Paglubog ng Barko

1036 Words
ISLA CATLEYA | MASBATE HINDI rin nagawang tanggihan ni Camila ang paanyaya ni Kokoy na panuurin nila ang paglubog ng araw. Sinamahan niya ito dahil na rin sa pamimilit ng dalawa at heto sila, nakaupo sila sa may batuhang bahagi ng dalampasigan. "Palagi ka ba dito?" untag sa kaniya ni Kokoy. Halos ilang minuto rin ang pumagitnang katahimikan sa kanila nang magsalita ito sa kaniya. "Minsan lang, kapag sinipag or may mood lang ako, iyon lang ang mga oras na nagagawi ako rito." "This place is nice, Ylla. And, I have this feeling na gusto ko ang klasi ng lugar nito noon." Napatingin siya sa gawi ni Kokoy, kasabay ang paglunok niya ng sunod-sunod sa mga sinabi nito. "B-baka, baka nga. Subukan mo kaya alalahanin, baka may matagpuan ka rin sa isip mo at para maging okay ka na," sabi niyang nakasulyap sa maamong mukha nito. Ngumiti lang si Kokoy at nanatiling nakatingin ang mga mata sa araw na nagbabadya ang siyang paglubog nito. "Kung maaalala ko, maaalala ko, Ylla. I don't want to force myself thinking of that memories kung mayroon man. I just have contended, at least I'm fine... And I'm here, still alive and kicking." Natawa na lamang si Camila sa mga narinig niya mula kay Kokoy. Kung siya ang tatanungin tama rin naman ang narinig niya mula rito. Napasinghap na lamang siya at tinuon ang tingin kung saan ito nakatingin. "Huwag mong alalahan ang mga sandaling hindi pa bumabalik ang ala-ala mo. You're safe here. Hangga't nandito ka, wala kang dapat ipag-alala, nandito kami nina Kalay at Bella para samahan ka." "Thank you, Ylla. Sobrang napakalaking bagay sa akin 'to, lalo na sa mga sandaling 'to. I don't remember any memories, but hoping na kung bumalik man ang ala-ala ko, sana 'to hindi ko makalimutan." Hindi niya alam kung bakit sa isip niya bigla na lamang sumagi na sana nga mangyari 'yong hiling nito. "Wow!" Isa pang sulyap ang pinakawalan ni Camila sa gawi ni Kokoy nang marinig niya ang paghangang salitang 'yon sa lalaking katabi niya. Nandoon sa mga mata nito na labis itong nasiyahan sa nakita— napakaganda ng paglubog ng araw ngayon, parang nagpapakitang gilas pa ito sa lalaking kasama niya. "Napakaganda, Ylla. Hindi ko akalain na makikita ko 'to. Salamat." "It's okay, Koy. Maliit na bagay lang naman 'yan, isang maliit na pabor para sa akin." "No! It's not. Masaya ako, sobrang masaya ako ngayon." Tinapunan ni Camila nang tingin ang tanawing nagbibigay ng saya sa mga mata nito. Madalas rin naman siya sa lugar na 'to kapag nalulungkot siya't nag-aalala sa mommy niya pero pakiramdam niya sobrang ganda nito ngayon tulad na lamang ng tingin ng lalaking manghang-mangha sa nakikita. Napayuko si Camila, sa puso niya may hindi siya maipaliwanag na saya— sayang ngayon niya lang natagpuan. Siguro dahil may isa nang tao sa buhay niya ngayon ang simple lamang; tulad na lamang ng sandaling 'to. "Ano nga pala gusto mong ulam ngayon? Baka pwedi kitang ipagluto." Alok ni Camila rito. "Anything. Kahit na ano, knowing you alam ko naman kahit na ano kaya mo't masarap tiwala ako." "Bolero ka rin pala, siguro sa totoong buhay bolero ka talaga," natatawang komento ni Camila rito. Naisip niyang mag-tinolang bangus ngayon, bago sila umuwi ni Kokoy dadaan muna sila sa kaibigan niyang si Nestor na may bilihan ng isdaan sa kanto papunta sa kanila. Kapag ganitong oras may tinitinda pa naman itong sari-saring isda, partikular na ng bangus na kuha nito sa sariling fish pond nito. "Alam ko na." "What?" "Let me handle this. Ako ang bahala." "Thank you then." Ngumiti siya nang maluwag sa lalaki at sabay na tinuon ang tingin sa tuluyang paglubog ng napakagandang tanawing sinadya nila ni Kokoy. •• LAGUNA HINDI man lang namalayan ni Carmela ang pagbagsak. ng mga butil ng luha sa pisngi niya habang pinagmamasdan mula sa roof top kung saan siya naroon ang tuluyang pagdilim ng paligid. 'Isang paglubog ng araw na naman, Lex! Pero wala pa rin akong balita sa 'yo, wala pa ring bangkay o wala pa ring palatandaang buhay ka. Nawawalan na ako ng pag-asa, Alex! Hindi ko na alam kung saan pa hahawak! Nalulunod na ako, mahal!' malungkot na sabi ni Carmela sa sarili niya para sa asawang wala pa rin siyang balita tungkol sa kung nasaan ito ngayon, buhay man o patay. 'Paborito mo 'to! Ang sabi mo noon, ako lang ang babaeng gustong makasama sa paglubog ng araw maging sa pagsikat nito! Dahil ito iyong sumisimbolo ng lahat na masaya tayong dalawa't walang makakapaghiwalay. Pero bakit ang sakit, Alex? Mag-isa na lang ako! Mag-isa na lang ba talaga ako?xl" Napasinghap si Carmela, ang totoo ayaw niya rin naman aminin sa sarili niyang nag-iisa siya dahil hanggang ngayon nandoon pa rin ang pag-asam niyang buhay ang asawa na hinahanap din siya nito katulad ng ginagawa niya. Basta na lamang siya natigilan nang maalala ang katotohanan— paano niya nasabing hinahanap siya ni Alex kung hanggang ngayon wala pa rin ito sa buhay niya. Imposibleng hindi nito alam kung saan siya naroon. Napalunok si Carmela sa mga naisip. 'No! Imposible. Hindi mangyayari sa 'yo iyon, Lex. Sa TV lang 'yon at pocketbooks... malayong mangyari sa ating dalawa 'yon! Kung ano-ano na lang ang naiisip ko.' Tumayo si Carmela at pinatay ang sigarilyong kanina niya pa hawak, natuto siya nito pagkatapos mawala ni Alex, halos lahat ng stress niya sa katawan dito niya na nagawang ibuhos. Dagdag stress pa ang tiyahin niya at ang lalaking hindi niya alam kung saan nagmula't bigla na lamang ume-eksena sa buhay niya— ang Ivan Arguelles na iyon. Hindi naman naging palaisipan kay Carmela kung bakit ka-apelido ito ng asawa niya. Nagkataon lang siguro at wala naman espesyal sa dalawa, malayong-malayo ito kay Alex at kahit saan banda niya tingnan hindi ito magkakaron ng ugnayan sa asawa niya. Wala rin naman nabanggit sa kaniya si Alex noong mga panahong nasa tabi niya pa ito na may kamag-anak itong Pulis or kahit na sino— ang alam niya ulilang lubos si Alex dahil parehong namatay ang pamilya nito sa isang barkong nalubog noon— katulad sa naging kaparalan nito. Pero si Alex ay buhay at iyon lang ang kaya niyang paniwalaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD