"Saan mo ba talaga ako dadalhin ha?" naiinis ng tanong ni Mari habang nakasunod siya kay Sid. Hindi niya alam kung pinagtri-trip-an ba siya ng binata o talagang may masama lang talaga itong binabalak sa kaniya. Marupok pa naman siya! "Relax, okay?" nakangising sabi nito na pinaikot pa sa kamay ang susi ng sasakyan nito. "Paano naman ako mari-relax. Hindi na tayo binata at dalaga, Sid. May anak tayo at kailangan niya ng---" "Huwag mong alalahanin ang anak natin. Alam ko naman na hindi siya pababayaan ni Papa." Kinindatan pa siya nito. Nag-init ang kaniyang magkabilang pisngi. Umiwas siya ng tingin dito pero nagawa pa rin nitong hulihin ang mga mata niya. "Kinakabahan ka ba o excited ka, mahal ko?" pang-aasar pa nito sa kaniya. "Bakit naman ako kakabahan? Isa pa bakit naman ako mae-ex

