Chapter 25 I decided to go to the prom with Justin. Pero ano ba ang magagawa ko? Ayokong magmukhang kawawa sa last prom namin sa highschool nang dahil lang sa iniwan ako ng Vampire mate ko. Si Demon ang dapat na kasama ko pero sa gulo na mayroon kami sa mga panahong ito ay sa tingin ko nga ay malabong mangyari iyon. I just miss that damn vampire. Miss na miss ko na ang kasungitan ng demonyong iyon pero hanggang ngayon ay hindi parin sya nagpapakita sa akin. Matapos kaming mag-decorate ng gym para sa prom na gaganapin bukas ay natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakaupo sa loob ng library. Dahil kahit na may prom kami bukas ay hindi parin kami tinigilan sa mga assignments ng mga teachers namin. Napadungaw ako sa labas ng bintana at nakita kong magtatakip-silim na. Mukhang kailangan

