Natalia Gia Valderas Mabilis ang kilos ko na nagbilis ng pang-alis. Binigyan lang ako ni Ronan ng ilang minuto para magpalit ng damit dahil kailangan raw namin na umalis. Matapos kong mag-asikaso ng mga susuotin niya ay mabilis naman akong nagpunta dito sa kwarto ko at pinabayaan ko na lang siya. Okay lang naman sa part niya dahil nakaligo na siya at magbibihis na lang. Pero ako ay hindi naman papayag na aalis ng bahay na haggard at may amoy. Kaya mabilisan akong naligo sa bathroom. Isang sabunan ng katawan ang ginawa ko at hindi na nga ako nag-shampoo man lang ng buhok. "What the heck, Natalia! Double time!" Malakas na sigaw sa labas ng pinto habang nasa harap ako ng vanity mirror. Basang basa pa ang buhok ko pero bigla akong napatayo dahil sa taranta. Mabilis akong nagpunta ng pinto

