PROLOGUE
"Akin yan e, ako dapat ang kasama niya, ako dapat ang nandiyan." Bulong ko habang pinag mamasdan ang dalawang mag kasintahang masayang nag tatawanan sa nasabing biro ng emcee ng kanilang kasal.
Yes, Farah and Ali my boyfriend, I mean my ex boyfriend for almost 9 years. They ended up together and later on will announce as husband and wife. I never imagined about this scenario.
Hindi ko nga alam anong dahilan ng pag punta ko dito, hindi ko rin alam kung bakit ako dinala ng mga paa ko sa lugar na ito kung saan mismo kaming dalawa nangarap na ikasal. Sarcastic na kung sarcastic pero wala akong magagawa, trabaho ko ito. Ito ang bumubuhay sa pamilya at nag papaaral sa mga kapatid ko.
Bigla namang napunta sa pamilyar na boses ng isang lalaki ang atensyon ko nang mag salita ito sa mikropono. I heard his soft tone voice saying his vows to his wife farah.
At sa hindi inaasahang pag kakataaon, ang kanina pang mga luhang nangingilid sa aking mga mata ay unti unting kumakawala pababa sa aking mukha.
"That vow, he made it for me." bulong ko sa aking sarili. Tuluyan ng bumuhos ang aking mga luha dahil habang tumatagal ay pasikip ng pasikip ang aking dibdib. Bawat salita na lumalabas sa kaniyang bibig ay akin nang narinig.
"My dearest Farah, as I stand before you today, I vow to be your unwavering support, your constant companion, and your greatest admirer." Malambing nitong sabi sa kaniyang asawa.
"I promise to listen to you with an open heart, to cherish you with every beat of mine, and to honor the sacred bond we share. With you, I have found my home, my solace, and my greatest joy." Para akong dinudurog sa mga salitang naririnig ko.
"I am forever grateful for the love you have brought into my life, and I pledge to love you fiercely, deeply, and endlessly until the end of time." Tuluyan na akong napaupo dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. Why are these things happening to me, akala ko okay na ako, akala ko naka move on na ako, akala ko tanggap ko na, akala ko I'm totally healed? Pero mali, hindi pa pala. Bakit, bakit nangyayari sa akin ang mga 'to?!..