Camila Santos

1029 Words
CAMILA SANTOS "SIGURADO ka bang hindi mo yan kilala, Ylla?" Ilang beses na yata itong itanong sa kaniya ni Lauren ang naging kaibigan niya sa Isla mula nang makatakas siya sa mga dumukot sa kaniya at dito sa Masbate siya napadpad. "Hindi nga! Magtiwala ka sa akin, hindi ko talaga siya kilala. Nakita lang namin siya ni Mameng sa tabing dagat." Sabay namin tiningnan ang lalaking wala pa ring malay pagkatapos ng tatlong buwan nang makita nila ito ni Mameng. "Kamusta raw? Ano ang sabi ni dok?" muli nitong untag sa kaniya. Umupo siya sa isang silya katabi ng hospital bed ng lalaki, wala pa rin itong pagkakilanlan. Natatakot naman siyang humingi ng tulong sa kahit saan at baka isa 'yon sa ikakapamahak nya. "Hayaan mo na lang. Huwag na nating alamin kung sino talaga siya. Hintayin na lang natin siyang gumising, Lauren para naman makabalik na siya sa kanila." "Hindi mo kasi naiintindihan, Ylla. Malay mo, hindi siya mabuting tao o ang kinatatakot ko pa ay sugo pala siya ng mga animal at muli kang mapahamak!" Nakaramdam ng kaba si Ylla sa mga sinabi ni Lauren sa kaniya. Maaaring tama ang kaibigan niya. Mariing tiningnan ulit ni Camila ang lalaki, mukha naman itong mabait, sigaw ng isip niya. "Huwag mo na akong alalahanin, Lauren. Maraming salamat sa pag-aalala, pero sa tingin ko naman hindi siya masamang tao." "Mag-iingat ka pa rin. Huwag kang masyadong magtiwala." Tumango-tango si Camila bilang tugon sa sinabi sa kaniya ni Lauren. Isa ito sa bukod tanging pinagkatiwalaan niya sa Isla. Kahit kailan hindi niya ito nakitaan ng ikakapahamak niya. Malaki ang utang na loob niya sa dalaga lalo na nang protektahan siya nito sa lahat ng pweding ikakapahamak niya. "Magpapaalam muna ako sa 'yo at kailangan kong pumunta ng pwesto sa palengke. Mag-iingat ka rito, Ylla." Paalam nito sa kaniya. Tumango-tango siya kaibigan bilang tugon. Nagpapasalamat siya't nandito ito sa tabi niya at hindi siya nagawang iwan mula nang makita nila ang lalaking nasa tabi niya ngayon. Hinalikan siya nito sa pisngi at agad ng magpaalam sa kaniya. Hindi na nagawang pigilan ni Camila si Lauren. "Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa 'yo. Pero sana gumaling ka na at makabalik ka na sa pamilya mo. Alam kong nag-aalala na rin sa 'yo, katulad ng pag-aalala sa akin ng mga magulang ko!' malungkot na usal ni Camila sa sarili para sa lalaki. Bigla siyang nalungkot nang maalala ang pamilya niya, lalo na ang mommy niyang alam niyang sobrang nag-aalala sa kaniya. "Gumising ka na, mister! Balikan mo na sila," aniya pa. Napatingin siya sa daliri nito. Kasunod ang pagsulyap niya sa nag-iisang gamit nito sa katawan na na-recover mula rito. Noon niya pa napansin ang singsing sa bedside table ng higaan nito, kinuha ito ng isang nurse nang sumailalim ito sa operasyon sa natamong sugat sa tagiliran niya na ayon sa doctor nahampas daw ng malakas na alon. 'Kasal ka na ba? Gaano na kayo katagal? For sure, sobrang worried at miss ka na niya. Sayang 'no! Kung wala lang naghahanap sa akin, sana hinanap ko na ang sila.' 'Pero paano kung nasa panganib din pala ang buhay mo?' Bigla siyang natigilan. Napasinghap siya sa mga naisip. Bakit ba naman kasi may mga masasamang tao sa mundo? Katulad na lamang niya, hindi niya alam kung bakit siya nagawang dukutin n'on. Maswerte na nga lamang siya't nagawa niyang makatakas mula sa mga masasamang loob. Pero malakas ang kutob ni Camila na may kaugnayan sa pagkalulong sa sugal ng daddy niya kung bakit marami ang nagka-interes sa buhay niya. Nag-iisang anak si Camila ng isang mayamang mag-asawang negosyante sa Baguio. Nagkadansira-sira lang ang buhay nila nang malulong sa sugal ang daddy niya't naubos ang mga negosyo nila. Hanggang sa hindi na nakabayad ang mga ito at siya ang hinabol ng mga taong pinagkakautangan ng ama niya. 'Sana hindi na nila ako makita! Kahit hindi na rin ako makita nina daddy, ayos lang! Ang importante mawala ako sa tabi nila at maramdaman nila kung gaano ako kahalaga! Na anak nila ako..." naiiyak niyang turan. Isa pang buntong-hininga ang pinakawalan ni Camila. Naalala niya na naman ang mapait na karanasan sa buhay niya, halos kalahating taon na rin ang lumipas at mabuti na lang ligtas siya hanggang ng mga sandaling 'yon. Nag-volunteer siyang maging guro ng mga katutubong mga Mangyan sa Isla— isa iyon sa nagpapakumpleto ng buhay niya ngayon. Masaya si Camila sa natagpuang mundo sa mapait niyang karanasan mula sa mga dumukot sa kaniya. Hindi na rin siya naghabol para maparasuhan ang mga ito, para sa kaniya isang blessings ang ginawa ng mga 'to. Minsan nga iniisip niya na lang na sugo ng universe 'yong nangyari sa kaniya. Napadpad siya sa mundo na labis niyang ikakasaya at mabuti na lang din mayo ngayon. Bakasyon ng mga bata kaya pwedi niyang bantayan ito. Tatlong buwan na rin halos sa tabi niya ang lalaking walang malay pa rin hanggang ngayon at sa susunod na buwan magsisimula na ang pasukan sa munti nilang eskwelahan, maiiwan niya muna ito para asikasuhin ang mga estudyante niya. 'Sana gumising ka na, mister. Hindi naman kita maiwan dito.' Isa pang tingin ang pinakawalan niya sa lalaki. Mukha lang itong natutulog, mabuti na nga lang at wala na itong maraming aparato sa katawan kaysa noong una at dalawang buwan. Ang sabi ng doktor maayos naman ang vital signs nito at wala siyang dapat ipag-alala dahil malayo sa peligro ang lalaking wala man lang pagkakilanlan. Hindi rin alam ni Camila kung naniniwala ang mga ito sa kaniya na kaibigan niya itong dinalaw siya ngunit sa kasamaang palad nagkaroon ng aksidente sa bangka na sinasakyan nito papunta sa Isla. Napangiti siya ng maalala ang pangalang inimbento niya para dito— Kokoy Fajardo. 'Pasensiya ka na ha, ang cute lang kasi ng Kokoy. Mukhang bagay naman sa 'yo,' nakangiti niyang kausap dito. Hiling niya na sana hindi ito magalit kapag ginawa niya ang bagay na 'yon. Siguro naman hindi at wala naman siyang pweding pagpilian, kailangan ni Camila maniwala ang mga taong gumagamot sa lalaking kilala niya ito dahil kung hindi baka mapahamak lang ito kung sakaling tulad niya nanganganib din ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD