Chapter 25 "It happened when I was sixteen..."napalunok ako at nag-angat ng tingin sa magulang ko. They are both sitting in the bed, si papa nakasandal sa uluhan ng kama samantalang si mama naman ay nasa tabi nito, she is holding papa's hand while I was in front of them. Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy na sa pagkukuwento. "I grew up not having a lot of friends ——no actually I really don't have any friends. Maliban kay Enra at sa mga kaibigan niya. And I...tried...to fit in her group. Akala ko kasi dahil pinsan ko siya she will be automatically my bestfriend. Kaya kahit spoiled si Enra at madalas na gusto niya siya ang nasusunod sa lahat ay hinayaan ko lang. I followed everything she wants me to do. Then one day may ikinwento siya sa aking lalaki na nagugustuhan niya. She said s

