Chapter 24 “Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?” ang tanong ni Scarlet pagkababa namin ng kotse ko. Kagagaling lang namin sa labas at doon namin napag-usapan ang mga bagay na dapat naming ikabahala. Niyaya nya akong pumunta ulit sa ferris wheel kagaya ng lagi nyang ginagawa pero matapos ang mga nangyari sa araw na ito ay naisipan kong wala na akong oras pa para dito. Nang makapag-usap na kami ay naisipan na naming umuwi. Kaya ngayon ay nakatayo na kami sa labas ng kotse ko habang magkaharap. Hindi ko rin alam kung may lakas ba ako para gawin ang binabalak kong plano. Pero katulad ng dati, ay gagawin ko ito para kay Jane. Para sa kaligtasan nya. Nabigla pa ako nang biglang inilapit ni Scarlet ang mukha nya sa mukha ko at hinawakan ang ulo ko. What is she doing? “What are you---”

