"Ano ba, Baks? At this late night pinapunta mo ako dito nang hindi mo man lang sinasabi ang kung bakit, nakakaloka ka!" It was Ivana, complaining. Tinawagan ko lang kasi siya at sinabing pumunta rito sa cafe dahil gusto ko ng kausap. Pero hindi ko talaga sinabi sa kanya kung ano ang dahilan ko. I was quietly waiting for him to come. Ni-hindi ko magawang ngumiti sa mga taong kumakausap sa akin kapag nakikita nila ako. Ang bigat kasi ng dibdib ko nang makita ko si Gino na may kahalikang ibang babae. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa nang masaksihan ang nangyari kanina pagdating ko sa condo niya. Gusto kong maglabas ng sama ng loob ngayon, kung maaari ng lang mag-inom ay nagawa ko na. Kaya lang hindi ko gustong magpakalango sa alak

