Natalia Gia Valderas “What the f*ck, Natalia Gia! Hindi mo ako kabiruan!” Halos dumagundong ang boses ni Ronan sa narinig mula sa akin. Bumalikwas siya ng bangon pero dahil sa ginawa niya ay siya rin ang nasaktan dahil napangiwi ang mukha niya. “Ang ibig kong sabihin. Gusto kong i-check kung nakatulog ka ba ng maayos! Pumasok ako para kumutan ka dahil ayoko namang magka-pulmonya ka!” Bigla akong lumapit sa kanya at inalalayan siya para makahiga muli at tinakpan ng kumot ang katawan niya na nalantad na naman sa mata ko. Sa pagdadaiti ng kamay ko sa katawan niya ay bigla kong naramdaman ang init ng balat niya. Hindi nag-reklamo sa akin si Ronan sa ginawa ko at mabilis din akong tumayo para makalayo sa kanya. Ewan ko ba at parang kapag malapit siya ay parang kulang ang hangin o minsan nam

