"Okay ka lang ba talaga sa desisyon mo, Jared?" tanong sa kaniya ni Joaquin habang nilalaro niya ang hawak niyang ballpen. "Ano bang dapat kong gawin, Joaquin? Hindi ko rin naman ito gusto pero wala naman akong magagawa." "Mahal mo ang kaibigan ko hindi ba?" Pinaikot niya ang swivel chair habang nakadekuwatro siya. Bumuga siya nang malalim at tumingin dito. "Hindi sapat ang pagmamahal na nararamdaman ko, Joaquin. Hindi ko p'wedeng ipagpilitan ang sarili ko kay Mari. Alam nating dalawa na si Sid ang mahal niya at hindi ako... masakit man pero kailangan kong palayain ang babaeng mahal ko para maging masaya siya. Siguro kailangan kong lumayo para makapag-move on. Hindi ako bato, Joaquin. Nasasaktan din ako sa mga nakikita ko. Mula noong dumating si Sid naging masaya na ulit si Mari. Hindi

