bc

Beauty in her

book_age16+
2.6K
FOLLOW
15.1K
READ
family
forced
opposites attract
CEO
drama
twisted
sweet
feminism
lonely
prostitute
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa isang aksidente, napilitan ang isang accountant na si Oly na sumama sa isang VIP club, kung saan nagtatrabaho ang dalawa niyang ka-roommate bilang stripper. Kailangan ni Oly ng mabilisang pera kaya naman kahit pa takot at nahihiya siya sa napiling desisyon ay pinatibay niya ang kanyang loob kapalit ang malaking perang ipinangako sa kanya. Isang gabing pagsasayaw kapalit ng ilang libo na kailangan niya para sa operasyon.

Doon niya nakilala si Kade, CEO ng kalabang kompanya ng kanyang pinagtatrabahuhan. Walang interest sa mga babae ang binata, sadyang sapilitan lang itong naipunta sa club ng kanyang mga kaibigan dahil sa utos ng sariling magulang. Natatakot silang hindi na mag-aasawa ang binata kaya sila na mismo ang gumagawa ng paraan para makakilala ito ng mga babae.

May chance kayang magkagusto sa isa’t isa ang isang poor girl at rich guy? Hanggang kailan kaya kayang tanggihan ni Oly ang sobrang laking perang binibigay ng mga magulang ni Kade kapalit ang pagpapakasal niya dito?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"Stop pretending, Oly. Alam kong hirap na hirap ka na diyan sa trabaho mo," sumusunod na saad ni Herl sa ka-roommate niyang si Oly. Buong araw itong nagtatrabaho sa isang accounting firm. Laging overtime dahil sa mga naiwang trabaho ng dati pang accountant na pinalitan niya. Napakarami no'n at kahit pa isang taong mahigit na si Oly sa trabaho ay hindi niya pa rin ito matapos. Paano niya nga ba 'yon matatapos? Kung bawat araw ay may bagong tumatambak na trabaho. Hindi pinansin ni Oly ang ka-roommate niyang si Herl. Matagal na silang magkakilala. College friends at kabisado niya na ang ugali nito. Siguradong kapag sumagot pa siya ay may bago itong sasabihin at ibubutas sa trabaho niya. "Bahala ka na nga diyan. Kung ako sa'yo magre-resign na ko," sabi pa nito bago humiga sa sariling kama. Kahit naman gusto na ni Oly na mag-resign ay hindi pwede. May dalawang bata pa siyang pinapaaral. Hindi niya ito mga kapatid, anak ito ng Tita Gwenda niya, ang umampon sa kanya noong mamatay ang mga magulang niya. Hindi siya makapagreklamo kahit pa hirap na siya. May utang na loob pa rin siya dito dahil binigyan siya nito ng bahay na masisilungan. Maagang nagising si Oly, kahit na kumukulo ang sikmura ay inuna niyang maligo. Saka tinignan ang wallet niyang iisang daan na lang ang laman. Nakalimutan niyang napadala niya lahat ng pera niya sa tita niya. Isang linggo pa ulit bago ang sahod. "Oh." Napatingin siya sa cup noodles na inaabot ni Venus, isa sa ka-roommate niya. Nasa itaas ito ng kama nakapwesto at nasa ibaba naman ang pwesto niya. "Ayos lang," nahihiya niyang sagot. "Girl, tanggapin mo na. Ang lakas tumunog ng sikmura mo. Nagising ako," pabiro nitong sagot at initsya sa kanya ang cup noodles bago tumalikod. Napangiti siya at binuksan agad 'yon para lagyan ng mainit na tubig. Habang gumagayak ay hindi niya maiwasang laging tingnan kung luto na ang noodles. Hindi rin kasi siya naghapunan kagabi. Gutom na gutom na talaga siya. Kumakain na siya nang magising si Herl. Umiiling-iling ito sa kanya na tila ba dismayado. Mas hamak ganda kasi ng trabaho ni Herl kaysa sa kanya. Samantalang noong college ay nangongopya lang naman ito sa kanya. Gusto man siyang isama ni Herl sa company nila ay walang bakante. Hindi na siya nagpaabot pa ulit na lumabas si Herl sa banyo. Mas lalo kasi siyang nanliliit sa mga tingin nito kaya inubos niya agad ang kinakain kahit mainit pa at agad-agad na lumabas. Heto na naman, mahabang lakarin at siksikan na mga tao sa daan. Ito ang laging pinagdadaanan ni Oly. Kahit pa malapit lang ang kumpanya sa tinitiran niya ay haggard na siya pagdating sa office. "Good morning, kuya," masaya niyang bati sa guard. "Good morning, Ma'am Oly," sagot naman nito pabalik. Ganito si Oly, hindi niya pinapakita sa mga katrabaho niya na hirap na siya. Tingin nga sa kanya dito ay masiyahin at masunurin dahil never pa siyang nagreklamo. Buong araw siyang hirap. Kahit wala pa siyang katrabaho dahil maaga pa ay sinisimulan niya na ang trabaho. Mas okay kasi 'yon para maka-ahon siya nang konti sa backlogs ng pinalitan niya. Nang mag-uwian, dumaan muna siya sa supermarket, kung saan maraming nagpapa-free taste. Syempre, dapat maparaan ka kapag wala ka ng makain. "Ma'am, kuha ka." Napangiti si Oly habang tinitignan ang mga ham na nasa harapan niya. Kumuha siya ng dalawa at kunwaring tumango-tango na parang nag-iisip. Kahit pa ang totoo ay napakasarap no'n. Pumunta pa siya sa sumunod na booth at kumuha ulit ng dalawa. Tinitignan na siya ng mga sales lady pero wala siyang pake. Basta inikot niya ang lahat ng 'yon at nang mabusog ay umalis na rin siya. Sa apartment na siya uminom ng tubig. "Oly, sakto nandito ka na!" Kunot nuo niyang tinignan si Venus. Kausap nito ang isa pa nilang ka-roommate na si Sunshine, kunsumido ang mukha at para bang natataranta. "No way, bakit siya?" angal nito kay Venus. Hindi pinansin ni Venus ang kasamahan at masayang lumapit lang ito kay Oly. Napaatras si Oly dahil sa mga kakaiba nitong ngiti. "Gusto mo bang kumita ng pera? Ngayong gabi lang," alok ni Venus. Tumanggi agad si Oly na may kasamang mabilis na pag-iling. Alam niya kasi ang trabaho ng dalawa. Ayaw niya sa gano'n. Matino pa ang pag-iisip niya. Stripper ang dalawa sa isang malaking club malapit lang sa tinitiran nila. Magaganda ito, may makikinis na balat at pang model ang mga height. "Sige na, Oly. Wala ka namang gagawin doon. Kulang lang kami." Pamimilit ni Venus sa kanya. "Sorry pero ayoko sa ganyan." "Sasayaw ka lang naman sa gitna magkaka-fifty k ka na." "Huh?" Parang lumaking bigla ang tainga ni Oly sa narinig. "Game ka?" Ngumisi naman si Venus. "Ang laki naman no'n," gulat niyang saad. "May big gig kasi kami ngayong araw. May mga bigating VIP's na pupunta." Hinawakan siya nito sa braso at kinulit-kulit. "Sasayaw ka lang sa stage. Ako ang bahala sa'yo. Hindi naman kita pababayaang mahawakan ng mga lalaki doon. Saka naka-mask naman tayo." Gusto niyang mabulag sa laki ng pera pero mas lalo lang liliit ang tingin niya sa sarili kapag pinatulan niya ang mga ito. "Sorry talaga pero hindi ako pwede," mahina niyang sagot at umiwas na ng tingin habang tinatanggal niya ang kapit ni Venus. "Virgin ka pa ba?" Natigilan siya sa pag-aayos ng kama at dahan-dahang ibinaling ang mukha kay Venus. Taas nuo siyang tumango at naupo na sa kama niya. "True ba? Sayang naman." "Ano ba, Venus? Tara na, humanap na lang tayo ng iba diyan sa labas," aya sa kanya ni Sunshine. "O'siya, sige na, Oly. Ikaw lang kasi ang naisip ko agad dahil alam kong wala ka na diyang pera," dismayadong sabi ni Venus sa kanya. "Salamat." 'Yan na lang ang sinagot niya at nahiga na pagtanggal ng sandals na suot. Hindi niya maintindihan kung bakit may panghihinayang siyang naramdaman nang lumabas na ang dalawa. Fifty thousand, sobrang laking pera para sa isang gabi lang. Hindi, hindi ka gano'ng klaseng babae, Oly. Gumising ka nga! Iniling-iling niya ang ulo hanggang sa matauhan siya. Sinubukan niyang matulog pero ayaw matanggal ng panghihinayang niya. Isang daan. Hanggang saan ba aabot ang pera niya na 'yon? Kinabukasan, napatingin siya sa kama ni Venus. Mukhang naging mahaba nga ang gabi nito dahil hanggang ngayon ay wala pa. "Bakit ba nanghihinayang pa rin ako? Pwede naman akong mangutang kay Herl," inis niyang bulong sa hangin at dahan-dahang hinarap ang kaibigan. Tulog pa si Herl dahil alas-tres pa lang ng madaling araw. Biglang umatras ang dila ni Oly habang tinitignan ang kaibigan. Ilang beses na kasi siyang umutang dito at hindi na pinapabayaran sa kanya. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng hiya. Naligo na lang siya at uminom ng maraming tubig para hindi makaramdam agad ng gutom. Pagdating sa office ay huminto muna siya sandali sa canteen nila. Canteen na akala mo ginto ang tinitinda. "Ano pong bente 'yan? Sa labas nga po, seven lang 'yan," hindi niya mapigilang reklamo habang binababa ang isang crackers. "Edi doon ka bumili. Hay nako, hija. Ang aga-aga pa. 'Wag mong ganyanin ang paninda dito," masungit na sabi ng tindera. Napabuntong hininga si Oly nang talikuran niya ang tinapay. "Ma'am Oly, heto po, oh." "Ay, nako, kuya, ayos lang po ako," gulat niyang sagot dahil sa pag-abot ng janitor sa kanya ng isang crackers. "Sige na po, ma'am. Kaysa bumili ho kayo sa labas." "Bibilin ko na lang po sa inyo," nahihiya niyang sabi. "Hindi na po, ayos lang, ma'am." Umalis na ito nang mailipat sa kanya ang crackers. Biglang nag-init ang mukha niya sa sobrang pagkahiya sa nangyari. Na dahil sa kakuriputan niya ay nabigyan pa tuloy siya ng tinapay ng janitor nila. Hamak laki ng sahod niya dito tapos siya, wala man lang pambili ng tinapay. Halos mamula ang nuo ni Oly kakapalo niya doon habang papasakay sa elevator. "Ay, sorry po," mabilis niyang sabi nang may bumangga sa kanya. Pinulot niya ang tinapay na nahulog at nanahimik na gumilid sa elevator. Hindi niya maiwasang pagmasdan ang likuran ng lalaki. Mukhang masungit dahil hindi man lang siya pinansin na salit na ito naman talaga ang bumunggo sa kanya. Sobrang bango ng pabango nito, mukhang mamahalin ang amoy. Nilanghap niya 'yon nang nilanghap hanggang sa makabisado niya na ang amoy. "Sobrang bango," hindi niya maiwasang sabi at napa-atras nang masungit siyang lingonin nito. "Hmm, sobrang bango," kunwari niyang sabi at itinaas ang crackers na hindi niya pa nabubuksan. Umismid ito nang medyo may pagkasarkastiko at muling bumalik ng tingin sa pinto ng elevator. Halos mahulog ang panga niya sa sobrang kagwapuhan ng lalaki. Sino 'yon? Ngayon niya lang ito nakita sa kumpanya nila. Bumaba ito sa floor kung saan nandoon ang admin. Halos maputol na ang leeg niya kakasunod sa kilos ng lalaki habang sumasara ang elevator. "Gwapo kaso mukhang mayabang," usal niya habang nauupo sa pwesto niya. Nakangiti niyang binuksan at kinagat ang crackers na akala mo napakasarap na fried chicken ito na may makapal na harina. Hindi niya na nga namalayan ang pagka-ubos ng tinapay. Binuksan niya pa nang todo ang supot at nadismaya dahil wala ng laman pero gutom pa siya. Tumayo