Kiss

1010 Words
PASAY, SEASIDE PAGKATAPOS mag-report ni Carmela sa school kung saan siya nagtuturo heto siya, tumuloy siya sa Pasay para puntahan ang madalas nilang puntahan ni Alex noon. Magagalit na naman tiyak niya ang Tita Belen niya. Bumaba siya nang sasakyan niya at naglakad hanggang sa makaupo siya isang upuang batong nandoon sa isang lilim paharap sa malawak na karagatan. "Hi, Lex! I miss you, galing ako sa school kanina. Nagsimula nang mag-enroll ang mga bata... At alam mo ba, masaya ako nang tawagin nila akong Mrs. Arguelles. Ganito pala ang pakiramdam, Lex. Sigurado ako mas masaya kong kasama kita habang tinatawag nila akong ganoon." Napangiti si Carmela nang sabihin niya ito sa sarili niya. "Ma'am, may nagpapabigay ho.." Napalingon si Carmela nang bigla na lamang may sumulpot sa tabi niya at may inabot na tatlong bigkis ng Sampaguita. "Sino raw?" nakakunot ang nuo niyang tanong sa dalagita na sa tantiya niya nasa edad katorse pa lamang ito. "Hindi po sinabi ang pangalan, basta isang lalaki ho." Mas lalo siyang kinabahan sa sagot nito. Nagpalinga-linga siya sa paligid, wala naman gaanong tao sa bahagi kung nasaan siya madalas. Napalunok si Carmela, hindi alam kung tatanggapin ito mula sa kamay ng dalagita. "Natandaan mo ba ang mukha niya? Iyong nagpabigay?" tanong niya rito. Iling ang naging tugon nito sa kaniya. Nagpalinga-linga rin ito tulad niya. Napasinghap si Carmela, sabay nang sunod-sunod na paglunok ng tuyong laway niya. Magiging oa siguro siya kung iisipin niyang galing sa masamang tao ito. Wala naman siyang kaaway! At sino naman ang magtatangka ng gumawa sa kaniya ng mali? Paranoid lang siya! "Bayad na ho 'to, Ma'am. Tanggapin niyo na lang po," ani pa nito sa kaniya. Isa pang paglingon ang pinakawalan ni Carmela, umaasang makikita o makikilala ang taong nasa likod ng Sampaguita na inaabot sa kaniya ng dalagitang 'to. "Salamat. Pero sa muli, huwag kang tatanggap ng isang bagay na pinapaabot lang sa 'yo ha. Don't trust that much, maraming masasamang tao ngayon. Mag-iingat ka. I-check mo rin ang pera at baka fake 'yan," ani ni Carmela rito. Tumango-tango lang ito sa kaniya at tumalikod na nang walang paalam, pagkatapos niyang tanggapin ang Sampaguita na tinitinda nito na ayon dito may nagpabigay sa kaniya. Naalala niya si Alex, kailanman hindi siya nito nagawang bigyan o bilhan ng Sampaguita... kung mayroon man noon 'yon ay isang kumpol ng puting rosas. Paborito ni Alex 'yon at iyon din ang madalas nitong i-surpresa sa kaniya. Alangang iisipin niyang kay Alex ito galing. Napangiti na lamang si Carmela, masyado na yata ang ginawang paglalakbay ng imahinasyon at paniniwala niyang buhay ang asawa at kung ano-ano na lamang ang kinokonekta niya. She's acting weird at same time paranoid na rin siyang mag-isip. Nagpasya si Carmela na ilagay sa batong nasa harap nya ang mga Sampaguita na natanggap niya mula sa isang estranghero na nagpapabigay sa kaniya. Hindi siya pweding magtiwala kahit kanino, baka tama ang sinabi niya sa dalagita kanina. Kaya imbes na dalhin niya ito, iniwan niya na lamang ito sa isang batong nasa harap niya kung saan siya nakaupo. 'Para sa 'yo ito Alex. Kung nasaan ka man ngayon, sana magustuhan mo 'to,' bulong ni Carmela sa sarili pagkatapos niyang ibaling ang tingin niya sa malawak na kalangitan. Pinuno ng hangin ang dibdib at sinariwa ang magandang sandaling mayroon sila ni Alex ang araw ng kanilang kasal. ~~ ISLA CATLEYA, MASBATE. "Hindi ka ba marunong magsungka, Kuya Kokoy?" Narinig ni Camila na tanong ni Kalay kay Kokoy, kanina niya pa napapansin na pinipilit ng mga 'to na isali si Kokoy sa laro ng mga 'to na sungka sa may terrace ng bahay nila na gawa sa kawayan. "Madali lang 'to, Kuya. Sobrang galing nga dito ni Ate Ylla e, lagi niya kaming natatalo." Natatawa na lamang si Camila. Hindi siya nagtangkang pumunta sa gawi ng tatlo, nagkasya na lamang siyang mag-gansilyo sa paborito niyang upuan sa munting sala nila. Iyon nga lang dahil sa liit na bahay na mayroon sila kaya niya naririnig ang boses ng dalawa, samantalang si Kokoy tahimik lang. Siguro hindi ito pamilyar sa laro na 'yon. O, kung sakali oo man baka pati ito nakalimutan ng lalaki. "Tawagin mo kaya si Ate Ylla, para turuan niya si Kuya Kokoy..." Narinig ni Carmila na suhestiyon ni Bella. "Naku! Huwag niyo na ako idamay diyan," sabi nya sa mga ito nang marinig niya si Bella. "Sigi na ate, para naman makalaro si kuya," sigaw naman ni Kalay sa kaniya. "Baka ayaw ni Kuya niyo Kokoy maglaro niyan, hayaan niyo na lang," ganti niya. Tumahimik ang mga ito, ang buong akala niya tinantanan na siya ng tatlo— hanggang sa naramdaman ni Camila na nasa likuran niya na na ang mga ito nang marinig niya ang kalansag ng mga maliit na shells na madalas nilang gamitin pambato sa kahoy na sungka na binili niya noon sa bayan para sa bonding moments nilang tatlo. "P-pwedi mo ba akong turuan?" Narinig ni Carmela na tanong sa kaniya ni Kokoy. Napansin niya ang dalawang nasa likuran ng lalaki, halatang tinulak ng mga 'to si Kokoy. "Gusto kong matuto. Magaling ka raw kaya gusto ko sana magpaturo sa 'yo, Ylla..." Iniwas niya ang tingin niya kay Kokoy nang mariin siya nitong tingnan sa mga mata niya. Napatingin siya sa dalawa na may panunukso ang mga ngiti nito sa kaniya. "Pagbigyan mo na si kuya, Ate. Gusto matuto eh. Ikaw lang naman ang kilala namin na expert sa sungka," natatawang ani sa kaniya ni Bella. "Pagbigyan mo na ako, Ylla," muling untag sa kaniya ni Kokoy. Ano pa nga ba ang pagpipilian niya? Feeling niya na-corner na siya ng dalawang makulit na 'to at nadagdagan pa ng isang mukhang makulit din. "Okay. Wala naman akong kawala sa inyong tatlo eh." Nilahad ni Kokoy ang kamay nito sa dadaanan niya nang tumayo siya't nilagay sa tabi ang gansilyong ginagawa niya. Pinandilatan niya ang dalawang may panunukso pa din sa mga mata nito nang tingnan siya. "Ano consequences?" tanong niya nang lumingon siya sa mga ito. "K-kiss?" sabay-sabay na sambit ng tatlo sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD