Natalia Gia Valderas Maghapon akong hindi tumigil sa pag-aayos ng mga gamit dito sa bagong bahay ni Ronan. Tambak pa rin ang mga kahon sa sala. At lahat ‘yon ay pinapa-ayos sa akin ni Ronan. Siguro ay ang naitulong lang niya sa akin ay hindi na ako pinagluto at nag-order na lang kami sa fastfood ng lunch namin. "Natalia! Where the hell is my black tie?" Singhal ni Ronan nang lumabas na pala siya sa kwarto niya habang busy ako sa sala. Napaangat ako ng ulo mula sa pangatlong kahon na binubuksan ko. Alas-tres pa lang ng hapon pero parang alas-otso na ng gabi ang pagod ko. "Nasa closet mo na, Sir. Yung pangalawang drawer sa kaliwa!" malakas na sagot ko habang pinupunasan yung pawis sa noo ko. Partida na malakas naman ang aircon. Pero dahil panay ang kilos ko ay pinagpapawisan na ako. “

