Natalia Gia Valderas Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko matapos kong ilapag ang mga pinamili ko sa kitchen counter. Mabilis ang kilos ko na inayos ang pinamili. Nilagay ko sa freezer ang mga frozen items. Inayos ko ang mga condiments. Nilinis ko na rin ang mga naiwan kong kalat bago umalis at magpunta sa supermarket kanina. Mabilisan kasi akong kumain ng lunch bago umalis dito sa penthouse. Matapos kong maglinis ng kusina ay nagpunta ako sa sala. Inayos at nilista ko lahat ng nagastos ko mula sa groceries at transpo. Sinigurado kong walang labis at walang kulang ang isosoli kong sukli kay Ethan pagpunta ko sa ospital para magsundo kay Ronan. Kagabi lang nangyari ang aksidente kaya aligaga pa ako. Matapos kong maghintay sa ospital ng ilang oras ay pinauwi na ako ni Et

