Welcome home, Kokoy.

1035 Words
ISLA CATLEYA, MASBATE "PASOK KA..." nahihiyang anyaya ni Camila sa lalaki. Nakalabas na ito ng hospital tatlong araw matapos itong ma-eksamin. Pinayagan naman ito ni Dok Paraiso, dahil tiwala itong kakilala niya nga nga ang lalaki at siya ang makakatulong para maka-alala ito. "D-dito ba a-ako n-nakatira?" nauutal at naguguluhang tanong sa kaniya ni Kokoy. Nilagay ni Camila ang gamit nito sa upuang kawayan sa maliit na bahay niyang sapat na sa kanilang tatlo ng mga alaga niyang si Bella at Kalay. "Taga-rito ba ako? I-ikaw ba ang kasama ko?" Hindi niya alam kung papano sasagutin ito. Nakatayo pa rin ito sa paanan ng pinto, sa mukha nito nandoon ang pag-aalangan na pumasok ito sa maliit niyang bahay. Iniwas ni Camila ang tingin dito at binaling sa may kusina nila, hinahanap ng mga mata niya ang dalawang dalagita. Sanay naman siya halos na wala ito kapag umuuwi siya, dahil madalas itong nasa bahay ng kaibigan o 'di kaya nag-iikot sa tabing dagat. 'Naglaro na naman siguro sila sa ilog,' aniya ni Camila sa sarili. Binaling niya ang tingin kay Kokoy. Hindi niya na rin nagawang palitan ang pangalan nito. Naisip niyang paninindigan na lang siguro ito hanggang sa bumalik ang ala-ala nito. "Pasok ka. Maupo ka muna, K-Kokoy. Ipaghahanda lang kita ng almusal mo." Hindi pa rin ito natinag kung saan ito nakatayo. Napansin rin ni Camila ang ginawa nitong pag-ikot nito ng paningin sa paligid ng bahay niya, naisip niyang naliliitan ang lalaki; dalawang silid lang ang mayroon siya, isang mahabang sofa na gawa sa kawayan at tatlong bangketo na nakapalibot sa bilog na may kaliitang misa, sa harap ng simpleng sala nandoon ang simpleng kusina nila na halos tatlong tao lang ang makakaikot at katabi n'on ang dalawang silid na pagmamay-ari niya at sa dalawang dalagita. Nagsalin ng tubig si Carmela sa isang baso at balak niyang ibigay ito sa lalaki. "Wala ka bang planong pumasok?" naiinis niyang tanong dito nang ilapag niya sa lamisa ang basong puno ng tubig na dala-dala niya. "Wala ka bang plano sagutin ang tanong ko?" balik tanong nito sa kaniya. Napataas kilay siya sa sagot nito sa kaniya. Hindi niya na nga halos matandaan ang tanong nito sa kaniya sa dami ng iniisip niya. "Uminom ka muna ng tubig, baka nauuhaw ka na." Alok niya rito. Umupo sa mahabang sofa si Carmela at binuksan ang 14 inches na TV nila, ang nagsisilbing pahinga niya kapag nasa bahay lang siya. "S-sino ang kasama mo rito? Ako lang ba?" muling untag sa kaniya ni Kokoy. Nakatayo pa rin ito sa pinto. Napapailing na lamang si Carmela sa inis na nararamdaman, ang buong akala niya mabait ang lalaki hindi niya akalaing may katigasan din pala ang ulo nito. Halos mamaos na siya sa kasasabing pumasok ito, pero nanatili pa rin itong nakatayo d'on. "B-bakit ayaw mo akong sagutin, Ylla?" Natigilan si Carmela sa akmang paglipat ng Chanel nang marinig niya ang ginawang pagtawag ni Kokoy sa pangalan niya. Hindi niya inakalang matatandaan nito ang sinabi niyang pangalan dito. "Kailangan mo kasing magpahinga muna, Koy. Hindi nakakabuti sa 'yo ang maraming iniisip," kalmadong sagot ni Carmela sa lalaki, kahit papano nawala ang kanina lang init ng ulo niya rito. "Uminom ka muna ng tubig, umupo ka o kung gusto mo magpahinga ka muna rito sa sofa, habang ihahanda ko ang magiging silid mo." Tumayo si Carmela at nilahad niya sa lalaki ang tinutukoy niyang pweding pamahingahan nito. Kanina habang nasa biyahe sila nagpasya siyang sa silid nina Kalay, manatili ang lalaki at ang dalawang dalagita ay sa silid niya muna. "Maraming salamat, Ylla. Hindi ko makakalimutan 'tong tulong mo." Napatingin lamang si Ylla sa lalaki— sinundan niya ng tingin ito hanggang sa nagpasya na itong makapasok sa bahay niya. Tumayo siya't pinagpatuloy ang binabalak na gagawin— kahit papano napangiti na lamang siya sa sarili. Mukhang tama siya sa naisip kanina, mukhang mabait nga ang lalaki at mali siyang sumagi sa isip niyang pasaway ito. "Sandali lang! Ihahanda ko lang ang magiging silid mo. Dito ka muna, huwag kang lalabas ng bahay ha." "S-sigi. S-salamat ulit!" Tumango-tango siya bilang tugon dito, hiling niya na lang na masunurin ito at sundin ang gusto niyang mangyari. Hindi naman ito mapapahamak sa labas, pero ayaw niya pa rin itong lumabas at baka kung ano ang isipin ng mga kapitbahay niya lalo na't dayo lang ito sa lugar nila. Isa pang tingin ang pinakawalan ni Carmela sa lalaki; nakaupo na ito ngayon sa sofa niyang kawayan at nakatuon ang mga mata sa TV, pagkatapos maubos ang isang basong tubig na alok niya rito kanina. ~~ LAGUNA, SALAZAR RESIDENCE. MASAKIT ang ulo ni Carmela nang gumising siya. Hindi siya halos nakatulog nagdaang gabi dahil sa ginawa niyang pag-abala sa sarili niya. Marami siyang natapos na home made activities crafts, para sa nalalapit na pagbubukas ng klase niya sa tinuturuang mga pre-school students niya. Malapit lang ito sa subdivision nila at halos d'on siya madalas puntahan ni Alex noong nanliligaw pa lang ito sa kaniya. Naalala niya na naman ang asawa. Mukhang hindi na naman matutuwa ang tiyahin nyang si Belen, kung hahayaan niya na naman ang sariling pumunta sa Pasay para tumungo sa sea side kung saan sila madalas na dalawa. Nagpasya pa si Carmela na humiga ng ilang minuto sa kama niya. Tinatamad siyang bumangon dahil kung ano na naman ang sabihin sa kaniya ng tiyahin niya't magkasagutan na naman silang dalawa nito. Kinuha ni Carmela ang cellphone niya at tiningnan kung may mahalaga siyang messages, galing sa trabaho o sa mga magulang ng mga batang tinuturuan niya. Pagtataka ang naramdaman ni Carmela nang may isang unknown request message siyang natanggap. Napataas kilay siya nang makilala kung sino ito— Ivan Arguelles. Galit na napasinghap si Carmela nang masigurado kung paano nalaman ng lalaki ang account niya. [ Hi! Sa napakagandang biyudang nakilala ko. Goodmorning, Miss Salazar... It's Spo1 Ivan Arguelles @ your service beautiful. ] - Ivan. Galit ang nanahan sa puso ni Carmela nang mabasa ang kabuuang mensahe nito— hindi siya nagdalawang-isip na i-block ito ng direkta. 'Biyuda mo mukha mo! Sira-ulo!' galit niyang usal sa sarili dahil sa mga sinabi ng mayabang na pulis na 'yon, aniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD