Ivan Arguelles

927 Words
IVAN ARGUELLES HINDI man lang nagawang sundan ni Ivan ang papalayong dalaga. Hindi niya napaghandaan ang mabilis na kilos nito para magmaneho ulit. 'Tama ba ang narinig kong Arguelles ito? Misis Arguelles! Wait! Kasal ba kami? Asawa ko ba ang magandang binibini na 'yon?' natatawang tanong na lamang ni Ivan sa sarili. Malamang hindi. Ngayon niya lang nakita ang babaeng 'yon sa tanang buhay niya— isa pa may long time girlfriend siyang si Maggy na nasa Amerika at nurse ang trabaho r'on. Imposible naman ang mga iniisip niya. Masyado naman maganda ang estrangherang 'yon para maging instant asawa niya. 'Ambisyoso!' agap na bulong ni Ivan sa sarili. Napapailing na lang siyang naglakad pabalik sa sasakyan niyang nakaparada sa unahan ng bahagi ng Lancer na nagpakilala sa kaniyang Carmela Salazar Arguelles. Misis na pala 'to. Sayang naman,' wika niya pang natatawa. 'Ka-apelido lang ako ng maswerteng asawa n'on. Mabuti na lang,' dugtong niya pang natatawa. Natigilan si Ivan sa akmang pagbukas sa pinto ng kotse niya. He's still thinking about Carmela; naisip niyang napakaganda ng pangalan nito bagay na bagay sa magandang mukha nito. 'Saan ko naman kaya makikita ito ulit? Ang tanong kung makikita ko pa ba ito? Pangalan niya lang ang alam ko. Alam ko na pwedi ko siyang hanapin sa social media, sana naman may fanbook 'to.' Kinuha niya ang cellphone niya sa jacket niyang dala at sinubukang hanapin sa social media accounts niya si Carmela. 'Ano ba ang spelling ng pangalan n'ong? Carmela? Carmila? Carmilla? Carmella? Bakit wala. Imposible naman na walang kahit na ano'ng social media accounts ito, mukha pa naman hindi basta-basta ang estrangherang 'yon,' kausap ni Ivan sa sarili niya. [ SPO1 IVAN ARGUELLES, HINAHANAP KA NA SA LAGUNA POLICE DISTRICT. ]_ Ito ang natanggap na message ni Ivan mula sa kanyang partner nang ilipat siya sa Laguna. Hindi niya man lang namalayan na ilang minuto na pala siyang nakahinto sa tabi ng daan. Muli niyang pinaharurot ang sasakyan niya. Luma na pala 'tong Honda niya, ibang-iba sa sasakyan na mayroon si Carmela, aniya ng isip niya. 'Makakabili rin ako, kapag natapos ko na ang assignment ko rito. Gusto ko na bumalik ulit ng Baguio, mahirap dito sa Laguna at wala akong ibang kakilala...' ani niya sa sarili. Naisip niya ang kaso niya sa Laguna, kailangan niyang hanapin ang suspek sa pagdukot kay Camila Cruz at maibalik ang dalaga sa pamilya nito sa Baguio. Sa huling report ay nasa isang isla 'to malapit lang sa Batangas, pero dahil taal na taga-Laguna ang lumabas sa profile ng suspek kaya siya ang pinadala ng Hepe nila sa precinct destrict. Muling naalala ni Ivan ang babaeng nakita niya kanina— may tunog ito sa pangalan ng hinahanap niya, pero mukha naman malayo ang mukha ng dalawa. Mula sa brown envelope nilabas ni Ivan ang mga larawan ni Camila— maganda din ito, maitim ang buhok, kayumanggi ang kulay at may dalawang biloy sa pisngi sa bente-tres lang itong si Camila ayon sa pamilya nito at higit sa lahat wala itong asawa. MASAKIT ang ulo ni Carmela nang makarating siya sa bahay nila. Mas sumidhi ang sakit nito nang maalala ang lalaking basta na lamang dumating sa gitna ng pamamahinga niya sa daan. 'Ano ang akala n'on sa akin, weak?' aniya sa sarili. Natigilan siya nang maalala ang buong pangalan nito Ivan Arguelles. 'Magka-apelido pa pala sila ni Alex,' aniya sa kaniyang sarili. Malayo naman itong maging kamag-anak ni Alex, aniya. Pinanganak at lumaki ang nobyo nya sa Cebu, nag-iisa rin itong anak at ulilang lubos na mula sa mga magulang. "Mabuti at dumating ka na!" may galit sa himig ng tiyahin niyang si Belen. "Mano po, tiya!" Nilahad ni Carmela ang kamay niya rito. Tinanggap naman nito at dinala nito sa sariling nuo. "Saan ka na naman nanggaling? Sa Manila na naman ba, Carmela?" tanong nito sa kaniya. Tuloy-tuloy itong naglakad hanggang sa makaupo sa humba-humba nitong kawayang bangko. Sinasabi na nga ba niya, aniya sa isip niya. Inaasahan niya naman na sermon ang isasalubong nito sa kaniya. Just like of what she thinking kanina lang. Ano pa nga ba ang bago? aniya ni Carmela. "Kailan mo ba titigilan ang kahibangan mo, Carmela? Patay na si Alex! Patahimikin mo na siya, hija!" Natigilan sa paanan ng pintuan si Carmela. Hindi natuloy ang pagpasok niya sa bahay nila nang maranig ang mga sinabi nito. "Patay na si Alex! Bakit hindi mo kayang tanggapin?" aniya pa nito. Hindi pa yata nakuntento at muli pang inulit-ulit sa kaniya. "Wala hong may nakitang bangkay ni Alex!" mahinang sagot ni Carmela sa tiyahin, pero sapat na para marinig nito ang sagot niya rito. "Gumising ka na, Carmela! Hindi matatahimik si Alex kapag lagi mo siyang iniisip!" "Tita... Asawa ko si Alex! Asawa ko ang pinagpipilitan mong patay na! Wala pang tatlong buwan nang ikasal kami, Tita! At hanggang wala akong nakikitang bangkay ng asawa ko... Maniniwala akong buhay siya!" may diin ang bawat salitang binitiwan ni Carmela sa tiyahin niya. Walang lingon likod siyang umakyat sa taas papunta sa silid niya. Dinaanan niya ang tiyahing hindi nakasagot sa mga sinabi niya rito. Masakit para kay Carmela ang nais nitong paniwalaan niya. Siya na lang ang natitirang mayroon siya ni Alex at hindi niya hahayaang mawalan ng hustisya ang pagkamatay nitong hindi niya pinaniniwalaan kahit aksidente pa ang nangyari sa asawa. "Hindi ako susuko, Alex! Hindi ako susukong hanapin ka, patay man o buhay hahanapin kita!" Hindi napigilan ni Carmela ang mga luhang kumuwala mula sa mga mata niya nang maalala ang pangako sa asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD