Belen Salazar

1075 Words
ISLA CATLEYA WALA man lang naintindihan si Camila sa mga sinabi ni Dok Paraiso nang kausapin siya nito pagkatapos magising ni Kokoy kanina. Hindi malinaw sa kaniya ang lahat kung ano ang nangyayari kay Kokoy at wala itong maalala. Naiintindihan niya naman kung bakit hindi siya nito kilala at kung saan ito naroon ngayon, pero ang hindi niya maintindihan kung bakit hindi nito kilala ang sariling pangalan at kung saan ito nagmula. Napapikit si Camila nang maalala ang panalanging nausal niya habang natutulog ito kanina. Ganoon na ba siya kalakas sa universe at nangyari agad ang lihim niyang hiniling na sana wala itong maalala? "Ate Ylla, maglalaba ho kami sa ilog, dala na namin lahat ng labahin mo," untag ng dalawang dalagitang alaga ni Ylla si Kalay at Bella. Ngumiti lang siya at tumango-tango rito, napakarami ng laman ng isip niya sa ngayon. Dapat nga masaya siya at gumising na si Kokoy, pero hindi niya alam kung saan siya kukuha ng lakas ng loob para ipaliwanag dito ang mga nangyari. Nagtatalo ang isip niya kung sasabihin niya ba ang totoo rito o paninidigan na lang ang mga sinabi niyang impormasyon sa hospital nang isugod ito. Mabuti na lang at wala siyang kailangan intindihin tungkol sa bayarin sa hospital— malaking tulong sa kaniya ang pagiging volunteer teacher niya, lalo na si Edmund na boy friend ni Lauren na anak ng kapitan sa baryo nila. Nilapit ng pamilya ng mga 'to sa mayor si Kokoy, para magkaroon ng malaking discount sa hospital na pinagdalhan niya rito. Naalala niya na naman ang lalaki. Iniwan niya ito kay Cecil nang magpasya siyang umuwi, para kumuha ng ilang gamit nito. Hindi pa rin siya mapalagay sa mga naiisip niya tungkol dito, mabuti na nga lang kanina dumating si Dok Paraiso at naipaliwanag nito ng maayos kay Kokoy ang lahat, bago ito bumalik sa pagkakatulog. Saglit lang itong nagising at natulog lang din ulit ito, matapos niyang matulala at walang maisagot sa marami nitong katanungan kanina. Napasinghap si Camila sa mga naisip niya. 'Kung tuluyan kang walang maalala, saan ako magsisimula para hanapin ang pamilya mo? Ano ba 'tong pinasok ko.' Hindi niya halos makapaniwalang bulong sa sarili para sa lalaki. Tama naman siya! Saan siya magsisimula kung siya mismo nagpasyang magtago sa sarili niyang pamilya. Magagawa niya bang tulungan si Kokoy kung wala siyang lakas para humarap sa mga taong hindi niya kayang pagkatiwalaan. Ayaw niya rin naman ipagkatiwala ang kaligtasan nito sa mga nurses sa hospital o kahit sino sa gobyernong nakilala niya na sa tagal ng panahon na nananatili siya sa Isla. 'Bahala na Kokoy! Bahala na. Sa ngayon gusto kong gawin muna ang tama. Iyon ay ang alagaan ka ng tuluyan sa sitwasyon mo ngayon.' Nagpasya si Camila na mag-ayos na ng sarili... Babalikan niya si Kokoy, hindi niya pweding iwan ito ng matagal sa hospital. Gayong wala itong naalala, ayaw niya rin naman itong mahirapan. Hindi niya rin pweding abalahin si Lauren, dahil sa pagiging abala nito sa palengke. Malapit na rin kasi magkaroon ng pyesta sa bayan, kaya talagang dinadayo ang pwesto nito sa gulay at prutas. Nahihiya nga siya sa kaibigan niya at hindi na siya gaano nakakatulong dito mula nang dumating sa buhay niya si Kokoy. 'Babawi ako sa 'yo, Lauren. Pangako ko 'yan!' ~~~ LAGUNA, SALAZAR RESIDENCE. SINADYANG hindi umuwi ng maaga ni Carmela pagkatapos nila magharap kanina ni Ivan sa presinto na pinuntahan nila ng tiyahin niya. Naiinis pa rin siya sa Tita Belen niya dahil sa mga sinabi nito kay Ivan. Halos kakikita niya pa lang dito at hindi niya ito kilala pero nagawa pa nitong banggitin si Alex sa lalaki. Napahawak si Carmela sa manibela ng sasakyan niya, sobra siyang nakaramdam ng sama ng loob sa tiyahin at inis sa lalaking bigla na lamang dumating sa buhay niya. Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan niya nang magpasya na siyang bumaba sa sasakyan niya. Tsaka niya naisip ang tawag sa kaniya ni Ivan— dahil sa Lancer ang kotse niya. Umiling-iling na lamang siya sa pagiging papansin nito habang binubuksan ang seradura ng main door nila at lihim na hinihiling na sana wala r'on ang Tiya Belen niya. "MABUTI naman at umuwi ka na. May pag-uusapan tayong mahalaga, Carmela!" Napahinto si Carmela sa paglalakad niya paakyat sa taas ng mula sa kusina lumabas ang tiyahin niya. Nakabihis na ito sa tantiya niya kanina pa ito nakauwi sa kanila. "Kamusta po ang report niyo?" tanong ni Carmela sa Tiya Belen niya nang magmano siya rito. "Maayos naman. Tinulungan ako ng kaibigan mong si Ivan." "Tita, hindi ko ho siya kaibigan," mabilis na sagot niya sa turan nito sa kaniya. "Kaibigan man o hindi basta mabuti at tinulungan niya ako, kaya dapat magpasalamat ka rin d'on sa tao." "Tita, wala akong dapat ipagpasalamat sa kaniya. Trabaho nila 'yon." Akma na sanang tatalikod si Carmela nang magsalita itong muli. "Kamusta na ang benepisyo mo sa pagkamatay ng asawa mo? Naasikaso mo na ba ang mga matatanggap mong pera, Carmela?!" Dahan-dahan siyang lumingon sa gawi nitong may pagtatanong ang mga mata. "Huwag mo sabihing hindi mo pa rin nilalakad ang karapatan mo, Carmela! Napakalaking pera ang matatanggap mo kapag pinagtutuunan mo ng pansin 'yan!" ani pa nitong lalong kinagalit niya. "Seriously, tita? Gusto mong kunin ko ang sinasabi mong benepisyo sa pagkamatay ng asawa ko, kahit na wala akong nakitang bangkay niya?!" "Babalik na naman ba tayo d'yan, Carmela? Paulit-ulit mo na lang sinasabi 'yang pinagpipilitan mo! Patay na si Alex! Patay na siya, Carmela!" may galit sa boses nitong pagkakasabi sa kaniya. "I can't believe you, tita! I can't believe you!" Pinili niyang talikuran ito, dahil kung hindi niya gagawin 'yon baka kung ano lang ang mga masasabi niya rito. Hindi napigilan ni Carmela ang mga luha niyang kumuwala mula sa mga mata niya habang paakyat sa taas ng silid niya. Hindi niya kayang paniwalaan ang tiyahin niya, ngayon gusto nyang isipin na kaya nito pinagpipilitan sa kaniyang patay na si Alex at wala itong ginagawang aksyon para malaman ang totoo dahil sa perang binanggit nito sa kaniya. Sa puso ni Carmela, alam niyang sa sarili niyang wala siyang interes sa kahit na ano'ng pera ni Alex dahil ang kailangan niya ito. Napasandal siya sa likurang bahagi ng pinto niya nang makapasok siya sa kaniyang silid. Napahawak na lamang si Carmela sa bahagi ng puso niya sa kirot na naramdaman mula rito dala ng sama ng loob sa tiyahin niyang si Belen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD