CHAPTER 2

3593 Words
Hindi malaman ni Oly ang kanyang gagawin. Pagpasok pa lang sa madilim na kwarto ay kabang-kaba na siya. Sa isip niya ay parang hindi naman totoong magsasayaw lang siya dito. Hindi pa siya handang ibigay ang sarili niya. Napahawak tuloy siya sa suot niyang robe habang patuloy ang puso niya sa pagtibok ng sobrang bilis. Ngayon, wala na talaga siyang mapapakitang mukha kay Herl. Mukhang tama ang kaibigan niya mula noong una pa lang. Dapat talaga matagal na siyang nag-resign sa trabaho niya at humanap ng magandang trabaho na may magandang sweldo. Kung sinunod niya lang sana si Herl, sana wala siya dito. Wala pang tao kaya nanahimik si Oly habang nauupo sa kama. Gusto niyang pagsasampalin ngayon ang magkabila niyang pisngi para magising siya sa kahihiyang gagawin. Kung bakit kasi ang hirap kumita ng pera? Halos mahulog siya sa kama habang nililingon ang pinto. May pumasok na sa kwarto, isang lalaki na nakasuot ng halatang mamahaling suit. Matangkad ito, sakto lang ang pangangatawan at mukhang medyo kaedaran niya lang. Nakatalikod pa rin ito sa kanya at nakahawak sa pintong nakasara na kanina pa. "Tumalikod ka," biglang malamig nitong utos sa kanya. Dahil nga sa sobrang takot at kaba ay agad na napasunod si Oly. Muntik na siyang ma-out of balance dahil sa mabilis na pagtayo at pagtalikod sa lalaki. Humarap siya sa gawing kurtina ng kwarto para may pangtabing kahit papaano sa kanyang katawan. "How much did they pay you?" tanong ulit ng lalaki sa stress na tono. Hindi siya makasagot. Mas lalong lumakas ang t***k ng puso niya na tila ba sasabog na 'to dahil sa hindi niya inaasahang mangyayari dito. Nanginginig na hinawakan ni Oly ang silky robe niyang suot at mas pinagdikit ito sa dibdib niya. "Tinatanong kita," masungit nitong dugtong. Napalunok si Oly nang sunod-sunod. "F-fifty," utal niyang sagot. "Fifty?" Tumawa naman ang lalaki nang may pagkasarkastiko. "They only paid you fifty thousand for all this?" may pagka-disappointed nitong ulit bago lumakad palayo sa pinto. "Sir?" subok ni Oly. "What did I tell you?! Sinabi ko na bang pwede kang humarap?!" Nahinto agad si Oly sa tangka niyang pagharap. Mas natakot siya dahil sa nanggagalaiting boses ng lalaki. "Do what I said and don't worry, I will double what they paid you. Just stay there and don't f*****g move." Nagsisisi na si Oly. Gusto niya na lang lumabas dito ngayon at sabihin sa tita niya na wala siyang nagawang paraan, na hindi niya mapapa-operahan ang pinsan niyang si Gillen. "Tsk, slut." Rinig niyang sabi ulit ng lalaki na may halong pangmamaliit. Mas lalo tuloy siyang nanliit sa sarili niya. Hindi naman siya ganitong klaseng babae. Nagkataon lang talagang kailangan niya ng pera. Tumunog ang kama hudyat na umupo o humiga na doon ang lalaki. Hindi niya alam ang gagawin. Ano ba ang ibig sabihin ng lalaki na 'yon sa sinabi niya? Bakit kailangan niyang tumayo lang sa isang gilid nang nakatalikod? Pinagmamasdan niya ba ang katawan ni Oly? Sobrang gulo na ngayon ng isip niya. Gigil na ang hawak ni Oly sa robe at naiiyak na rin ang mga mata. "Just follow my order! Damn, Henry! I'm your boss, hindi sila!" Napapikit si Oly dahil sa matitinding sigaw na pinakawalan ng lalaki. Kabang-kaba na talaga siya at mukhang masama pa ang ugali ng lalaking 'to. "f**k!" sigaw nito ulit at kunsumidong nahiga sa kama. Ilang minuto na rin ang lumilipas. Nangangawit na ang mga binti ni Oly dahil sa matagal na pagtayo pero siguro mas okay na 'yon kaysa galawin siya ng lalaking 'yon. Pinagdarasal niya na lang ngayon na sana ay matapos na 'to. Nawala ang kaba niya nang maramdamang walang planong masama sa kanya ang lalaking kasama niya. Gusto niyang sumulyap para magpaalam na, pero natatakot siya. "Sir?" lakas loob niyang salita. "What?" masungit na sagot naman nito at tinignan siya. "Ahm, pwede na ba kong umalis?" alangan na tanong ni Oly. Nahinto si Kade sa pagte-text sa secretary niya. Taas kilay niyang tinignan ang babae na halos makalimutan niya ng kasama niya sa kwarto. "Gusto mong umalis?" taka niyang tanong. Ito yata ang unang beses na may babaeng gustong umalis sa tabi niya. Kung sabagay, kanina niya pa napapansing kakaiba ito sa mga babaeng nasa ibaba. Tahimik at hindi siya nilalandi. Nakasuot ito ng kulay pulang silky robe, nakalugay ang buhok at may maskarang itim sa mukha. "Bayad ka na kaya bakit aalis ka diyan?" "Nangangawit na kasi ko at kalimutan niyo na 'yung ibabayad niyo sa akin. Gusto ko ng mag-back out." "Bayad ka na, hindi ba?" "Ibabalik ko na lang po," parang takot nitong sagot. Sa totoo lang, napilit lang dito si Kade. Napagkaisahan siya ng mga kaibigan niya, na balita niya kay Henry na inutusan daw ng sarili niyang magulang. Twenty nine years old na si Kade. Natatakot ang mga magulang nito na hindi mag-asawa ang binata. Dahil wala itong kahilig-hilig sa babae at kahit pa may nakahubad na sa harapan nito ay iniirapan lang niya. "Bago ka dito?" Pakikipag-usap niya sa babae. "Yes, sir." Tinikom ni Oly ang bibig niya agad nang manginig ito sa takot. Masyadong malalim ang boses ng lalaki na nagbibigay sa kanya ng takot. "Aren't you ashamed of yourself? Kung sino-sino lang na lalaki ang dumadaan sa'yo. Nakakadiri ka." Tumagos sa puso ni Oly ang sinabi ni Kade. "Grabe ka namang magsalita, hindi ba nandito ka rin naman para tumikim ng babae?" pikon pero mangiyak-ngiyak na sagot ni Oly. Napatawa naman si Kade sa tapang ng kasama niya. Naaaliw siya dahil ngayon lang may lumabang babae sa kanya. Siguro ay dahil hindi pa siya nito nakikita. Pinagtripan niya muna ito habang naghihintay ng tawag ni Henry. Inunan niya ang isang kamay niya at tinukod ang siko sa kama para maharap ang babae habang nakahiga. "Wala kang karapatang sumagot nang ganyan. Slut ka lang na binayaran nila para pasayahin ako. Hindi ka ba nahihiya sa pamilya mong ganyan ka?" "Ikaw din naman, wala tayong pinagkaiba. Tumitikim ka ng iba't ibang babae. Hindi ka rin ba nahihiya sa mga magulang mo?" Talagang naaaliw na siya dito kaya tumayo na siya. "Hindi, dahil sila pa mismo ang nagdala sa akin dito. Sila ang nagbayad sa'yo," nakangisi niyang sagot habang sinisilip sa tagliran ang babae. Diretso lang ang tingin nito. Nakahawak ito sa robe niya at nanginginig ang kamay na tila ba parang kinakabahan. Lalong nangiti si Kade. Hindi siya nakikita ni Oly na nakasandal na sa pader at nakatitig sa kanya. "Mukhang natatakot ka." Mapang-asar na lumapit si Kade kay Oly. Hinawakan niya ang buhok nito at nilagay sa balikat. Napalitan ng pagka-curious ang takot ni Oly. Tanda niya ang amoy na 'yon pero hindi niya ito masigurado dahil nakatalikod siya at maraming mayayamang tao dito na kayang bumili ng gano'ng klaseng pabango. "Nagbago na ang isip ko, pwede ka ng humarap," utos nito na mabilis namang sinunod ni Oly. Curious din siya sa mukha ng lalaki. Habang umiikot siya ay namamangha na siya dahil sa mukha nito. Siya nga, tama siya. Siya 'yung lalaki kanina sa company nila. 