The Vampire's Contract Chapter 30 Hay grabe. Hindi talaga sya pumasok sa school ngayong araw na ‘to. Bakit ba apektadong apektado sya sa pagkawala ni Scarlet? Hindi kaya… Nainlove na sya kay Scarlet kaya nahihirapan syang mag-move on?! OH HINDE!!! Wag naman sana. Ngayon pang na-realize ko ng mahal ko na sya! Wag nyo sabihing magiging one sided love ang ending ng story na ‘to?! Mag-isa na pala akong naglalakad ngayon pauwi ng bahay. Hapun na at wala pa akong kasamang umuwi. “He’s starting to rot away” ang biglang sulpot ng boses na yun sa likod ko. “EEEEKKK!!” napatili naman ako sa sobrang pagkabigla. At paglingon ko… Si Cedric. Hindi ba sya pwedeng sumulpot sa kwentong ito na hindi ako nabibigla? At anong sabi nito? Rot away? “Eh? Sino ang naga-rot? Wala namang pagkain dit

