Chapter 26 Umalingawngaw ang malakas na pagsampal ni papa kay Enra at ang pagsinghap ng mga tao sa paligid, kasama na ako doon na hindi makapaniwala sa nasaksihan. Even Enra herself was shock. Napahawak ito sa pisngi na sinampal ni papa at naiiyak ang mukha ng lumingon kay papa. "Kuya!" Si tita Claire ang unang nakabawi. Agad nitong dinaluhan ang anak, na niyakap naman ni Enra. "Kuya, ano bang nangyayare?"lito ngunit may bahid ng galit ang tono ni tita Claire nang kausapin nito si papa. "Ang anak mo..."galit na dinuro ni papa si Enra na takot namang nagsumiksik sa ina niya. Tita Claire hugged Enra tightly. "Kuya, bakit mo naman sinaktan si Enra? She's your niece."Tita Claire stated. "At anak ko naman si Yasha."galit na balik ni papa kay tita Claire na siyang dahilan nang saglit

