Maagang umalis si Kade para pumasok sa opisina. Kasabay niya sa pag-alis ang daddy niya na may meeting din nang maaga. Hindi ko alam ang gagawin. As in, wala akong idea. Magkukulong na lang din ba ko sa kwarto namin katulad ng ginawa ko sa mansyon ni Lola? Bumuntong hininga ako, napahawak ako sa sintido ko habang umuupo kami ni Sophie sa magara nilang sofa sa may sala. Kanina ko pa pinagmamasdan ang mommy ni Kade. Paikot-ikot siya sa buong bahay nila. Hindi mapakali at kung ano-anong inuutos sa mga kasambahay nila. Heto nga at nahihilo na ko kakasunod ng tingin. Habang si Sophie naman ay mukhang tuwang-tuwa pa habang kagat ang isang laruan. "Ate, ate!" habol ko sa isang katulong nila na dumaan sa harapan ko. "Ano pong meron ngayong araw?" tanong ko nang aligaga siyang huminto. "Magka

