Kokoy Fajardo

1615 Words
STATION 3, LAGUNA. "Mrs. Carmela S. Arguelles," pagtatama ni Carmela sa tawag sa kaniya ng lalaki. "Nandito ako para i-report ang nangyari sa tita ko!" aniya pang napipikon na ang himig. Nalipat ang tingin ni Carmela sa tiyahin niyang nakatayo na ngayon sa tabi niya kaharap ang preskong lalaking nasa harap nilang dalawa. "Yeah. I know you. Sino ba naman ang makakalimot sa 'yo, magandang binibini?" ani ni Ivan kay Carmela. Tiningnan ito ng masama ni Carmela at ngumiti ng pilit sa harap nito. "Tulad ng sinabi ko nandito ako para i-report ang nangyari sa tiyahin ko at hindi ang makipagbiruan sa 'yo, Mister!" may pagkapikon sa boses ni Carmela nang sambitin niya ito sa harap ng lalaki. Ang presko at ang yabang ng dating nito para sa kaniya. "Magandang araw sa 'yo, Ma'am Salazar..." Napataas kilay si Carmela nang basta na lamang kinuha ni Ivan ang kamay ng tiyahin niya't dinala ito sa sariling nuo nito. "Magandang araw din sa 'yo, Hijo. Mainam at may pulis pa lang kaibigan dito ang pamangkin ko." "Hindi ko po siya kaibigan, Tita." Mabilis na pag-agaw ni Carmela sa sinabi ng tiyahin niya sa lalaki. Para sa kaniya 'yon ang totoo, hindi niya kakilala at lalong hindi niya kaibigan ang lalaking 'to. Minsan niya lang ito nakita nang muntik siya nitong pakialaman sa pamamahinga niya sa tabi ng daan. Kung alam niya lang sana na d'on ito naka-destino, hindi siya mag-aatubiling pumunta d'on para samahan ang tiyahin niya. "Magiging kaibigan pa lang ho, Tita." "Excuse me?! Baka pweding kunan mo na ng report si tita o kung hindi man ikaw 'yon, baka pweding may makausap na kami, Mister! Dahil kung hindi mo naitatanong kanina pa kami nandito!" mataray niyang pagkakasabi sa harap nito. "Carmela... Ano ba 'yang pinagsasabi mo!" Napatingin si Carmela sa tiyahin niya, mukhang nag-iba yata ang ihip ng hangin, aniya sa isip niya. "Tita, may lakad pa ako." "At saan ka na naman pupunta? Sa lugar na naman na pinupuntahan niyo ng namatay mong asawa?!" galit na untag sa kaniya ng tiyahin niya. Halos hindi makapaniwala ni Carmela at sa harap pa mismo ng lalaki, sasabihin ng tita niya 'yon. Galit na napalunok si Carmela. Isang pagsinghap ang pinakawalan niya't walang lingon likod na tumalikod at tuloy-tuloy na umalis at iniwan ang mga ito ng walang paalam. "P-patay na asawa ho?" nag-aalangang tanong ni Ivan sa nakilala niyang tiyahin ni Carmela. "Matagal na! Hindi lang matanggap ng pamangkin kong biyuda na siya." SINUNDAN ng tingin ni Ivan ang papalayong si Carmela, hanggang sa makasakay ito sa kotse nitong maayos na nakaparada sa harap ng presinto. Bakit hindi ko man lang naisip na biyuda siya? She's too young! aniya sa kaniyang sarili. Inaamin niyang hindi ito halos nawala sa isip niya mula nang makita niya ito nagdaang-araw at hanggang sa pag gising niya hinanap niya ang social media accounts ng babae. "Tita, can ask you thing?" "Sure, hijo. Ano 'yon?" "May fanbook ba si Carmela? O, instadarm?" nahihiya niyang tanong dito. Umaasa siyang matutulungan siya nito. Tutal nandoon na rin naman ang ginang, bakit hindi niya na lang patayin ang hiya niya para mas makilala pa ang babae. "Mariah Arguelles, hindi ko lang alam kung nagpalit na siya ng pangalan niya sa fanbook niya, hijo," magiliw na sagot sa kaniya ng ginang. Agad na kinuha ni Ivan ang cellphone niya sa suot niyang pantalon at nagsimulang i-search ang pangalan ng dalaga. "Binggo..." bigla niyang nausal sa sarili nang makita ito. Sa kasamaang palad naka-lock ang profile ni Carmela at tanging cover photo lang ang siyang pwedi mong makita— dalawang pares ng wedding ring na may nakaukit na February 16, 2021 "By the way, tita. Sasamahan ko po kayo sa investigation department para matulungan kayo sa case niyo." "Salamat naman, Sir Ivan." "Ivan na lang po. Let's go po." Masayang nilahad ni Ivan ang kamay niya sa harapan ng ginang. Malaki ang naging tulong nito sa kaniya para magkaroon ng impormasyon kay Carmela. Hindi niya alam, pero para sa kaniya may umukit na isang espesyal na bahagi sa isip niya si Carmela. ~~~ ISLA CATLEYA | MASBATE KABADO si Camila nang pagpadating niya sa hospital ay naabutan niyang pinagtutulungan ng mga nurses at doktor si Kokoy. Ayon sa isang nakausap niya, bigla raw itong nagising kanina. Timing naman at wala siya sa tabi nito— sinadya niyang puntahan si Lauren sa palengke sa bayan dahil hindi man lang ito nakadaan sa kaniya't sobra siyang nag-alala dito. Nasa loob pa ang lahat at ang sabi ni Cecil maghintay na lang daw siya sa labas habang ini-iksamin si Kokoy. Parang hinahabol ng sariling hininga si Camila, kaba ang nangingibabaw sa kaniya. Hiling niya na sana maging maayos si Kokoy, nang maisip ang mga sinabi ni Cecil noon na posibleng magkaroon ito ng komunikasyong hindi niya maintindihan. "Miss Ylla Santos..." Napatayo si Camila nang makita niyang lumabas si Doc. Thunder Paraiso, kilala niya na ito dahil ito rin ang madalas magkaroon ng medical mission sa bundok kong saan siya nagtuturo. "K-kamusta ho ang kaibigan ko, Dok?" nag-aalalang tanong ni Camila rito. Ngumiti ito sa kaniya. "He's fine. Any moment from now, tuluyan na siyang gigising." Nakahinga ng maluwag si Camila sa sinabi nito— isang magandang balita 'yon para sa kaniya. Tiningnan niya ang pinto kung saan naroon si Kokoy; may bahagi ng puso niya ang natutuwa dahil gigising na ito at sa kabilang bahagi ng puso niya nandoon ang lungkot dahil kaakibat n'on ang pagkilala nito sa sariling pamilya nito. "S-salamat po, Dok. Maraming salamat po sa pag-aasikaso niyo kay K-Kokoy," nauutal niyang sabi rito. Sigurado si Camila na sa pag gising ng lalaking pinangalanan niyang Kokoy, kasama nito ay ang malalaman niya na ang totoong pangalan at katauhan ng lalaki. It will not be longer Kokoy Fajardo, gaya ng nakasanayan niyang itawag dito kahit wala itong malay tao. "Mauna na ako sa 'yo. God bless, Ylla." Dahan-dahang naglakad si Camila, hanggang sa makapasok siya ng tuluyan sa silid nito. Hindi niya man lang namalayan na nakalabas na rin ang ilang kasama ni Doc. Paraiso kanina. Napasinghap siya't tinuon ang pansin kay Kokoy. "Gigising ka na raw, Kokoy. Ibig sabihin niyan, hindi na ikaw si Kokoy. Malalaman ko na ang totoo mong pangalan. Babalik ka na sa inyo... Babalikan mo na ang asawa mo." Dahan-dahang lumapit si Camila sa gilid ng bed side table ng lalaki, nandoon pa rin ang singsing na sa tingin niya at hindi siya pweding magkamali na isa itong wedding ring; tunay na