“What do you mean?”
“May gusto ka rin ba sa akin?”
Ilang minuto din ang pananahimik ni Sky sa tanong sa kanya ng binata “Sa totoo lang?? Meron din akong gusto sa’yo. Pero…”
“Yun naman pala eh. Pareho tayong nararamdaman sa isa’t-isa” sabi ni Stephen na parang lumiwanag ang mata niya sa sagot ng dalaga “Ano pa ang naghahadlang sa’yo?”
“Wala naman. Ang akin lang, baka magalit ang mga magulang mo at ang Nanay-La ko sa atin kung malaman nila”
“E ano naman ngayon kung magalit sila?? Ang importante naman ay ang pag-iibigan nating dalawa Sky at hindi sila”
“Pero hindi mo ako naiintindihan eh”
“Bakit hindi?? Naiintindihan kita Sky. Alam ko ang ibig mong sabihin na nahihirapan ka, pero andito ako para ipaglaban ko ang pagmamahalan natin” pagdidiin pa niya lalo sa kanyang nararamdaman sa dalaga “Mahal kita, okay?”
“Hindi ko talaga alam ang nararamdaman ko ngayon, Stephen. Naguguluhan ako ngayon” sabay siya tumayo “Uwi na ako. Baka hinahanap na ako ni Tita-Mommy sa mansyon”
“Sky naman. Akala ko hindi ka pa uuwi”
“Sorry. Uwi na ako”
Nagmamadali siyang lumakad palabas ng gate ng Unibersidad. Samantala si Stephen naman ay nakatingin lamang sa dalaga na papalayo sa kanyang paningin.
***
Kinabukasan. Nakaupo si Madam Jean sa kanyang upuan. Nag-iisip kung paano matatakasan ang problema na kanyang hinaharap. Ang mga paninira sa kanya ng media.
“Madam” pasok ni Gwen sa opisina nito “Pinatawag niyo po ako?”
“Yes Gwen” sagot nito “Maupo ka”
Kaagad naman siya dumerecho sa bakanteng upuan at umupo dito “Bakit po?”
“May ipapagawa ako sa’yo Gwen” panimula ni Madam Jean “Gusto ko puntahan mo ang istasyon na nanira sa akin kahapon. Bigyan mo ng pera para manahimik na”
“Sige po” pagsang-ayon kaagad ni Gwen sa pinauutos sa kanya
“Salamat, Gwen. Ayaw ko lang kasi na malaman at marinig ng Hidalgo Breweries ang balitang ito” sambit niya “Baka ayaw na nilang mag-invest dito sa atin kapag nangyari iyon”
“Sige Madam. Gagawin ko agad ang pinauutos ninyo. Pero may kaunti tayong problema, Madam”
“Ano yun?”
“Bukas na sila dadating sa Pilipinas. Napaaga ang kanilang pagdating Madam”
“Ano???”
“Opo Madam” pagkumpirma ni Gwen “Tumawag kanina si Mr. Chua na bukas na ng umaga ang kanilang dating”
“s**t” sambit ni Madam Jean “Kapag minamalas ka naman. Kailangan talaga nating makuha ang deal na yon. Pinagbantaan na ako ng asawa ko na i-po-pull-out niya daw ang kanyang shares kapag hindi natuloy” sabay tingin kay Gwen “Kaya puntahan mo na sila doon Gwen. Bayaran mo para tumahimik na sila”
“Yes po. Masusunod”
Kaagad tumayo si Gwen at nagmamadaling lumabas ng opisina para gawin ang inuutos sa kanya ng kanyang amo. Samantala si Madam Jean ay nakaupo pa rin at kinakabahan sa mga nangyayri sa kanya.
***
Nagising si Jeff bandang alas-diyes ng umaga. Naramdaman niya na may tao pala sa kanyang tabi sa kama. Sinilip niya kung sino ang taong iyon at nabigla siya sa kanyang nakita.
“Riley… gising” sabay gising niya sa katabi
Dumilat naman ang kanyang mga mata at kaagad itong bumangon “Oh bakit?” sabay kusot ng kanyang mga mata. “May problema ba Jeff?”
“Wala. Pero ano ang ginagawa mo dito sa kama ko?”
“Natutulog. Siyempre”
“E bakit nga dito ka natulog??”
“Nalasing na ako kagabi eh. Hindi ko na nakayang umuwi” paliwanag ni Nathan kay Jeff “Hindi mo na ba naaalala?? Uminom tayo kagabi diba? Nagcelebrate tayo sa ginawa mo kay Jean”
“Ahh. Okay naaalala ko na”
“Pero Jeff ha. Umiinom ka na pala” dugtong ni Nathan “Nag-iba ka na talaga”
“Well. People change, Riley” sagot ni Jeff “Lahat naman tayo nagbabago”
“Kung sa bagay. May point ka”
“So, ano pa ang hinihintay mo?? Umuwi ka na sa inyo. Baka hinahanap ka ng asawa mo”
“Ayaw kong umuwi”
“Bakit naman?”
“E ikaw ang asawa ko eh” sabay kindat ni Nathan sa kanya
“Naku Riley. Nagpapakyut ka na naman sa akin. Wala ng epek sa akin yan”
“Weh?? Wala na?? Di nga?” patuloy pa rin ang papakyut niya kay Jeff “E ang mukhang ‘to ang nakahuli sa puso mo. Tapos wala na??”
“Ewan ko sa’yo. Ang kapal mo talaga” sambit ni Jeff “Umuwi ka na nga.Baka biglang pumasok si Ben dito. Ano pa ang masabi niya”
“Sige na nga. Sungit naman nito” sabay tayo sa kama “Namiss lang kita eh. Ikaw?? Hindi mo ba ako namimiss?” ngiti ulit ni Nathan sa kanya
“Wala akong time sa mga pinagsasabi mo, Riley. Please. Umuwi ka na”
“Sige. Pero maliligo muna ako” paalam niya “Ang baho ko na eh”
“Haay naku. Bilisan mo na lang”
Nang matapos maligo si Nathan ay kaagad siyang umuwi sa kanilang bahay.
***
Hindi mapakali si Cindy at hindi siya nakatulog buong gabi dahil hindi nakauwi ang kanyang asawa sa kanilang bahay. Nagaalala ito dahil hindi naman siya ganon noon, at kung busy siya sa kanyang trabaho ay nagpapaalam siya agad sa kanya.
Pilit niyang tinatawagan ang asawa sa kanyang telepono pero out-of-coverage ang sagot ng telepono. Doon pa nadagdagan ang kanyang pagaalala sa asawa.
‘Saan ka na ba Nathan?? Bakit hindi ka nakauwi’ sambit ni Cindy sa kanyang sarili habang tinititigan ang kanyang telepono.
Napatingin siya sa may bandang kusina at nakita niya si Nanay Joyce na lumalapit sa kanya. “Anak…” tawag niya kay Cindy “Alam mo ba kung saan natulog si Riley?? Kanina pa kasi ng umaga na hindi ko nakita ang sasakyan niya eh”
“Hindi ko alam” tanging sagot niya sa matanda
“Ganun ba? Nag-aalala na ako sa kanya eh. Baka ano na ang nangyari sa kanya”
Nairita si Cindy sa mga sinasabi ng matanda at lalo pa itong na-praning “Pwede ba?? Kung wala ka namang sasabihin na maganda, tumahimik ka na lang??”
“E kasi anak…”
“Ang sabi ko tumahimik ka!” panduduro niya kay Nanay Joyce “Lalo mo pang dinadagdagan ang pagaalala ko sa kanya”
“Sorry anak. Hindi ko alam”
“Ngayon alam mo na?? Sa susunod na magsasalita ka ng hindi maganda, papalayasin na kita dito. Kuha mo??!!” sigaw ni Cindy sa kanya “Ang problema sa’yo, umaarte ka na parte ka ng pamamahay na ito. Pero hindi naman. Hindi ka kadugo ni Nathan. Nanay ka lang kabit niya!!!”
“Cindy!! Ano yan?? Bakit mo sinisigawan si Nanay Joyce?”
Napalingon siya at tumingin sa pintuan. Sa wakas ay dumating at nakauwi na si Nathan. Biglang lumiwanag ang mukha nito sa galak at kaagad pinuntahan ang asawa at niyakap ito ng mahigpit “Nathan. Mahal ko. Bakit ngayon ka lang?? Nag-aalala ako sa’yo dahil hindi ka umuwi kagabi” yakap niya pa diin sa asawa “Saan ka ba pumunta kagabi after work?”
“Ang tanong ko muna sagutin mo” sabat niya “Bakit mo binabastos si Nanay Joyce?”
“Ha?? Binabastos??” pagmaang-maangan ni Cindy “Hindi ko alam ang sinasabi mo”
“Nay” tawag ni Nathan sa matanda “Binastos ka ba nito?”
“Hindi anak. Nag-usap lang kami ng asawa mo. Huwag kang mag-alala”
“Kita mo… Tama ako. Hindi ka talaga naniniwala sa akin” sabat naman ni Cindy “Mahal na mahal ko talaga ang matandang ‘to. Diba nay?”
“Sinunggaling. Nakita ko kung paano mo dinuduruan ang matanda” sabi ni Nathan “Kaya magsabi ka ng totoo. Bakit siya mo siya ginaganyan?”
“Sorry Nathan. Hindi ko sinasadya, nabigla lang ako”
“Nabigla?? Huwag mo akong pinagloloko Cindy. Kitang-kita ko lahat” sabat ni Nathan “Alam mo, wala naman akong pakialam kung binabastos mo siya eh. You know why?? Kasi ikaw pa rin ang magiging mukhang kawawa dahil binastos mo ang matanda. Sana hindi babalik sa’yo ang ginagawa mo kay Nanay Joyce kapag matanda ka na” sabay lapit niya kay Nanay Joyce at inalalayan papasok sa silid ng matanda.
Habang nasa loob na ng silid ni Joyce ay kaagad pinaupo siya ni Nathan sa kama. Umupo din siya sa tabi ng matanda.
“Nay” panimula ni Nathan “Magsabi ka nga sa akin”
“Ano yun, anak?”
“Binabastos ka ba niya parati tuwing wala ako dito?” hindi makasagot si Joyce sa tanong ni Nathan sa kanya. Parang natutulala lamang ito “Nay. Please. Magsabi ka ng totoo”
“Hindi anak. Mabait na asawa si Cindy. Hindi niya ako binabastos” sagot naman niya kay Nathan “Siguro ang nakita mo kanina ay ang galit niya na nag-aalala sa’yo. Tapos kinulit ko pa siya. Siguro uminit ang kanyang ulo” sabay abot niya sa kamay ni Nathan at hinihimas ito “Huwag ka nang magalit sa asawa mo, anak. Kasalanan ko kung bakit siya nagalit”
“Pero mali pa din, nay. Kasi matanda ka na. Hindi ka niya dapat sinigawan”
Ngumiti na lamang si Joyce sa sinabi ni Nathan sa kanya. Agad niyang inalis ang kamay niya sa kamay ng bata at inilipat ang kamay sa pisngi.
“Alam mo, swerte si Cindy sa’yo, anak. Mabait kang tao at mapagmahal” sambit ni Nanay Joyce “Sana hindi magbabago ang pagmamahal mo sa kanya, anak” hindi sumagot si Nathan sa sinabi ng matanda sa kanya. Nakita ni Joyce na biglang nalungkot ang mga mata ng bata. “Bakit anak? May problema ka ba?”
“Nay… may itatanong ako sa inyo”
“Ano yun?”
“What if na kung buhay si Jeff..? at magbabalik siya dito.. Boto pa rin ba kayo sa akin?”
“Kung buhay siya?? Oo naman. Botong-boto ako sa’yo, anak” sagot ni Nanay Joyce “Pero mahirap yan dahil wala na ang anak ko. Matagal nang patay” sabay paglungkot ng mata ni Joyce
“Sorry po kung binuksan ko muli ang paksang yan. Naalala niyo tuloy siya”
“Wala na yun, anak” tanging sagot niya “Basta mahalin mo lang ang asawa mo. Magiging masaya na rin ako. Parang anak ko na rin ang minamahal mo”
“Sige po nay. Susubukan ko po” at tumayo si Nathan sa kama “Labas po muna ako”
“Sige anak”
Nang paglabas ni Nathan sa silid ni Nanay Joyce ay nandoon pala nakatayo si Cindy. Naghihintay na lumabas ang asawa.
“Galit ka pa rin ba??” sambit ni Cindy sa asawa.
“Hindi”
“Talaga??” at niyakap niya ng mahigpit ang asawa “Basta pangako sa’yo na hinding-hindi ko na aawayin si Nanay Joyce. Nabigla lang kasi ako kanina eh”
“Sana nga totoo ang mga sinasabi mo, Cindy” dugtong ni Nathan “At kung hindi, iiwanan kita”
***
Alas-syete ng gabi. Sa mansyon ni Madam Jean.
Nakaupo silang pamilya at kasama si Sky sa sala habang nanonood ng TV. Inaabangan niya kasi ang balita tungkol sa kanya. Umaasa na babawiin ng istasyon ang mga masasamang balita na sinabi nila kahapon.
“Sigurado ka ba na babawiin nila ang sinabi nila kahapon laban sa’yo?” tanong ng kanyang asawa na may halong pagdududa.
“Oo naman. Siguradong-sigurado ako”
“Sige. May tiwala ako sa sinabi mo”
‘Pinalabas natin kahapon ang mga expose tungkol sa taong kilala natin sa pangalan na Madam Jean. Pero may isang bagong development sa atin pagsisiyasat sa nasabing issue’ napatingin ang mag-asawa sa sinabi ng reporter na bagong development daw ‘Pinuntuhan kaninang umaga lang ang ating istasyon sa hindi kilalang babae, na nagsasabi na sekretarya daw siya ni Madam Jean. Nag-abot siya ng pera para daw sa pananahimik namin at hindi na magsasabi pa ng ano pang balita laban sa kanila. Ano nga ba talaga ang tinatago ng D&T Group of Companies para pilitin kami na manahimik? Totoo nga kaya ang mga aligasyon laban sa kanila? Alamin ang karugtong na report bukas”
Nanlilisik ang mga mata ni Richard sa kanyang asawa nang marinig niya ang balita sa telebisyon. Tumayo na lang ito at umalis sa sala na nagdadabog ang mga paa niya sa galit.
Tumayo din si Madam Jean at sinundan ang nagagalit na asawa.
Itutuloy…