Sunset

1186 Words
ISLA CATLEYA, MASBATE NAPATILI si Camila nang nanalo siya sa unang laban nila ni Kokoy— partida at coach na nito si Kalay at Bella. Pero siya pa rin ang bukod tanging nanalo sa mga ito. "Sabi ko sa 'yo, Kuya Koy, expert si ate sa sungka e." Narinig niyang sambit ni Kalay. Natawa na lang siya sa komento nito tungkol sa kaniya. "Marunong lang, hindi naman expert. Magkaiba 'yon, Kalay." "Hasauce si Ate Ylla ang humble. Matagal na tayong naglalaro niyan kaya kilala ka na namin 'no." Hindi sinasadyang magtama ang mga mata nila ni Kokoy nang sulyapan siya nito. "Paano ba 'yan! Pwedi na akong bumalik sa ginagawa ko, napagbigyan ko na kayo. Tumayo si Camila at hindi na hinintay pa ang pagsang-ayon ng mga 'to. Tatalikod na sana siya nang marinig niya ang boses ni Kokoy. "May gagawin ka ba mamaya, Ylla?" Lumingon siya sa gawi nito, nagtatanong ang mga mata nang sulyapan niya ito. "Wala naman. B-bakit?" "Baka pwedi kang yayain manuod ng sunset, nabanggit sa akin ni Bella at Kalay na maganda raw sa burol tingnan ang sunset... kung okay lang." Napatingin siya sa dalawang may panunudyo sa mga mata. "Nandiyan si Bella at Kalay, pwedi ka naman nilang samahan if you want too," sabi ko kay Kokoy. Sabay-sabay naman ang pag-iling ng dalawa sa suhestiyon niya mukhang nakapag-usap na yata ang dalawang makulit na 'to. "Samahan mo na, Ate Ylla. Maglalaba kami sa ilog ngayon ni Kalay." Napalunok si Camila nang muling ibaling ang tingin kay Kokoy— sa mga mata nito nandoon ang pagsusumamo na samahan niya ito. Kung ano-ano na lang talaga ang ginagawa ng dalawang alaga niya. "Pag-iisipan ko..." ani ni Camila. Hindi na siya naghintay pa ng mga sasabihin ng tatlo, mabilis na siyang umiwas sa mga ito. Hahaba lang ang usapan nila kung mananatili siya sa mga ito. Tulad nga ng sabi niya, pag-iisipan niya kung sasamahan niya si Kokoy; kung makakabuti ito sa kalagayan nito okay siya, pero kung makakasama mas mabuti pang magpahinga na lang muna ito. "Ang ganda ni Ate Ylla 'no, Kuya? Lodi nga namin ni Kalay 'yan eh. Buhok pa lang pak na pak na." Napailing na lamang si Camila nang marinig ang mga salitang 'yon mula kay Kalay, kung ano-ano na lang talaga ang sinasabi nito. Malaking bagay din at nasa tabi niya ang dalawa, kahit papano hindi siya nakakaramdam ng pag-iisa 'yon nga lang sa lahat ng oras talaga makulit lang ang mga ito at mukhang nadagdagan pa yata ng isa pa. Pero mabuti na rin para kay Camila na may kasamang lalaki ang mga 'to sa bahay nila. Hindi niya alam kung ano ang kapasidad ni Kokoy pagdating sa mga emerhensiya, pero mukha naman itong maaasahan sa lahat ng sandali. Tingin niya, makakatulong naman si Kokoy sa kanila habang naroon ito lalo na sa mga hindi nila kayang gawin paminsan-minsan. Binalikan niya ang gawi niya kung saan siya nakaupo kanina. "Maganda nga siya, mukhang mabait pa..." Natigilan si Camila sa akmang pag-upo nang marinig ang mga salitang 'yon patungkol sa kaniya mula kay Kokoy. Halos nasa likuran niya lang ito at ang plywood nilang dingding ang nagsisilbing pagitan nilang dalawa. Wala sa sariling napangiti si Camila at hindi niya alam kung para saan 'yon. Pinigilan niya na lamang ang sarili nang maalalang kasal nga pala ang lalaking 'to, kahit pa sabihing hindi niya alam kung posible 'yon, wala siya sa lugar para matuwa sa mga naririnig niya mula rito. Hindi siya dapat magpadala at iyon ang sumpa ni Camila sa sarili niya. • LAGUNA "MABUTI at dumating ka na, Carmela. Pasok ka't may dumating tayong bisita." Napakunot-nuo si Carmela sa bungad sa kaniya ng Tita Belen niya. Mukhang maganda yata ang araw nito at hindi siya nagawang sermonan kahit alam naman nito kung saan siya galing kaya anong oras na siyang naka-uwi. Bisita? Tama ba ang narinig niyang may bisita sila? Huli niyang matatandaang may dumalaw sa kanila ay noong napabalitang namatay si Alex— ang kamag-anak niyang nangungutang dahil malaki raw ang perang natanggap niya. Napasinghap si Carmela habang inaayos ang mga tsinelas sa masikip nilang parking space sa loob ng bakuran nila ng tiyahin. Luma na 'tong bahay nila na pamana pa sa kaniya ng mommy nya ng namatay ito sa sakit nitong cancer. Gusto niya nga sanang ibenta 'to noong nagpapagamot ito, pero mahigpit ang pagtanggi sa gusto niyang mangyari. Ayaw naman nito ang kagustuhan niya sanang hanapin ang tatay niya, para kung sakaling may maitulong ito sa kanila pero pinigilan din siya nito hanggang sa namatay ito sa traidor nitong sakit. "Carmela... Carmela, nasaan ka na ba?" malakas na pagkakatawag ng tiyahin niya sa pangalan niya. Wala siyang nahimigan na galit o inis man lang dito, mukhang kalmado ito. Sino naman kaya ang bisita nila? Wala naman siyang inaasahang may dadalaw sa kanila. Kung ito pa rin iyong mga kamag-anak nilang mukhang pera para sa kaniya, hindi siya magkakamaling paalisin ang mga ito sa bahay niya. "Ang tagal mong bata ka. Kanina ka pa hinihintay ni Sir Ivan dito.," Natigilan si Carmela sa akma niyang pagpasok nang makilala ang lalaking tinutukoy ng tiyahin niyang bisita at walang iba pa. "Good afternoon, Ma'am Salazar..." bati sa kanya ni Ivan. Tumayo ito sa harap niya. "Ano ang ginagawa mo rito?" mataray na tanong ni Carmela dito. "Relax! Relax! Nandito ako para lang ihatid ang resulta sa report ni Tita Belen." "Ano'ng entrada ba naman 'yan, Carmela. Nagmamagandang loob nga 'tong gwapong binatang pulis na 'to sa atin... lalo na sa akin." Napataas kilay si Carmela sa narinig niya mula sa tiyahin niya. "Ikaw naman pala ang sadya, Tita. Okay. Good. At may resulta na iyang report mo. Special delivery pa pala," may pang-uuyam niyang turan dito. Personally! Ayaw niya sa naging sadya ng lalaking 'to sa bahay nila. "Ang sungit naman pala ng dalaga niyo, Tita Belen. Akala ko po ba siya ang napakabait na pamangkin sa balat ng lupa?" Narinig ni Carmela na bulong ni Ivan sa tiyahin niya. Bulong na sadyang iparinig sa kaniya. "For your information, Mister. May asawa na ako! Hindi na ako dalaga tulad ng pinaniniwalaan ng tiyahin ko.... kaya kong wala ka ng gagawin! Makakaalis ka na! Utang na loob. Umalis ka na!" galit na sambit ni Carmela sa harap ng dalawa. Hindi na baling sermon na naman ang aabutin niya sa tiyahin niya mamaya kapag wala na ang lalaking para sa kaniya isang malaking asungot sa buhay niya. "Aalis na po ako, Tita. Tsaka na lang ho ako dadalaw ulit pag natanggap na ng pamangkin mong biyuda na siya..." "Alis! Alis!" Malakas na pagkakasigaw ni Carmela sa harap ni Ivan. Tinaas niya pa ang dala niyang bag sa ere— nagmadali naman itong tumalikod walang lingon likod matapos magmano sa tiyahin niyang sulsolera. "Bilib na ako sa inyo, Tita! Bilib na talaga ako sa inyo!" galit na wika ni Carmela sa tiyahin at nagmadaling umakyat sa taas patungo sa sarili niyang silid. Hindi na nakaimik ang tiyahin niya sa kaniya, dahil sa galit na pinakita niya sa harap nito. Alam niyang natatakot din naman ito sa kaniya paminsan-minsan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD