Natalia Gia Valderas “No way! Bakit naman ako magso-sorry!?” Galit na sabi ko habang naghuhugas ng pinagkainan ko. Kulang na lang ay ibagsak ko ang plato sa lababo. Sinagot ko lang din ang sarili kong tanong kung dapat ba akong mag-sorry sa damuho kong asawa. Hindi pa rin mawala ang inis ko kay Ronan dahil sa naging sagutan namin kanina. Matapos ang pagtatalo namin ay nagkulong ako sa kwarto hanggang sa mapakalma ko ang sarili ko. Mabuti na lang at hindi na ako nito sinugod pa sa loob ng kwarto ko. Nang kumalma na ako ay lumabas ako para magluto ng dinner. Gutom na ako. At kahit ayoko siyang ipagluto ay kailangan kong gawin dahil amo ko siya. Napansin ko na lang ang pagiging tahimik ng unit kaya nagpasya akong kumatok sa kwarto ni Ronan at hindi ko ito nakita doon. Ang naabutan ko a

