KAHIT na ano'ng gawin ni Carmela hindi man lang siya dalawin ng antok.
Hindi mawaglit sa isip niya ang mga narinig mula sa tiyahin niya.
Ilang beses nitong pinagpipilitan sa kaniyang patay na ang asawa niya.
Ano ba ang magagawa nito kung umaasa pa rin siya? Wala naman masama kung sakaling ayaw niyang maniwala sa kahit na ano mang sinasabi nito.
"I'm sorry, Lex! Hindi ko alam kung paano ko masasabi kay tita na hindi totoo mga pinaniwalaan niya.'
Napapikit si Carmela. Nasasaktan pa rin siya. Hindi naman ganoon kadaling kalimutan ang lahat.
May sumpaan sila ni Alex at hindi ito basta-basta mawawala sa puso niya.
Napasinghap si Carmela nang maalala ang unang beses silang nagkita ni Alex.
"Hi, Miss Flat tire?"
Nagtaas ng tingin si Carmela sa boses na biglang sumulpot sa likuran niya. Isa itong lalaki na ngayon niya lang nakita sa lugar na may kalayuan sa subdivision nila.
"Oo eh."
Tumayo si Carmela para harapin ito. Mukha naman itong mabait, aniya sa isip niya.
"May extra ka bang gulong? I can help you to change your tire, miss."
"Carmela... Carmela Salazar."
Nilahad ni Carmela ang kamay niya sa lalaking kaharap. Gaya nga ng sinabi niya mukhang mabait naman ito.
"Alex... Alex Arguelles."
Tinanggap nito ang kamay niya't nagpakilalang Alex sa kaniya. Ngumiti sila sa isa't isa at mabilis na binawi ng dalaga ang palad niya mula rito.
Iyon ang simula ng magandang pagkakaibigan nila ni Alex sa isa't isa.
Hanggang isang araw natagpuan niya na lang ang sarili niyang minahal niya ang lalaki.
"Ang iksi ng panahon natin, Lex. Masyado ka kasing madaya eh. Nang-iwan ka ng sobrang maaga. Sana kung buhay ka, bumalik ka na. Ipagpatuloy natin ang lahat, Alex."
Mabigat ang pakiramdam na pinikit ni Carmela ang mga mata niya. Gabi-gabi na lang ganito siya, kung hindi siya umiiyak ang pakiramdam niya naman ay kulang na kulang siya.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko! Hindi ko na alam, Alex. Nalulunod na ako sa lungkot! Hindi ko alam kung makakaya ko pa 'to! Bumalik ka na, Alex. Bumalik ka na hangga't kaya ko pa gumising na umaasa!"
Halos hindi makahinga si Carmela sa sakit ng dibdib niya.
~~
ISANG magandang umaga ang sumalubong kay Camila nang gumising siya.
Agad siyang bumalikwas ng bangon nang maalala na may isang tao pa pala siyang kasama sa silid na 'yon.
"Magandang umaga, Ma'am Ylla."
Napatingin siya sa kaliwang gilid niya. May isang nurse d'on na may mukhang inaayos ang mga gamot ng lalaking pasyente niya.
"Hindi pa ba siya gumigising?" tanong ni Camila rito.
"Hindi pa rin, pero sabi ni dok normal na ang lahat sa kaniya. Huwag ka ng mag-alala kay Mr. Fajardo..."
"Pero sana gumising na siya."
"Pakiramdam ko gigising na siya sa lalong madaling panahon, Ylla."
Tumingin siya at ngumiti rito.
"Salamat sa pag-aasikaso kay Kokoy. Matutuwa 'yan pag gising niya."
"Naku! Ikaw ang dapat niyang pasalamatan dahil hindi mo siya iniwan. Siguradong sa 'yo siya mas matutuwa, Ylla. Grabe 'yong pag-aalaga mo sa kaniya. Parang ngang ayaw kong maniwalang kaibigan mo lang siya."
Natatawa na lamang si Camila sa turan nito sa kaniya. Sinasabi na nga ba niyang wala talagang kahit na sino ang naniniwala sa relasyon niya rito. Mas lalo naman siguro kung sasabihin niyang hindi niya ito kilala.
"But kidding aside. Sana kapag gumising siya, maayos siya."
Natigilan si Camila sa narinig niya mula rito. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makalapit sa gawi ng pinangalanan niyang si Kokoy.
"An'ong ibig mong sabihin, Cecil?" tanong niya ritong may pag-alala.
"Marami kasing pweding mangyari, Ylla. Maaring magkaroon ng iba't ibang komplikasyon si Kokoy na hindi natin nakikita sa ngayon, ang tatlong buwan na walang malay ay hindi biro."
May pag-aalala sa mga matang binaling niya ang paningin niya kay Kokoy.
"But tiwala lang. Sigurado naman iba ang case ni Kokoy."
"Kinakabahan naman ako sa 'yo, Cecil."
"Wala kang dapat kabahan, Ylla. Tulad nga ng sabi ko tiwala lang."
Tumango-tango si Camila dito. Sang-ayon naman siya sa sinabi ni Cecil, isa pa they need to wait first sa recovery ni Kokoy o kung ano man ang totoong pangalan nito.
Nagpaalam sa kaniya si Cecil, tapos na itong i-check si Kokoy.
Napatingin siya sa relong nakasabit sa may dingding ng silid; alas-nuwebe na pero wala pa rin si Lauren.
Nakasanayan niya na rin itong maghatid sa kaniya ng pagkain, baka abala lang ito sa palengke 'yon ang tumakbo sa isip ni Camila.
Ilang sandali darating na rin ito para dalawin siya, hihintayin niya na lang ang kaibigan.
"Goodmorning, Kokoy. Mukhang masarap na naman ang tulog mo ah, at hindi ka na naman yata gigising ngayon. Hindi ka ba boring? Palagi ka na lang natutulog. Gising ka na! Kapag gumising ka, pangako ililibot kita sa Isla at mag-hiking tayo, isasama kita sa eskwelahan na tinuturuan ko bago ka bumalik sa inyo," nakangiting kausap ni Camila sa lalaki.
Sana naririnig mo ako! Lihim niyang hiling sa sarili nya.
Napasinghap na lamang si Camila at tinanggap sa sarili na lilipas na naman ang araw na iyon na hindi ito gigising.
"Panibagong dasal na naman 'to! Pero kakapit ako, dahil ganoon ginagawa ng mga taong nagmamahal sa 'yo ngayon. Pinagdadasal ka rin nila, sure ako d'on."
~~
ILANG oras nang nasa presinto si Carmela kasama ang Tiya Belen niya, nandito sila ngayon para magreklamo sa nag-snatch ng bag nito sa simbahan.
Bagamat hindi nakilala ng tiyahin niya ang lalaking bigla na lamang kumuha ng bag nito habang naglalakad ito, mabuti na 'yong ma-report nila agad ang insidenteng 'yon para naman maging aware ang lahat at may ganoong eksena sa lugar na 'yon.
Sa tingin ni Carmela, dayo ang lang ito.
Matagal na sila sa Laguna at wala silang nabalitaan na kahit na ano, maliban lang ngayon at hindi niya inaasahan 'yon. Ang sabi ng tiyahin niya wala naman daw malaking pera sa bag na 'yon, ang nandoon lang ang cellphone nito at ilang rosary na remembrance nito mula sa mga madre sa kapilya.
"Okay ka lang ba, tita?" tanong ni Carmela rito.
Palagi silang nagbabangayan ng tita niya, pero sa puso niya mahalaga ito sa kaniya.
Ito na lang ang mayroon siya at tulad ni Alex ulila rin siya mula sa kaniyang pamilyang ina at sa kaniyang ama na mula pagkabata hindi nya nakilala.
"Ang sira-ulong 'yon! Humanda talaga siya sa akin kapag nakita ko siya!" galit nitong sagot sa kaniya.
Bahagyang natawa si Carmela sa reaksyon nito sa kaniya. Kahit kailan o kahit saan talaga matabil ang dila ng tiyahin niyang 'to.
Binaba ni Carmela ang tingin sa mga magazine ng round table sa station kung nasaan sila ngayon. Dadamputin niya sana ang isa para magbasa nang bigla na lamang siyang may narinig na boses sa harapan nila kung saan sila nakaupo ng Tita Belen niya.
"Oh... Misis Lancer? I mean, Mrs. Arguelles.."
Dahan-dahang nagtaas ng tingin si Carmela sa lalaking nasa harap niya base sa pares na rin sa baritonong boses nitong pamilyar na rin sa kaniya.
At hindi siya pwedeng magkamali...
"Ikaw nga... Hi! How are you? It's Ivan... Ivan Arguelles."
Sinundan niya ng tingin ang palad nitong nakalakahad sa harap niya.
"At your service, Mrs. Arguelles..." ani pa nito.