ginto ito mabuti na lang at walang kahit na sino ang nagka-interes kahit na iniiwan niya ito ng maraming beses. February 16, 2021 ang petsang nakaukit sa singsing nang sinipat niya ito. "Sana hinahanap ka niya... Hindi katulad ng mga magulang kong pinabayaan na ako, Kokoy. Sana iba ang asawa mo at ang pamilya mo. Sana hanapin ka nila!" malungkot niyang usal habang nakatingin siya sa maamong mukha nito. Matangos ang ilong ng lalaki, maputla ang labi nito dala na rin siguro ng matagal na pamamalagi nito sa hospital, malago din ang buhok nito at ang pilikmata nito'y mahaba at ang mas nagbigay sa kaniya ng atraksyon ay ang makapal nitong kilay. Sumakatuwid, magandang lalaki ito. Napasinghap si Camila kasabay ang mapait na ngiting sumilay sa labi niya. 'Sana... Sana hindi mo muna sila maalala..." Natigilan ang dalaga nang ma-realize niya ang hiling na sumagi bigla sa isip niya. Umiling-iling siya at bakit niya naisip ang mga bagay na 'yon. "No! No! No! I'm sorry!" sunod-sunod niyang sambit sa sarili. Napahawak siya sa sariling sentido niya. Kailan pa siya natuto humiling ng mali sa isang tao? 0 Ang makarasili mo Camila! Naiinis niyang bulong sa sarili. Tatalikod sana ito dala ng inis sa kaniyang sarili nang bigla siyang natigilan dahil sa mabagal na pagkurap-kurap ng lalaki. Wala sa sariling bigla niyang naibulsa ang singsing na kanina lang hawak-hawak niya. "K-Koy? K-Koy? K-Kokoy..." Mabilis ang naging kilos ni Camila at hinawakan ang kamay nito, tuluya itong dumilat tinuon ang pansin sa iisang direksyon na bahagi ng silid na 'yon. "Oh my god! Ano ang gagawin ko? Tatawag ba ako Doctor? May masakit ba sa 'yo? Hello! Hello!" untag ni Camila rito. Binitiwan niya ang kamay nito at mabilis siyang lumabas ng silid para tumawag ng nurse na pweding tumingin sa lalaki. "Nurse... Nurse... Nurse." Malakas na pagkakatawag ni Camila at muling binalikan ang lalaki. Gising na nga ito at ganoon na lamang ang pagtataka niya na wala man lang siyang nababasang emosyon sa mga mata nito. "Hi! Hello! Naririnig mo ba ako? Ako 'to si Ylla ang nag-alaga sa 'yo! Hi..." sinubukan niyang kunin ang atensyon nito, pero sadyang wala man lang nagbago sa reaksyon nito. Maya-maya may tatlong nurse ang nag-uunahang pumasok sa loob. Mabilis ang paghinga ni Camila nang pinagmamasdan niya kilos ng mga 'to— kaniya kaniyang check sa lalaki. "He's fine. He's fine, Ylla," ani ni Cecil sa kaniya nang lingunin siya nito sa gawi niya. "Fine? Okay lang siya? Pero bakit... bakit ganyan?" Ang pagiging tulala ng lalaki ang tinutukoy ni Camila sa sinabi sa kaniya ni Cecil. Lumapit ito sa kaniya't hinayaan ang dalawang tingnan ang lalaki. "Okay lang siya. It's normal reaction sa ilang buwan niya ring walang malay." Tinapunan ng tingin ni Camila ang lalaking nakatutok pa rin ang tingin sa kisame ng silid na 'yon. Dahan-dahang lumapit si Camila rito, wala sa sariling hinawakan ang palad nito. "K-Koy... K-Kokoy, gising ka na. Okay ka na raw," ani ni Camila rito. Napayuko siya sa kamay niyang nakahawak lang sa mga daliri nito. Maya-maya nagulat ang lahat ng bigla itong nagbaling ng tingin sa kaniya't nagsalita... "N-Nasaan a-ako? S-Sino k-ka? S-Sino ako?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD