FLASHBACK What Kade wants, he gets. Napapikit siya dahil sa pumasok sa kanyang isip. Binitawan niya ang hawak niyang computer mouse saka siya bahagyang sumandal sa kanyang swivel chair. Hindi mawala sa isip niya ang nangyari. Siguro nga kagaguhan 'tong ginawa niya. Hindi niya naisip na pwedeng mawala sa kanya si Oly. "Sir, handa na po ang sasakyan." Iminulat ni Kade ang kanyang mga mata saka tinignan ang kanyang secretary na si Henry. Ilang araw na siyang wala sa mood. Ayaw niyang pumunta sa big meeting pero hindi niya matiis na tapusin ang plano niya. Kapag hindi siya pumunta, siguradong makakahalata ang kanyang mga magulang. Bukod sa mawawala sa kanya ng tuluyan si Oly ay siguradong mawawala rin sa kanya ang lahat. "Manganganak ka na, right?" Tumigil si Kade sa pagpasok sa meeting

