The Vampire's Contract Chapter 31 “Ano ba ang ginagawa ni Demon sa Italy ha?” ang tanong ko kay Hildegarde habang nagluluto sya ng pananghalian. Hindi naman sya makatingin sa akin na nagsalita. “Mag inaasikaso lang sya my lady” “Inaasikaso?” Nakita ko ang paglungkot ng mga mata nya. “Yes my lady” Feeling ko talaga ay nagsisinungaling ang maid na ‘to. Pero bakit naman sya magsisinungaling? Bakit ba…pakiramdam ko…ay may itinatago silang dalawa sa akin ni Demon? ***** Lumabas na ako ng bahay para mag-grocery. Ilang araw din akong nawala kaya ilang araw din akong hindi nakabili ng makakain. Hmp. Wala masyadong katao-tao dahil hapun na. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad nang mapatigil ako sa isang park. Oo, may park na katabi ang lugar namin at madalas akong napapadaan doon. Napa

