Kokoy's Smile

1006 Words
One Step Learning School, Laguna. "Good morning, Mrs. Arguelles..." Nakangiting napalingon si Carmela sa mga co-teachers niyang bumati sa kaniya nang umagang 'yon. Ang sarap lang sa teynga pakinggan na tawagin siyang Mrs. Arguelles, tulad nang pangarap nila noon ni Alex. At heto siya mag-isa niya na lang tinutupad ang pangarap na 'yon. "Kamusta ka, Carmela?" tanong sa kaniya nang isa sa pinakamalapit sa kaniyang si Izzy. "Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa lahat ng sandali na wala siya sa tabi ko, Izzy. Araw-araw ko pa rin siyang naalala at araw-araw pa rin akong naniniwalang buhay siya." "Naiintindihan kita, Mela. Normal na reaksyon lang iyan sa isang asawang maagang naiwan ng hindi niya inaasahan. Pero ang kailangan mo sigurong tanggapin ngayon ay ang palayain si Alex." "Hindi ko pa kaya," pag-agaw ni Carmela sa iba pa sanang sasabihin sa kaniya ni Izzy. Iyon naman talaga ang totoo, hindi niya kayang mawala ito sa kaniya nang ganoon na lang. "Makakalaya ka rin mula sa sakit, Carmela. Nagtitiwala ako kung gaano ka kalakas. Kailangan mo lang ng dasal at tiwala ngayon sa sarili mong makakaya mo ang lahat ng 'yan." Napatingin ako rito. Mabuti pa ito naiintindihan ako, hindi tulad ni tita na parang ang hirap ipaliwanag sa kaniya ang sitwasyon na mayroon ako ngayon kung gaano magpalaya sa taong minahal mo ng sobra. "Alagaan mo rin ang sarili mo, baka hindi mo napapansin nangangayayat ka na ang laki ng hinulog ng katawan mo ngayon." Halos tama si Izzy sa naging komento nito sa kaniya, pumayat nga siya sa halos tatlong buwan nang mawala sa kaniya si Alex. Hindi niya rin naman kasi kayang kumain sa bahay nila kung ang tiyahin niya lang na si Belen ang makikita niya. Mas mabuti pa 'yong palagi na lang siya sa labas at least d'on mararamdaman niyang malaya siya. Pakiramdam kasi ni Carmela, nasasakal siya sa bahay nila ng tiyahin, gustuhin niya mang umalis na sa poder nito hindi niya alam kung saan siya kukuha ng lakas gawin 'yon. "Mauna na ako sa 'yo, Carmela. May aayusin pa ako sa room ko." Tumalima si Izzy matapos magpaalam sa kaniya. Halos siya na lang ang naiwan sa loob ng room niya at umalis na rin ang iba. Hinintay lang pala siya ng mga ito para kamustahin siya, kahit papano nakakatuwa sa puso, aniya. Marami pa rin naman ang nagmamahal sa kaniya bukod kay Alex na hindi man lang nagtagal ang pagsasama nilang dalawa. Binaling ni Carmela ang tingin sa labas ng bintana ng silid niya. Naalala niya na naman si Alex, ang ilang linggong hinatid sundo siya nito sa trabaho niya. Parang kailan lang nangyari ang lahat ng 'yon at ngayon heto siya, nag-iisa. •• ISLA CATLEYA, MASBATE UNANG umaga mula nang makauwi si Kokoy sa bahay ni Camila. Tulad ng sinabi ng dalaga d'on ito natutulog sa silid muna ng dalawang dalagita. Wala naman itong reklamo at malaki ang pasasalamat nito sa kaniya. Balak niya ngayong pumunta ng palengke para ipambili ito ng mga damit na pwedi nitong gamitin habang nasa kaniya ito. "Ate luto na po ang almusal," untag ni Kalay sa pamamahinga ni Camila. Ayaw nya pa sanang lumabas ng silid nya, pero iniisip niya rin si Kokoy. Baka nagugutom na ito, ang sabi sa kaniya ni Bella hindi rin ito lumalabas sa silid nito. "Lalabas na ako," ani ni Camila rito. Tumalima naman ito matapos magpaalam sa kaniya. Inayos niya ang sarili, naka-bestidang puti siya na madalas niyang isuot kapag nasa bahay lang. Iniisip niya si Kokoy kung nakapagbihis ba ito! May isang pares naman siyang damit na binigay dito noong umalis sila ni Lauren n'on. Napasinghap si Camila nang pagmasdan niya ang mukha niya sa salamin sa ibabaw ng tokador niyang nagsisilbing lagayan ng mga damit nilang tatlo. Kinuha niya ang suklay at sinuklay niya ang mahaba niyang itim na itim na pantay na buhok, naging kayumanggi na ang kulay niya sa tagal ng panahon na pananatili niya sa isla. Tuluyan nang nawala ang maputing kulay ni Camila noong nasa kanila pa siya kasama ang mga magulang niya. Isa pang katok ang narinig ni Camila sa dahon ng pinto niya. This time si Bella naman ang kumatok sa kaniya. "Ate, labas ka na po." "Sigi na. Susunod na ako, Bella. Sandali na lang 'to." ILANG sandali nagpasya na siyang labasin ang mga 'to, hindi pa naman kumakain ang mga 'to kung wala siya. "Nagluto kami ng paborito mong itlog, Ate," salubong sa kaniya ni Kalay. Binigyan siya nito ng plato at ang paborito niyang tasa para sa kape niya. "Magandang umaga..." Napalunok ng tugong laway si Camila nang marinig niya ang isang boses na pamilyar mula sa likuran niya. "Magandang umaga, Kuya Kokoy.." halos sabay na pagbati ng mga dalagita sa lalaking kasama nila ngayon. Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya hindi siya makagalaw sa kinauupuan niya ngayon. "Pasensya na kayo, tinanghali yata ako ng gising," sabi ni Kokoy. "Okay lang po, Kuya Kokoy.. Halos kagigising lang din naman ni Ate Ylla. Hindi ba, Ate Ylla?" ani ni Bella sa kaniya. Wala siyang nagawa kun 'di sumang-ayon sa totoong sinabi nito. "K-kumain ka na." Alok ni Camila kay Kokoy na hindi man lang nagawang lingunin ito. "S-salamat." Naramdaman niya ang pagtabi sa kaniya ni Kokoy sa mahabang upuan kong saan siya nakaupo. Patay malisyang umusog si Camila at hindi man lang nagawang sulyapan ang lalaki sa gawi nito. "Good morning, Ylla..." "Ate, binabati ka ni kuya," untag ni Kalay sa kaniya. Wala siyang nagawa kun 'di ang humarap dito at pilit na ngumiti sa harap nito. Tsaka niya lang napansin na nakabihis ito ng plain white shirt na binigay niya rito bago siya nagpaalam kagabing matutulog na. "Magandang umaga rin, K-Kokoy." Isang matamis na ngiti ang pinagkaloob nito sa kaniya, ngiting hindi niya inaasahang matatanggap niya mula sa lalaki. Ang unang beses na ngiting nasilayan niya rito sa mahigit na tatlong buwang nasa tabi niya ito— ang ngiting hindi maipaliwanag ni Camila kung anong damdamin ang dala nito sa puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD