CHAPTER 20

2131 Words

"Oly, sa labas na lang tayo mag-lunch. 'Wag na sa cafeteria hindi masarap ang ulam." "Lalayo pa tayo?" Abala si Oly sa pagkuha ng wallet niya habang si Herl naman ay nag-iisip ng isasagot. Ayaw kasi ni Herl na makita ng kaibigan niya ang pamilya ni Kade. Kanina kasi dapat ay kakain na siya at doon na lang hihintayin si Oly, kaso lang dumating ang mga Cuevas kasama ang babaeng pinagseselosan ni Oly, 'yung Harlene. Imposible namang tinamad silang pumunta sa mamahaling kainan, kaya halatang gusto lang nilang makita ni Oly na kasama nilang kumakain ang babae. Gustong protektahan ni Herl ang kaibigan niya kaya naman pilit niya 'tong inaaya sa labas. "Galing ka sa bahay ni Sir Kade?" Napalakas ang boses ni Herl dahil sa gulat. "Oo, kanina. 'Wag mo namang isigaw." "Anong nangyari?" "Wala."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD