"Dito na ba kayo? Hindi na ba kayo aalis?" mahinang tanong sa akin ni Kade. Yakap niya ko mula sa likuran habang nakahiga na kami sa kama. "Disappointed ka pa rin ba na hindi pa kita naaalala?" "Hindi naman." Mas sumiksik siya sa batok ko. "I told you I can't remember our memories, but I remembered my feelings for you." "Wala naman na kong sinabi, Kade," sagot ko sabay himas sa kanyang braso na nakayakap pa rin sa akin. Nilingon ko siya at inabot niya naman ang labi ko para halikan. Napakatahimik ng gabi, kasarap sa pakiramdam nang ganito. Magkakasama kaming tatlo at magkakayakap. Napamulat ako ng aking mga mata nang may marinig akong kaluskos. Nilingon ko ulit si Kade sa likuran pero wala na siya kaya napaupo ako. Sinuyod ko ng tingin ang buong paligid ng kwarto pero hindi ko siya