na lang siya at pinuno ang inuminang dala sa drinking fountain. Habang naglalagay ay muli niyang natanaw ang lalaki. Kusa siyang napangiti nang makita ang gwapong pagngiti nito habang lumalakad mag-isa. Parang may magandang nangyari sa kanya. Siguro ay na-hired siya dito. "What are you staring at?" masungit nitong tanong at nagsalubong agad ng dalawang kilay. Tumulo na ang tubig sa kamay niya kaya inalis niya na ang paa niya sa drinking fountain. Todo ang kaba niya lalo na't hindi maganda ang tingin nito sa kanya. "Huh? Sino 'yan?" Nagkunwari siyang bulag at saka tumawa nang malakas noong makabalik siya sa pwesto niya. "Bwisit, sino ba siya sa akala niya?" inis niyang tanong sa hangin at padabog ng nagtrabaho. Buong araw siyang good mood, natatawa sa sariling kalokohan na ginawa niya noong maga. Nang mag-uwian ay bumili na lang siya ng isaw para sa hapunan. Hindi kasi siya pwedeng bumalik sa supermarket dahil baka makilala na siya. "Hello po," sagot niya sa tawag ng Tita Gwenda niya. Natigilan siya sa pagnguya dahil sa sinasabi nito. "Sige po, tita. Gagawan ko ng paraan," mahina niyang sagot. Isang isaw lang ang nakain niya at nagbayad na sa tindera. Biglang nawala ang gutom niya dahil sa nabalitaan. Naaksidente raw si Gillen, isa sa pinapaaral niya. Na hit and run sa gawing school na pinag-aaralan. "Herl!" sigaw niya agad pagka-uwi ng bahay. "Oh? Bakit? Nag-resign ka na ba?" bored na sagot nito habang minamasahe ang paa. "Herl, may pera ka ba diyan?" taranta niyang tanong. "Bakit? Ano bang nangyayari sa'yo?" kunot nuo nitong tanong sa kanya. Binaba nito ang paa niya at saka nagpamewang na lumapit kay Oly na naghihikahos palapit din sa kanya. "Si Gillen kasi . . . naaksidente. Kailangan nila ng mabilisang pera. Ayaw operahan ng doctor hangga't wala silang dina-down sa hospital," papaiyak niyang kwento. "Totoo ba?" Tumango-tango siya at niyakap naman siya nito. "Magkano ang kailangan?" "Twenty thousand para ipasok siya sa ICU at fifty thousand naman para sa down ng surgery." "Hala, best. Masyadong malaking pera 'yan. Wala akong ganyan kalaki. Kung gusto mo limang libo. Hanggang doon lang ang kaya kong ipahiram sa'yo." Napasaldak siya sa kawalan ng pag-asa. "Wala na rin kasi kong pera. Iisang daan na lang," nakaiyak niyang kwento sa kaibigan. Naaawa man ito sa kanya pero masyadong malaki ang seventy thousand na hinihiram nito. Kahit siya ay walang ganoong kalaking pera. "Bakit ba ikaw na lang lagi ang inaasahan ng tita mo sa mga ganyang biglaan? Wala ba siyang perang naiitago?" asar nitong tanong kay Oly. "Lagi na lang ikaw. Dapat nga umalis ka na rin doon." "Herl, kailangan ko ng pera." "Wala akong maiitulong sa'yo. Limang libo, 'yon lang ang pera ko dito," matigas nitong sagot. "Ayokong mangialam pero kung gusto mo, Oly. Pwede ka pa rin namang sumama sa amin mamaya," sabat ni Venus na nakasilip sa kama niya. "No, hindi," maagap na sagot ni Herl, una pa lang ayaw niya na sa mga ito at ayaw din naman nila kay Herl. "Kaya niyang kitain ng isang gabi lang 'yon." "'Wag niyong turuan 'yang kaibigan ko." "Sige, wala naman kamo kong gagawin doon, 'di ba?" Wala na sa katinuan si Oly. Tumigil siya sa pag-iyak at tinitigan si Venus. "Kung sasama ka lang para sumayaw, hindi mo kikitain ang gano'ng kalaking pera." Pagpaparinig ni Sunshine sa kanya. Abala ito sa pagse-cellphone at sumulyap lang sa kanya para ngumisi. "Ano bang kayang gawin ng isang virgin na tulad mo? Magkakalat ka lang do'n. Baka matanggal pa kami ni Venus dahil sa'yo." "Sunshine!" angal ni Venus. "Tama siya, makinig ka sa kanya, Oly," madiing sabi rin ni Herl. "Kaya mo bang ibenta 'yang katawan mo? Nang gano'n-gano'n na lang?" "Hoy, girl, grabe naman 'yang tingin mo sa amin?" "Bakit hindi ba? Tingin niyo ba maniniwala ako sa inyo na sumasayaw lang kayo doon?" "Herl, tama na. Kailangan ko ng pera." "Pero hindi 'yan ang paraan!" matigas nitong sigaw. "Tatawagan ko sila dad. Itatanong ko kung pwede kang pautangin." "Pero hindi na kayo nag-uusap, 'di ba?" alangan na tanong ni Oly. "Para sa'yo, kakausapin ko siya. Tigilan mo 'yang kabaliwan mo." Dinuro siya nito ng cellphone na hawak at tumayo si Herl para tumawag sa daddy niya. "Herl, 'wag na." Pagpigil sa kanya ni Oly. Yamot siyang tinignan ni Herl. "Tumigil ka sa kagagahan mo, Oly. Hindi ka sasama sa kanila," masungit nitong sagot at nilagay na sa tainga ang cellphone. Tinitigan lang siya ni Oly. Hiyang-hiya na sa kaibigan dahil sa gagawin nito. Noong college pa man sila ay hindi na magka-ayos ang mag-ama. Ayaw ni Herl sa daddy niya dahil sa ginawa nitong panloloko sa mommy niya. Tapos ngayon, dahil sa kanya . . . ibababa ni Herl ang pride niya at manghihingi ng tulong. Napayuko siya habang hinihimas ang kanyang batok. Tinignan niya si Venus na mukhang hinihintay lang ang sagot niya. "Sasama ko sa inyo," mahina niyang sagot sa pagtingin nito. "Okay," nakangiting sabi naman ni Venus at tinignan si Sunshine na umiirap. Hindi naabutan ni Herl ang tatlo. Sa haba ng paghihintay niyang sumagot ang daddy niya ay wala na si Oly. Lalong nakunsumi ito at napapikit na lang para huminahon. Mahalaga kay Herl si Oly, para na niya 'tong kapatid kaya ganito na lang ang pag-aalala niya. ***** Nilinga ni Oly ang paligid. Nasa likod lang siya lagi ng dalawa habang lumalakad. Sobrang ganda ng lugar. Hindi katulad ng nasa isip niya. Engrande ang mga display dito. Hindi rin gano'n kadilim na wala ka ng makikita. Sobrang luwang at medyo tahimik, hindi katulad ng inaasahan niya. "Doon tayo sasayaw mamaya." Tumuro si Venus sa isang malaking stage. "Don't worry, I got you," dugtong nitong bulong sa kanya at tinapik siya sa balikat. "Ang aga niyo naman?" May sumalubong sa kanila na isang lalaki. Mataba ito, naka-suit at may malaking gintong kwintas sa leeg. "Hi, boss." Humalik silang dalawa sa pisngi nito at nakangisi naman 'yong humalik din sa mga pisngi nila. Nag-aalangan na tumingin si Oly sa tatlo dahil sa sobrang pagkailang. "Sino 'yan?" taas kilay namang tanong ng lalaki at pinasadahan siya kaagad ng tingin mula ulo hanggang paa. Binalik nito ang tingin sa mukha ni Oly. Tinatansya ang kilos ng dalaga. "Boss, siya si Oly. Ka-roommate namin siya. Kailangan niya kasi ng pera kaya sinama namin dito. Eh, 'di ba kulang ka pa ng tauhan? Kahit ngayong gabi lang, boss," masuyong sabi ni Venus. Muli siya nitong binalikan ng tingin. Nasindak siya dahil mukhang hindi siya gusto nito. "Mukhang mahinhin. Saka masyadong balot kung manamit." "Boss, ako na ang bahala sa kanya. Magpapalit naman kami mamaya," sagot ulit ni Venus. "Okay, sige. Basta ikaw ang bahala sa kanya. Babalik mamaya dito sila Mr. Mendoza kaya 'wag niyo kong ipapahiya." Tumalikod na ang lalaki sa kanila. Excited naman siyang hinila ni Venus sa isang maliit na kwarto sa likuran ng stage. "Venus, siguradong matatanggal tayo kapag pumalpak 'yang si Oly," reklamo