'Yung gwapong lalaki na sinindak siya. Tinapunan siya ng tingin ni Kade mula ulo hanggang paa. Naningkit ang mga mata ni Oly, hindi siya makapaniwalang ganitong klaseng lalaki ang nakita niya kanina. Sa gwapo nito, kahit nga hindi siya pumunta ng bar ay may makukuha siyang babae. Babaeng desente at malinis. Hindi katulad ng mga babae dito sa club. "Ngayon ka makipagtalo sa akin. Ilang lalaki na ba ang dumaan sa'yo?" Ngumisi ito at talaga naman! Nagtitimpi na lang si Oly na tadyakan siya sa pinakaiingatan niyang p*********i. "Ikaw, ilang babae na ba ang nakuha mo? Gwapo ka nga pero wala kang modo," inis niyang balik ng tanong kay Kade. Napatawa si Kade dahil sa sinabi niya at tumango-tango na may halong pagkamangha. Hindi nag-iba ang pagsagot ng babaeng ito kahit nakita na ang gwapo niyang mukha. "Mister, tapos na ko dito. Gusto ko ng umalis. Ibabalik ko na lang ang binayad ng magulang mo sa akin," palabang sagot ni Oly. Nilampasan niya si Kade na hindi siya pinayagang makaalis. Naaaliw na ito sa kanya. Hinawakan siya nito sa braso at pagkatapos hilahin ay hinapit siya nito sa bewang. "Pinayagan na ba kitang umalis?" "Bitiwan mo nga ako. Wala sa usapan namin sa ibaba na pwede mo kong hawakan." Tinulak ni Oly si Kade na talaga namang namamangha na sa kanya. "Bayad ka. I can do whatever I want," nakatawang sagot ni Kade. "Bayad ako dito para sumayaw lang at hindi para insultuhin mo nang paulit-ulit," inis na sagot naman ni Oly. Parehas silang nagtitigan na para bang may kuryenteng naglalaban sa pagitan ng mga mata nila. Natalo si Kade at mapait na napangisi. Kagat labi siyang nagpamewang habang si Oly naman ay kanina pa tinitignan ang pinto. Gusto niya ng tumakbo palabas at magsisisigaw kaso magmumukha siyang tanga no'n. Biglang nag-ring ang cellphone ng binata na nasa kama ngayon. Nilampasan ni Kade si Oly at sinagot ang tawag. "Anong hanggang umaga sila diyan? Mga baliw ba sila?" pikong sagot ni Kade sa kabilang linya. "s**t naman! Gusto ko ng makalabas dito!" reklamo pa nito na nagpaliwanag sa mukha ni Oly. "Gusto mo na ring lumabas dito?" sabat niya na ikinatingin ni Kade. Ibinaba ni Kade ang tawag at hinarap si Oly na nakangiti sa kanya. "Anong ngiti 'yan?" taas kilay nitong tanong. "Narinig ko kasing gusto mo lang ding makalabas dito. Tutulungan kita kasi gusto ko na ring lumabas," tuloy-tuloy niyang sabi kay Kade. Pinilit niyang kumbinsihin ito kahit pa kinakabahan siya dahil sa biglaang pagtitig sa kanya ng lalaki. "Kanina 'yon. Hindi na ngayon," sagot nito sa kanya at nagulat siya nang hilahin siya ng binata. Hinalikan siya nito kaya namilog ang mga mata ni Oly. Umalma siya dahil first kiss niya 'yon pero sobrang higpit ng kapit sa kanya ni Kade. Hawak siya nito sa batok at bewang. Naiiyak na siya. Hindi ito ang pinag-usapan nila ni Venus. "I will increase what they paid you. Kiss me back," masuyong utos ni Kade. Hindi niya mapagtanto pero parang may biglang sumanib sa kanya. Ngayon niya lang 'to naramdaman na para bang gusto niyang angkinin ang babae ngayon na yakap niya. Napasinghap si Oly. Hindi kita ang luha sa mga mata niya dahil sa maskarang suot niya ngayon. Nahihilam na siya ng sariling luha pero hindi niya ito matanggal dahil sa lalaki. "I said, kiss me," madiin ng utos nito sa kanya. Tinapunan siya ng masamang tingin ni Oly habang pilit pa ring kumakawala sa yakap niya. "Please, pakawalan mo na ko. Ibabalik ko na talaga 'yung binayad nila." Mas lumakas ang iyak ni Oly kaya narinig na ito ni Kade. Nagulat siya at kusang pinakawalan ang dalaga. Akmang tatanggalin niya ang maskara para punasan ang luha ni Oly nang umatras ito lalo palayo sa kanya. Nababaliw na yata siya pero habang tinititigan niya ang babae sa harapan niya ay mas lalo niya 'tong gustong makuha. Wala pang ginusto si Kade na hindi niya nakuha. What he wants, he gets. "All right, I'm sorry. I will not force you anymore. Just help me get out of here," malumanay niyang paumanhin. Tinitigan siya ni Oly, mukhang seryoso ito sa paghingi ng tawad kaya tumango si Oly at tumalikod para punasan ang luha niya. Binalik niya agad ang maskara niya para hindi siya makilala. "Sumunod ka." "Can I hold your hand maybe? Just in case we get caught outside. Just you know, plan b." Napakunot ng nuo si Oly pero hinayaan niyang hawakan ni Kade ang kanyang kamay. Hinila niya muna ang binata sa dressing room at pasimpleng nilagay sa supot ang mga damit niya kanina. Saka sila tumuloy sa labas ng kwarto. Napatigil siya nang tumigil din ang binata. "Hindi ako pwedeng dumaan diyan. Makikita nila ko." "Dito," seryosong aya ni Oly sa kanya. Hinawakan ulit ni Kade ang kamay ni Oly. Dumaan sila sa likuran ng club kung saan employees lang ang gumagamit sa pinto na 'yon. Napunta sila sa gilid ng building. Panay basura at sobrang dilim. "Thank you," nakangiting sabi ni Kade. "Pwede mo nang tanggalin ang maskara mo. Nasa labas na tayo," mapanglinlang niyang dugtong. Naramdaman 'yon ni Oly kaya naman hindi niya tinanggal ang maskara. Pinauna niyang lumakad si Kade at pamaya-maya pa ay tinakasan niya na ito. ***** "Galit ka pa rin ba? Herl, sorry na. Hindi ko naman ginusto 'yon. Saka wala namang nangyari sa amin," patuloy na panunuyong sabi ni Oly sa kaibigan. Sinabi niya dito ang lahat dahil hindi niya napigilang yakapin ito nang makarating siya noong gabi at maiyak dahil sa nangyari sa kanya. Kinakaladkad ngayon ni Herl lahat ng gamit nilang dalawa. Ang sabi nito ay mas mabuti pang humanap na lang sila ng pribadong tirahan. 'Yung silang dalawa lang para hindi na ito naaaya sa kung saan. "Herl, pansinin mo naman ako. Ako na ang magdadala ng mga gamit ko!" pagod na sigaw ni Oly. Dalawang backpack at dalawang malaking maleta ngayon ang bitbit ni Herl. Hindi niya alintana ang hirap dahil mas okay sa kanyang mailayo agad ang kaibigan sa Venus na 'yon. "Hindi ako pwedeng lumayo sa company ko. Dito na lang tayo sa medyo malapit," angal ulit ni Oly. "Oo na nga, 'di ba? Ano pa bang ginagawa ko? Naghahanap ako, 'di ba?" pikong sagot ni Herl habang nagtitingin sa cellphone niya. "Herl, wala namang nangyari sa amin." "Pero hinalikan ka niya. Nagpahalik ka sa lalaking hindi mo kilala." "Pwede ba? 'Wag mo ng banggitin pa 'yon." "Bakit hindi? Dahil nayayamot kang nakuha lang ng hindi mo kilalang lalaki 'yung first kiss mo?" "Oo na, Herl. Ikaw na ang may magandang first kiss," sarkastikong sagot ni Oly. "Bibili na nga muna ko ng maiinom." "'Yung mamahalin ang bilin mo. Afford mo naman, 'di ba?" "Herl!" angal niya habang nasa malayo na at papasok sa isang coffee shop. Ngumisi lang ang kaibigan niya at muling bumalik sa paghahanap ng apartment sa cellphone. Kanina pa namimili si Oly sa harapan ng cashier. Walang mura sa bilihin na nasa harapan niya. Nahihirapan tuloy siyang mamili. Isang libo lang ang tinira niya sa perang kinita niya noong gabi at pinadala na ang lahat sa Tita Gwenda niya. Hindi niya na 'yon binalik dahil hinalikan naman siya ng lalaking 'yon. Hay, kapag naiisip ni Oly ang nangyari bigla na lang siyang nanggigigil nang wala sa oras. "Ma'am, wala papo ba kayong napili?" parang natataeng tanong na ng cashier. "Okay lang po bang si Sir muna?" Nahiya si Oly kaya naman humakbang siya pagilid at muling bumalik ng tingin sa menu sa itaas. "One iced latte," order ng lalaki at napahinto si Oly sa pag-iisip nang maamoy ang pamilyar na pabango na 'yon. Agaran niyang nilingon ang lalaking katabi niya ngayon sa cashier. Abala itong naglalabas ng pera kaya nagkaoras siyang siguraduhing 'yon nga ang lalaki kahapon. Gusto niyang umatras kaso tumingin na sa kanya 'yung cashier. "May nipili na po kayo, ma'am?" Magsasalita na sana siya nang mapansin niya ang pagtingin ni Kade. Napalunok si Oly at nagkunyaring pipi. Ngumiti siya sa babae at kunyaring sinalat ang leeg niya. Tumuro na lang siya sa maliit na menu na binigay ng babae at saka gumilid sa gawi ni Kade. Sinusubukan niyang huminahon. Biglang nanginig ang kamay niya sa kaba kaya tinago niya agad 'yon sa bulsa ng jacket niyang suot. Hindi niya maiwasang titigan ang lalaking humalik sa kanya kahapon. Kasi kung titingnan ay parang matino naman itong lalaki. Maayos manamit, desenteng tingnan at mukhang mataas ang pinag-aralan. "Ang tagal mo naman." Tarantang napalingon si Oly sa kaibigan na hila-hila ngayon ang bag nila. "May nahanap na ko. Malapit lang dito," lumalapit na sabi nito at natigilan nang matingin sa kanila ang lalaki. "Oh, good morning po, President Kade," magalang na sabi ng kaibigan. Napalaki ng mga mata si Oly sa kanyang narinig. Hindi pinansin ng lalaki ang kaibigan niya at umalis lang pagkayaring makuha ang order. "Kilala mo 'yon?" tanong agad ni Oly na may kasamang maraming pagtapik. "Ang gwapo, 'no?" tuwang-tuwang sabi naman ni Herl. "Kilala mo nga?" "Oo naman, president namin 'yon." "President?" Halos malaglag na ang panga niya. "Oo, kaso sabi nila bakla raw. Ewan ko lang din, may mga lalaki namang hindi talaga mahilig sa babae, 'di ba?" sagot nito. "Hoy, ayon na raw 'yung order mo. Hay, ako na nga." Kinuha ni Herl ang dalawang strawberry frappe na inorder ni Oly at takang binalikan ng tingin ang kaibigan. "Type mo ba si President?" "Huh?" "Maraming babaeng humahabol do'n. 'Wag ka nang dumagdag. Tatanda ka lang na dilat ang mata," pabiro nitong sagot. Parang natuluyan nang maging pipi si Oly. Hindi na siya nakakibo pa dahil sa tuloy-tuloy na pagkukwento ng kaibigan niya tungkol sa lalaki na 'yon. Hanggang sa makarating sila sa bago nilang uupahan ay dumadaldal ito. Na hindi niya naman pinaniniwalaan. Hindi niya lang masabi kay Herl, na iyon ang lalaking sumunggab sa kanya sa club. "Sa akin na ang tatlong libo tapos dalawang libo na lang ang share mo dito," saad ni Herl. "Sure ka?" nakokonsensya niyang tanong. "Oo, baka mamaya pumasok ka na naman sa club. Tapos matuluyan ka nang maging stripper. Edi konsensya ko pa." Umirap ito at nagtungo na sa isang kwarto. May naupahan silang isang apartment. Nasa third floor 'yon ng building, may dalawang maliit na kwarto, maliit na banyo at maliit na kusina na nakasama sa maliit ding sala. Pwede na para sa kanilang dalawa. At least ngayon ay may privacy pa sila sa isa't isa. Mark Kade William Cuevas. Tsk, kahit anong ikwento sa akin ni Herl. Hindi na magbabago ang tingin ko sa'yo. Kagalang-galang na presidente. Utot mo. Napairap si Oly habang nakatitig sa kesame ng bago niyang kwarto. Sakto lang ang laki ng kama niya sa space ng kwarto at nakalagay naman ang mga gamit niya sa katapat na maliit na cabinet. Sa pagod ay nakatulog siya nang mahimbing at hindi nagising sa alarm ng cellphone. Mabuti na lang at linggo ngayon, walang pasok. ***** Kanina pa hindi mapakali si Henry, secretary ni Kade. Five years na kasi siyang secretary ni Kade pero ngayon niya lang nakitang ganito ang binata. Sanay na siya sa mga nag-aalab nitong mga mata, masungit na pananalita at madalas na pagmumura pero ang humanap ng babae. Ngayon niya lang yata 'yon narinig o baka nananaginip lang siya ngayon. "Excuse me, nandiyan ba ngayon si Mr. Austin?" magalang na tanong ni Henry sa isang staff ng bar. "Yes po, sino po sila?" "May gusto lang sana kaming itanong sa kanya regarding sa isa niyong employee dito na nakasama ng boss ko noong isang gabi." Nilingon ni Henry si Kade na tahimik pa rin at nauupo lang ngayon sa isang pwesto. "Mr. Cuevas, hi. Anong maipaglilingkod ko sa inyo?" bibong tanong ni Austin habang lumalapit sa dalawa. "May hinahanap kaming babae. Nakasama siya ni President Kade noong nakaraang araw," sagot ni Henry at pumwesto sa likuran ng amo niya. "Babae? Anong pangalan?" Nakangiting napapikit si Kade. Kabisado na siya ni Henry kaya naman hinawakan niya si Kade sa balikat na akma sanang tatayo. "President, ako na ang kakausap sa kanya," maagap na sabat ni Henry at bumaling kay Austin. "Sir, kaya nga po namin sa inyo hinahanap dahil hindi namin makuha 'yung pangalan niya. Naaalala niyo ho ba sila Mr. Mendoza? Friends of my boss. Sila po ang nagbayad sa babae na 'yon for about a hundred fifty thousand." "Ah, okay. Natatandaan ko na," sagot ng lalaki na tila ba nag-iisip. "Teka lang, Venus!" biglang sigaw nito sa babaeng may kausap na lalaki. Kinawayan niya ito at pinalapit. "Yes, boss?" malanding sagot nito at nginisihan nang mapang-akit si Kade. Inirapan niya ito at hindi pinansin. "Tinatanong nila kung anong pangalan ng dinala mo dito noong nakaraan." "Si Oly? Bakit po?" gulat nitong tanong. "Oly, what?" Tumayo si Kade at lumapit sa babae. "Interesado ka rin sa kaibigan ko?" Pinigilan niya agad ang kamay nito nang akmang hahawak sa balikat niya. "Ang sungit naman pala," napahiyang sabi ni Venus habang nililingon ang boss niya at si Henry. "Miss, bakit wala na dito 'yung Oly?" tanong ni Henry. Binitawan naman ni Kade ang kamay ni Venus at medyo lumayo nang konti. Naghalukipkip siya at nakinig na lang. "Ah, kasi hindi naman talaga siya nagtatrabaho dito. Isang gabi ko lang siya pinasok." "Pwede mo bang ibigay sa amin 'yung address niya?" "Ay, sorry ha? Natakot yata kasi siya noong nakaraan. Pagkauwi ko sa dorm, wala na siya. Pati na 'yung maldita niyang bff," maarte nitong sagot. "Her number? Mayroon ka naman siguro." "Wala rin, e." Umiling si Venus at saka tumingin kay Kade. "Bakit niyo ba siya hinahanap? Isang gabi lang naman siya dito pero mukhang mabili siya, ah." "Siya ang nakasama ng kaibigan mo sa kwarto," sabat ng boss ni Venus. Nagulat si Venus at namangha na may kasamang pagtawa. "Wow, magaling ba siya sa kama kaya mo hinahanap?" Napikon na si Kade kaya tumalikod na siya. "Thank you, Ms. Venus and Mr. Austin," alangang nagmamadaling sabi ni Henry at tumakbo na pasunod kay Kade. "Ibang klase, sabi niya sa akin, virgin pa siya pero mukhang magaling naman na siya sa kama para balikan ng lalaki, 'no boss?" "Sayang 'yung kaibigan mo. Mukhang nagustuhan siya ng lalaking 'yon." "Malaki ba 'yung kumpanya niyan?" "Oo, hindi mo ba alam? Kaso hindi ko type 'yung ugali niya." "Hala, boss. Bakit kasi si Oly pa 'yung kinuha mo no'n? Dapat ako na lang." Nakahinto lang si Kade mula sa malayo pero rinig niya pa rin ang usapan ng dalawa. "President?" Takang huminto rin si Henry nang makalapit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD