Carmela Salazar

1013 Words
KAY TAGAL KITANG HININTAY CARMELA SALAZAR 'HI Lex! Nandito ako kung saan tayo madalas! Na-mi-miss na kasi kita. Bakit ba kasi ang bilis mong magpaalam? Ang bilis mo mang-iwan, Lex! Hindi man lang natin nagawa ang lahat ng pangarap natin sa isa't isa!' Hindi namalayan ni Carmela ang sunod-sunod na pagpatak ng mga luha niya nang maalala ang asawang pinaniniwalaan ng lahat na namatay dahil sa paglubog ng barkong sinasakyan nito sa trabaho nito bilang kapitan ng barko. 'Ayaw kong hingin na bumalik ka, Alex! Kasi gusto rin kitang patahimikin kung nasaan ka ma ngayon! Pero ang sakit pala kapag palagi kitang naalala!' Napahawak sya sa manibela pagkatapos pahiran ng palad niya ang mga luhang kumuwala mula sa mga mata niya nang maalala ang lahat tungkol kay Alex. 'Babalikan ulit ako... Dadalawin kita ulit!' Dahil alam ko tulad ko, nandito ka rin dahil hindi mo makakalimutan ang lugar na 'to nasaan ka man ngayon!' mapait niyang bulong sa sarili bago nagpasyang buhayin ang makina ng sasakyan niya. Nagpasya na siyang umuwi nang malalaa niya ang mga naghihintay niyang pusa na regalo sa kaniya ni Alex nang ikasal silang dalawa, ang nagsisilbing ala-ala ng asawa sa buhay niya. Tiyak niyang pagagalitan na naman siya ng Tita Belen niya dahil sa ginawa niyang pagluwas ng Manila para puntahan ang paborito nilang tambayan ni Alex noon ang Seaside sa isang lugar sa Manila. Wala naman siyang idadahilang iba kapag kailangan niyang lumuwas mula Laguna at kahit na ano pa ang gawin niyang palusot hindi pa rin siya paniniwalaan ng Tita Belen niya. Ang Tita Belen niya ang nangungunang naniniwala na wala na si Alex, dahil imposible nang mabuhay pa ito. Sino ba naman ang mabubuhay sa lumubog na barko? Wala pa nga sa bente ang survival sa naganap na trahedyang 'yon. Hindi niya napigilang hindi malungkot sa mga naalala. Iyon ang unang araw na sabak ni Alex sa trabaho bilang kapitan ng barko pagkatapos ng kasal nilang dalawa at nang ilang buwang preparasyon. Pinakasalan lang pala siya ni Alex at pagkatapos tuluyan itong nawala sa kaniya habambuhay. 'Heto na naman tayo Mela. Nasasaktan na naman tayo. I'm sorry, hindi ko kayang kalimutan siya!' kausap niya sa kaniyang sarili. 'Kahit ano'ng pilit ko kasi para ibaling muna sa iba ang lahat ng nararamdaman ko hindi ko magawa. Miss na miss ko na si Alex! Miss na miss ko na siya.' Napahawak siya sa manibela ng sasakyan niya, sinadya niyang itabi ito sa gilid ng daan nang sa puso niya naramdaman nyang hindi siya okay na magpatuloy sa pagmamaneho. Iniisip niyang baka mapano lang siya kung ipagpapatuloy niya ang pagpapatakbo sa sarili niyang kotse. Dahan-dahang sinandal ni Carmela ang ulo niya sa manibela. Hirap siyang makahinga sa damdamin na lumukob sa kaniya ngayon. Any moment from now, bubuhos lang ang luhang kanina niya pa pinipigilan. PINILING huminto ni Ivan sa unahang bahagi ng kotse na namataan niyang nasa gilid ng daan. Hindi tented ang puting Lancer na gamit ng isang babae kung hindi siya nagkakamali. Piniling bumaba ni Ivan para tingnan kung kailangan ng tulong ng babaeng nasa loob— nasa gilid pa naman ito ng daan at halos talahib ang nakikita niya sa paligid. Papuntang Laguna ang gawing bahaging 'to at delikado para sa isang babae kung hahayaan niya lang ito at wala siyang gagawin para tingnan kung ano'ng problema nito. Iniisip niyang baka makatulong siya. Tiningnan ni Ivan ang gulong ng kotse, wala naman siyang namataang problema. Napalunok siya nang mapansin niyang nakayuko ang tao sa loob at nakasandal sa manibela ang ulo nito. "Miss... Miss... Miss..." Tatlong beses niyang mahinang kinatok ang salamin ng babae; mahaba ang buhok nitong blonde kaya sigurado siyang babae talaga ito. Hindi siya pwedi magkamali at kilala ni Ivan ang sarili niya pagdating sa mga lahi ni Eba. "Miss... Miss... Miss..." Isa pang subok ni Ivan. Dahan-dahang nagtaas ng tingin ang taong nasa loob. Tama nga ang hinala niya, isa itong babae at hindi lang basta babae dahil napakaganda nito. Napalunok si Ivan. Sumenyas siya na ibaba ang bintana nito, para malaman nya kung may problema ito. Pinakita niya ang tsapa niya mula sa suot niyang pantalon na maong. "I'm Ivan Arguelles.. Pulis ako. Huwag kang matakot." Dahan-dahang bumaba nito ang bintana sa gawi niya. Napansin niya ang lungkot sa mga mata nito at nandoon din ang pag-aalangan ng tingnan siya. "Napansin kasi kita. I thought you need help... You are?" Umiling-iling ito at umiwas ng tingin sa kaniya. "Huwag kang matakot, miss. May sumusunod na sa 'yo? May problema ba?" "W-wala! W-wala! Napagod l-lang a-ako kaya saglit lang akong nagpahinga." Narinig niyang turan nito sa tanong niya. Wala siyang ideya kung dalaga pa ba ito o may asawa na. Hindi niya makita ang mga daliri nito— gusto niya sanang makita kung kasal na ba ito o engage para alam niya kung paano naman ito i-address. "Miss or Misis ba?" malakas na loob na tanong ni Ivan dito. Muli itong tumingin sa kaniya at napakunot ang nuo nang marinig siya nito. "I'm sorry! I don't know what to address you. Baka kasi tatawagin kitang miss pero misis ka na pala o baka kapag tinawag kitang misis— miss ka pa pala. I don't want to offend you, Miss? or Misis?" Napansin ni Ivan ang pagbuntong-hininga nito, mukhang hindi yata komportable ang babae sa kaniya. Sa tantiya niya hindi naman sila magkakalayo ng edad, mukhang bente-sais lang din naman ito katulad niya, napansin niya rin ang kumikinang nitong relo at kwentas kaya sa palagay niya may kaya sa buhay ang babae. "Can I scort you? Para makarating lang ligtas sa pupuntahan mo. Okay lang ba sa 'yo?" "I-I'm fine. Salamat. Pero hindi ko kailangan." Mabilis na pinigilan ni Ivan ang pagsara nito muli ng bintana nito. Mabuti na lang din at hindi siya naipit sa biglaan niyang aksyon 'yon. "Miss or misis?" muli niyang untag sa babae. Ngumiti ito nang pilit sa kaniya't tiningnan ang kamay niyang nakahawak pa sa salamin ng bintana ng dalaga. "Misis... Mrs. Carmela Salazar Arguelles. Okay na po ba? Can I go na. Please!" ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD