Chapter 14 : Mapang-asar na Pulis

1055 Words
ISLA CATLEYA, MASBATE. MASAKIT pa rin ang ulo ni Camila nang muli siyang magising nang umagang iyon. Narinig niya na ang boses ni Kalay at Bella sa labas, gising na rin siguro si Kokoy, aniya ng isip niya. Iniisip niya pa rin kung ano ba ang nangyari at bigla na lamang siya nagkaganoon, huling lagnat niya pa yata mahigit dalawang taon na ang nakakalipas dahil hindi rin naman talaga siya sakitin. "Ate Ylla, gising ka na ba?" narinig niyang boses ni Kalay, hindi ito nag-atubiling buksan ang kurtina na nagsisilbing pinto ng silid niya. Wala na rin siyang panahon ipaayos pa 'yon dahil ang importante sa kaniya ang laman ng tiyan nilang tatlo at ngayon kasama pa nila si Kokoy. "Pasok ka," aniya rito. Nakabalot pa rin ang kumot sa buong katawan niya dahil sa lamig na nararamdaman. "Ate, okay ka lang?" Nilapitan agad siya ni Ylla, para sipatin ang nuo niya. "Naku, Ate, mainit ka." "Masakit nga ang ulo ko kagabi pa, makati rin ang lalamunan ko na mas lalong nagpapasama sa pakiramdam ko, Kalay. Kumain na ba kayo?" tanong niyang may pag-aalala sa mga ito. Kahit kasi pilitin niya mang bumangon kanina para ipaghanda ng makakain ang mga 'to hindi niya magawa. "May lagnat ka, Ate. Kami pa rin ang naiisip mo?" may pag-aalalang aniya nito sa akin. "Diyan ka lang at tatawagin ko lang si Kuya Kokoy at Bella," ani ni Kalay, pipigilan niya pa ate pero mas mabilis pa sa alas kwatro itong tumalikod at iniwan siya. Wala siyang lakas. Ilang sandali pa ang lumipas nang balikan siya ng mga ito, halos magkakasunod ang tatlo nauna si Bella at si Kokoy ay nanatili lang sa may pinto niya. "Hala, Ate. Ang taas ng lagnat mo," ani sa kaniya ni Bella nang sipatin nito ang nuo niya. "G-gusto mo bang dalhin na sa hospital?" Narinig niyang sabi ni Kokoy, kahit wala itong galaw sa kung saan man ito nakatayo kanina pa. "Ayos lang ako, kailangan ko lang ng mainit na sabaw. Wala kayong dapat ipag-alala, lagnat lang 'to." "Ipagluluto lang kita." Mabilis na tumalima si Kokoy, nang sabihin niya ito kay Camila. Nagkatinginan pa ang dalawang dalagita. "Ate, sigurado ka bang okay ka lang?" tanong ni Bella sa kaniya. "Parang hindi niyo naman ako kilala, tulad nga ng sabi ko kailangan ko lang ng mainit na sabaw. At okay lang ako." Nagpaalam si Bella at Kalay sa kaniya, bilin mga itong magpahinga pa raw siya. Sinunod niya naman ang dalawa at hindi lang siya tatantanan ng mga ito kapag hindi siya nakinig. Ang sabi ng mga ito tutulungan daw nila si Kokoy para sa sabaw na request niya. Pinikit ko ang mga mata ko, hindi ko alam kung ano ang ihahanda ng mga ito para sa akin. Bahala na si Bella at Kalay, alam ko naman na hindi nila pababayaan si Kokoy. --- LAS PIÑAS MAAGA pa't nasa eskwelahan na si Carmela. Talagang sinadya niyang maging maaga at wala siyang panahon para makipag-usap sa tiyahin niya, naiisip niya nga na unti-untiin ito at magpaalam na rito, gusto niya nang bumukod ngayon. Wala naman masama kung gagawin niya 'yon, nasa tamang edad na siya para mamuhay mag-isa. Hindi niya na kasi nagugustuhan ang panghihimasok nito sa buhay niya, gaya na lamang iyong hayaan ang lalaking 'yon maglabas pasok sa bahay nila. Alam niyang Pulis iyon na wala siyang dapat ipangamba. Pero hindi ba naiisip nito na mas maraming kalaban ang pulis at mauuwi lang sa peligro ang buhay nila. "Mrs. Arguelles, may new student po." Nabaling ang tingin ni Carmela sa pintuan ng silid-aralan niya. Napakunot-nuo siya nang may isang batang babaeng nasa likod nito, halatang nagtatago sa tantiya niya nasa limang taon pa lamang ito. "With parents?" tanong niya kay Elsa, ang nagsisilbing assistant teacher niya. Lumingon ito sa kabilang pinto sa may dahon ng pinto. "With guardian ho," sagot nito sa kaniya. Tumayo si Carmela para puntahan ang batang medyo nahihiya pa't nakahawak sa kamay ni Elsa. "Hi, Mrs. Arguelles." Napakunot-nuo si Carmela at si Ivan na naman ang nasa likuran ng mga 'to. "Ano na naman ang ginagawa mo rito ha?" "Ma'am Carmela, siya ang guardian ni Honey." Nagbaba ng tingin si Elsa sa bata ang tinutukoy nitong Honey na ang guardian ay si Ivan. "Gusto ko lang mag-aral dito ang batang 'yan at kung hindi mo masasamain ako ang tatayong guardian niya." Napasinghap si Carmela nang marinig ito kay Ivan. Mahalaga sa kaniya ang sinumpaan niyang pangako sa trabaho niya at sa tingin niya sa batang nakilala niyang si Honey, mukhang kailangan nito ang gabay at tulong niya. Ang hindi niya lang maintindihan kung bakit sa lahat ng tao sa mundo, si Ivan pa ang naging guardian nito. "Saan ang parents? Parents ang gusto kong kausap at hindi basta guardian lang," pagdadahilan niya sa kaharap. Nagpaalam si Elsa sa kanilang dalawa, dadalhin daw muna si Honey sa playground katapat ng sariling room niya para makapag-usap silang dalawa. "Ulila na si Honey, may kasama siya lola niya." "Then! Kung malakas pa ang lola, mas okay, mas malapit sa bata." "Bulag ang lola nya, at kung ipagpipilitan mo pa rin hindi niya na kayang maglakad dahil bed ridden siya." Nagsasabi ba ito ng totoo? Iyon ang sumagi sa isip ni Carmela. Napatingin siya kay Honey at Elsa, napansin niya ang ngiti sa labi ng bata na hindi niya makita kanina. Binalik niya ang tingin niya kay Ivan. "Pagkakatiwalaan kita ngayon. Pero oras na malaman kong nagsisinungaling ka, sasamain ka sa akin!" banta niya rito. Bumalik si Carmela sa desk niya para hingan ng record at personal information si Ivan tungkol kay Honey. "Pangalan, edad at address ni Honey," ani ni Carmela dito. Hindi siya nag-atubiling magtaas ng tingin sa lalaking kaharap niya. "Honey Marasigan. Sitio Dos, limang taong gulang." Nilista niya ang lahat ng mga sinabi nito sa kaniya, tama nga kanina ang hula niyang nasa limang taong gulang lang ito. "Okay na. Makakaalis ka na." "Okay na, Honey?" Dahan-dahang nagtaas ng tingin si Carmela na may nanlilisik ang mga matang tumitig kay Ivan. Ramdam niya na naman ang kumukulong dugo niya rito dahil sa ginawang pagsagot nito sa kaniya. "Aalis na po, Mrs. Arguelles... Bye. See you around, Honey." Mabilis ang ginawang pagbato ni Carmela ng eraser sa gawi nito. Mabuti na lang at mabilis rin ang siyang pagtakbo nito.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD