Red Flag Vs. Green Flag

1077 Words
ISLA CATLEYA, MASBATE NAGISING si Camila na masama ang pakiramdam niya. Pagtataka agad ang sumagi sa isip niya dahil wala namang nangyari kahapon para maging sanhi kung bakit ang bigat ng katawan niya ngayon. Wala naman siyang buwanang dalaw na nagiging dahilan madalas. Kinuha niya ang kumot sa paanan niya't mabilis niyang binalot ang buong katawan; nilalamig siya. Nag-aalangan naman siyang tawagin si Kalay at Bella dahil pati si Kokoy ay baka magising lang, pasado alas-cinco pa lang ng madaling araw. Kung bakit ba naman pinayagan niya ang dalawa na matulog sa sala, kaya heto at nag-iisa siya. Sa liit ng bahay nila sigurado siyang magigising agad si Kokoy kapag lumabas siya para gisingin ang dalawang dalagita. Nagpasya na lamang si Camila magtiis, ilang oras na lang din naman at sisikat na ang haring araw. Kaya niya pa naman, aniya. Muling nakatulog si Camila sa kabila ng sama ng pakiramdam niya, nagtalukbong na lamang siya ng kumot para naman kahit papano guminhawa siya. NAGISING si Kokoy na may narinig na parang galaw mula sa kabilang silid niya, ang silid ni Camila. Madaling-araw pa lamang, siguradong natutulog pa ang lahat sa bahay nila kahit na ang dalawang dalagita. Naisip niyang baka nagising lang si Ylla, at nakatulog din ito ulit dahil wala na rin naman siyang ingay na narinig mula nang maalimpungatan siya. Hindi naman siguro ginising ng dalawa si Ylla. Bumalik na lamang si Kokoy sa pagkakatulog at mamaya na lang aalamin kapag may araw na kung ano ang narinig niya sa kabilang silid niya. Nag-aalala lang siya para kay Ylla, dahil sa labas natulog si Kayla at Bella. Wala naman sigurong masamang loob na papasok sa loob ng bahay nila. Hindi naman mapapano ang mga babaeng kasama niya. Ewan niya ba, kung bakit sobra-sobra ang pag-alala nya sa mga ito. Ang sabi sa kaniya ni Ylla hindi sila magkaano-ano, pero dahil dito siya nakatira sa poder ni Ylla; kargo-de-concencia niya kung mapano ang mga 'to. Dahil hindi siya mapakali sa narinig niya, piniling tumayo ni Kokoy. Dahan-dahan siyang naglakad hanggang sa makarating siya sa silid ni Ylla, kurtina lang naman ang nagsisilbing pintuan sa silid nito. Gusto niya lang tingnan at masiguradong maayos lang ito. Mabuti na lamang at may isang solar lights na nagsisilbing ilaw nito, kitang-kita niya ang dalagang maayos naman— mahimbing ang pagkakatulog nito sa ilalim ng kumot nitong nakabalot sa buong katawan. Nilalamig lang siguro si Ylla kanina, aniya ni Kokoy sa sarili. Nagpasya siyang bumalik ng silid niya ilang hakbang mula sa silid ni Ylla. Panatag na ang puso niya ngayon na wala siyang dapat ipag-alala rito. LAS PIÑAS NAGISING si Carmila sa malinis na boses sa baba ng bahay nila. Ang Tita Belen niya na naman ito sigurado siya, pero mukhang may bisita ata ang tiyahin niya, aniya. Pasado alas-otso na rin naman pala. May pautang na naman siguro ito, kaya may mga kausap na naman sa baba; baka ang mga kapitbahay lang nilang magaling sa utangan at mina-majoong lang naman. Ang problema kapag hindi mabayaran ang tiyahin niya siya ang madalas na inaabala nito para sa pera ni Alex sa benepisyo sa pagkamatay nitong pinagpipilitan sa kaniya. Tumayo si Carmila, humihikab pa siya dala ng kaunting antok na nararamdaman niya. Kailangan niya lang bumangon ng maaga para masanay ang katawan niya sa pagbubukas ng klase nila. Kinuha niya ang tuwalyang pink at nagtapis lang siya sa manipis niyang pantulog, wala pa siyang gana maligo para makapagpalit. Kakain muna siya, aniya. Nakababa si Carmila sa unang palapag ng bahay nila at wala nang ingay na narinig pa. Nakauwi na siguro ang bisita ng tiyahin niya. Pati ba ito lumabas dahil wala na rin siyang narinig na boses nito. Napakunot-nuo na lamang si Carmila. Ano pa nga ba ang aasahan niya rito? Kilala lang naman siya nito kapag may pera na siyang binibigay dito. Sa susunod na buwan siguradong mahal na mahal naman siya nito. Ayaw niyang sabihing mukhang pera ang Tita Belen niya pero sa nangyayari sa mahigit ilang taon na pagsasama nila parang ganoon na nga. Wala naman kasi itong ibang inaasahan kun 'di ang pautang nito at siya. Pasalamat na lang din siya at kahit papano walang bisyo ang tiyahin niya, nang maalala nyang mas malala pa pala ang pag-ma-majoong. Tumikhim si Carmila, papasok na sana siya sa kusina nila ang sya namang paglabas ng tiyahin niya kasunod ang isang lalaking kilalang-kilala niya. "Good morning, Ms. Salazar," nakangiting bati sa kanya ng lalaking kinaiinisan niya, si Ivan. Hinigpitan ni Carmela ang paghawak niya sa tuwalyang nasa katawan niya. Nanlilisik ang mga matang pinukol niya rito, kung hindi siya nagkakamali ito ang kausap ng tiyahin niya kanina. Tsaka lamang napansin ni Sophia na hindi ito naka-uniporme ngayon, nasa kaniya ang lahat ng karapatan para palayasin ito sa bahay niya. "Maiwan ko muna kayo at kukunin ko lang ang sinampay ko sa labas, Hijo." Hindi man lang nag-atubili si Carmela na pigilan ang tiyahin niya, mas mabuti, aniya para magkaroon sila ng panahon ng lalaking asungot na 'to sa harap niya. "May nakapagsabi na ba sa 'yo na ang ganda mo kapag bagong gising ka, Ms. Carmela!" ani nito sa kaniya. Tumawa ng mapakla si Carmela, napataas kilay siyang hinarap ito. Hindi rin naman magkakalayo ang tangkad nila ng lalaki. "Ikaw? May nakapagsabi na ba sa yo na ang kapal kapal ng pagmumukha mo? Para maglabas-pasok dito sa pamamahay ko?!" galit niyang turan sa mukha nito. Sadyang makapal na siguro talaga ang mukha ng lalaking 'to, kapag hindi man lang ito matinag sa tingin niyang pinukol dito. "Relax! Galit ka na naman! Alam mo nakakapangit ang laging galit, Carmela. Easy lang! Hindi naman ako kaaway, kakampi mo ako." "Wala akong pakialam kung sino ka! Ang gusto ko umalis ka sa bahay ko ganoon din sa buhay ko! Hindi ka nakakatulong sa amin ng tita ko!" Akma na sana akong tatalikod nang marinig ko ang sinabi nito tungkol sa asawa ko. "Hinahanap mo si Alex 'di ba? Paano kung ako ang makakatulong sa 'yo para hanapin siya? Ipagtatabuyan mo pa rin ba ako, Mrs. Arguelles?" Napalunok si Carmela sa mga sinabi nito sa kaniya. Dahan-dahan siyang lumingon dito, naalala niya ang mga sinabi sa kaniya ni Alex nang kasama nya pa ito— hindi siya dapat magtiwala kahit kanino. "Si Alex lang ang pinagkakatiwalaan ko at wala ng iba! Kaya if I were you lalayas na ako rito dahil you are not welcome here! Sa bahay namin ng asawa ko!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD