Volunteer Teacher

1047 Words
LAS PINAS MAAGA natapos ang pag-aayos ng classroom ni Carmela. Nakaramdam siya ng gutom sa pagod na naramdaman niya sa sarili dahil sa dami ng ginawa nila sa school kasama ang ilang co-teachers niya. Kaya nagpasya siyang mag-mall muna malapit lang sa subdivision nila, ayaw niya naman lumayo sa lugar nila at baka mas gabihin siya, hindi magugustuhan ni Alex, aniya. Si Alex na naman? Lagi ko na lang inuuna si Alex, kahit na hindi ko alam kung nagawa ba akong alalahanin nito kung nasaan man siya ngayon. "Hey! Mrs. Arguelles, nandito ka rin pala." Napalingon bigla si Carmina nang may kung sinong gumulat sa kaniya. "Pasensiya ka na, nakita kitang nag-iisa dito. Kamusta?" "Sinusundan mo ba ako?" naiiritang tanong niya sa lalaki nang tumayo siya sa harap nito. "Of course not. Bakit naman kita susundan?" Pinandilatan niya lang ito ng mga mata niya. Bakit nga naman siya susundan ng lalaking 'to, aniya. "Maliban na lang kung kriminal ka." "Funny!" galit niyang turan dito. Akma na sanang aalis si Camila nang humarang si Ivan sa harapan niya. "What are you doing?" "I'm just trying to be good to you, Ms. Salazar." "Mrs. Arguelles." "We're not yet married," pang-aasar nito. "Pwedi bang tigil-tigilan mo ako ha! Kasi hindi ka nakakatuwa!" Hindi talaga siya magawang tantanan ni Ivan kung ano-ano na lang ang ginagawa nito sa kaniya hanggang sa sobrang naiinis siya sa lahat ng ginagawa nito. Tinalikuran niya ito ng walang paalam, gusto niyang mawala ito sa paningin niya ngayon at hayaan siyang mapag-isa pero sadyang makapal yata talaga ang mukha ng lalaking 'to. "Anong ginagawa mo?" Nilingon ni Carmina si Ivan at nandoon ang panlilisik sa mga mata niya dahil sa nalingunan niya ito sa direksyon na tinutumbok niya. "Following you," malakas pa yata ang loob nitong umamin sa kaniya. "What for? Sinabi ko bang sundan mo ako?" "Hindi!" "Nakakaintindi ka naman ng Tagalog hindi ba?" Ayaw kong makita ka! Kaya pwedi tantanan mo na ako!" "Masama bang makipagkaibigan sa 'yo, Ms. Salazar?" "Mrs. Arguelles... Tigil-tigilan mo ang katatawag sa akin ng Ms. Salazar dahil naiinis na ako!" "Relax! Bakit ba galit na galit ka sa apelido mo, e sa 'yo naman yan?" "Shut up! Layuan mo ako kung pwedi lang! Please lang. Dahil may kailangan akong gawin at hindi ko gustong makita ka!" Isa pang hakbang ang pinakawalan ni Carmela, siguro naman sa mga sinabi niya magagawa na siyang tantanan ng lalaking 'to. "See you around, Ms. Salazar." Narinig niyang sigaw ni Ivan, malakas talaga ang tama ng lalaking 'yon, aniya. Hindi niya man lang makuha sa isang salita. "Kapal ng mukha!" galit na bulong ni Carmela sa sarili niya, habang lumakad ng maalis palayo sa gawi nito. Dala ang panalangin na sana hindi na siya kulitin nang kulitin nito at hindi niya nagugustuhan ang ginagawa ng makulit na lalaking 'yon para sa kaniya. NAKAHINGA ng maluwag si Carmela nang hindi niya na ito makita pa sa likuran niya, baka natauhan na ang lalaki, sigaw ng isip niya. "Good! Makakagalaw ako ng maigi," sabi niya. •• ISLA CATLEYA, MASBATE TULUYAN ng lumiganap ang dilim nang umuwi si Camila at Kokoy sa bahay nila. Naamoy agad nila ang niluluto ni Kalay at Bella; mukhang paksiw na isda ito. Mabuti na lang at wala silang nabiling ulam sa maliit na palengke na dinadaan nila ng lalaki. "Mukhang masarap ah," sambit ni Kokoy sa tabi niya. Napalingon siya rito may ngiting nakapaskil sa labi niya. "Expert ang dalawang 'yan sa paksiw," sagot niya rito. "How about you?" "I can cook din naman pero hindi katulad nilang medyo gamay na." "You can teach me then?" anito sa kaniya. "Sa tingin ko naman marunong ka, baka nakalimutan mo lang din... 'di kaya?" "I thought so, baka nga. That's why I want to learn, if you will teach me." "I'll be happy, Koy. But I think sa mga susunod na araw na lang siguro?" ani ni Camila rito. Naalala niya ang mga gagawin niya sa bundok sa silid-aralan niyang kailangan niyang ayusin. Matagal na rin siyang hindi nakakadalaw d'on mula nang ma-ospital ang lalaki at heto nga hanggang sa bahay nila nandoon ito. "May mga kailangan kasi akong ayusin." Tiningnan lang siya ni Kokoy, hindi nya pa yata nasabi rito ang pagiging volunteer teacher niya sa mga katutubo na naging dahilan kung bakit nagkaroon ng malaking discount ito sa hospital. "Makakatulong ba ako?" tanong ni Kokoy. Pareho na silang nakapasok sa bahay nila. "Magandang gabi, Kuya Kokoy and Ate Ylla," sabay na pagbati ng dalawang dalagita sa kanila. Gumanti rin sila ng bati rito at nilahad niya ang kamay niya kay Kokoy para umupo ito. "Mapapagod ka lang, malayo iyon... bundok," sagot ni Camila rito. Hinubad niya ang jacket na suot niya at sinampay ito sa isang upuang kahoy paharap kay Kokoy. "Bundok? Ano naman ang gagawin mo sa bundok, Ylla. Bakit ka pupunta ng bundok?" tanong nito sa kaniya. "Nagtratrabaho ako r'on." "Trabaho? Anong trabaho naman?" "Teacher... Actually pre-school Teacher sa mga katutubong Mangyan at sa bundok ang classroom ko, sinasadya ko silang puntahan d'on." Napakunot-nuo ito sa kaniya, nabasa niya ang pagtataka sa mga mata nito dahil sa naging sagot niya. "Okay lang sa 'yo? Safe ka ba?" "Safe naman. Okay naman. Matagal na rin ako d'on at wala naman problema, Koy. Heto at buhay na buhay ako." "Hindi naman sa ganoon.." "Kilala ako ng mga tao dito, wala kang dapat ipag-alala at kilala ko rin sila kung gaano sila kabait sa akin dahil ganoon din naman ako sa kanila." Mahaba ang katahimikang namagitan sa kanila ng lalaki. Nagpasya siyang puntahan si Kalay at Bella na nagliligpit na para sa hapunan nila. Nilingon niya si Kokoy at sa hindi inaasahan, nagtama ang tingin nila sa isa't isa— tipong kanina pa yata siya nito tinitingnan. Napalunok ng lihim si Ylla at naunang binawi ang tingin niya kay Kokoy. "Kumain na tayo..." baling niya sa dalawang dalagita. Sa sulok ng mga mata niya nakita niya si Kokoy tumayo na ito at papunta sa gawi nilang tatlo. "Ako na maghuhugas ng pinggan ngayon, Ma'am." Napalingon si Carmila nang marinig niya ito mula kay Kokoy na nasa likuran niya. "Pwedi rin hindi lang ngayon, pwedi rin lifetime, Ma'am." Napalunok si Carmila nang sa muling pagkakataon nagtama ang tingin nila sa isa't isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD