Natalia Gia Valderas Parang huminto ang ikot ng mundo sa loob ng apat na sulok ng kwarto ni Ronan. Ang tanging naririnig ko na lang ay ang mabilis at malakas na t***k ng sarili kong puso na tila nakikipagkarera sa nanginginig na paghinga ni Ronan. Bahagya kong nilayo ang mukha kong feeling ko ay pulang pula na dahil ang init no’n. Nakita ko ang paggalaw ng adam’s apple niya. Napalunok din ako. Pakiramdam ko ay na-glue ang mga paa ko sa sahig at nawalan ng lakas ang mga tuhod ko para lumayo. Ang kamay kong nakadampi sa may bahagi ng dibdib niya ay hindi ko magawang bawiin. Ano ba itong nangyayari sa akin? sigaw ng isang bahagi ng utak ko. Kaaaway mo ’yan, Natalia! Kakasisi lang niya sa’yo seconds ago! Ngunit bago pa man ako tuluyang lamunin ng kakaibang tensyon na nararamdaman ko ay