ni Sunshine. "Bakit ba kanina ka pa nagrereklamo? Baka nakakalimutan mo. Ako rin ang nagpasok sa'yo dito at hindi naman kita ginanyan." Hindi na nakasagot pa si Sunshine. Matalim niyang tinignan si Oly na natigilan sa pagsalat sa isang malambot na bagay. "Tinitignan ko lang," alangan niyang sabi nang irapan siya ni Sunshine. "Sorry!" habol niyang sigaw pero nagtuloy-tuloy ito palabas ng kwarto. "Sa kanya ba 'to?" tanong niya kay Venus. "'Wag mo 'yong alalahanin. Gano'n lang talaga si Sunshine," nakangiting sagot ni Venus. "Okay lang, naiintindihan ko naman siya." "Sabi ni Boss, ten k lang daw ang starting mo. Wala ng idadagdag pa do'n," masungit na sabi ni Sunshine nang bumalik ito. "Akala ko ba—" "Ten thousand plus 'yung perang ibibigay sa atin mamaya," sagot agad ni Venus sa akma niyang pagsasalita. Biglang nangamba si Oly. Na para bang nagdadalawang isip siya sa gagawing kahihiyan. Pero paano pa siya aatras ngayon? Nandito na siya at ginawa pa ni Venus ang lahat para lang makasama siya ngayong gabi. Walang kibong nakiramdam na lang si Oly. Inabutan siya ni Venus ng isang malaswang isusuot na lalo niyang ikinakaba. "Ano pang hinihintay mo? Ginusto mo 'yan kaya isuot mo na," masungit na saad naman ni Sunshine habang may inaabot na make-up sa tabi niya. "Pagkayari ng gabi na 'to, 'wag kang mandidiri sa sarili mo. Kasalanan mo naman kung bakit ka nandito ngayon," mahina nitong dugtong at abala na sa paglalagay ng kolorete sa mukha. Bumaling ng tingin si Oly kay Venus. May kausap itong lalaki sa gawing pinto. Tumingin ito sa kanya na mabilis niyang iniwasan ng tingin. "Mukhang may kukuha agad sa'yo ngayong gabi." Ngumisi nang kakaiba si Sunshine kaya natakot siya. Hinawakan nito ang balikat niya nang sobrang diin at lumapit sa kanyang tainga. "Nasasaktan ako," mahina niyang angal. "'Wag kang naniniwala kay Venus. Magagaya ka lang sa akin," bulong nito at inirapan na siya paalis. "Oly," biglang tawag ni Venus sa kanya. Halos lumundag ang puso ni Oly. Lalo na't dumagdag pa sa kaba niya ang binulong ni Sunshine. "Oly, may sasabihin ako sa'yo." Masayang lumapit sa kanya si Venus. "May VIP kaming customer na nakakita sa'yo kanina. Gusto ka niyang rentahan ngayong gabi." "Pero sabi mo.." Napatakip agad si Oly sa katawan niya. Mahina naman siyang tinawanan ni Venus. "'Wag kang mag-alala. Sasayawan mo lang sila. Pero sa kwarto lang sa itaas. Mas okay 'yon, 'di ba? Sila lang ang makakakita sa'yo." Kumislap ang mga mata nito na para bang hindi totoo ang sinasabi niya. Kaya muling napabaling si Oly kay Sunshine na umiiling ngayon sa malayo. "M-mas okay na ko dito. Sa-saka mas gusto kong naka-mask," utal na sagot ni Oly. "Magma-mask ka rin naman mamaya." "Pero nakita na nila kamo ang mukha ko." Nakangiti siyang niyakap ni Venus. Biglang natakot si Oly sa nangyayari. Na para bang bigla siyang nawalan ng lalabasan sa lugar na ito at si Venus lang ang nasusunod. "Makinig ka, Oly. Pwedeng ako ang magsayaw doon kung ayaw mo. Pero binibigay ko 'to sa'yo dahil malaking pera ang ibinayad nila kay boss. Fifty thousand agad ang hati mo," mahina nitong bulong. Lumakas ang t***k ng puso ni Oly at natulala siya dahil sa narinig. Umalis na sa pagkakayakap si Venus at muli siyang tinignan nang nakangiti. "Kapag pumayag ka na. Ibibigay agad sa'yo ni Boss 'yung bayad."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
73.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook