Natalia Gia Valderas
Napangiwi ako dahil ramdam ko ang gigil ni Ronan sa akin. Wala man lang bakas ng pagpipigil sa paghawak niya sa panga ko.
Wala na lang akong nagawa dahil sobrang lakas ng pintig ng puso ko. Parang kulang na lang ay lalabas na ang puso ko sa ribcage ko. Sa paraan ng titig niya sa akin ay hindi ako makapalag. Gano’ng kalakas ang presence niya. Bukas ang ilaw kaya kitang kita ko ang mukha niya. At kagaya kanina ay gano’n pa rin ang kaba ko nang unang nagtama ang mga tingin namin.
“B-bitiwan mo ako… n-nasasaktan ako,” mahinang sabi ko na halos pabulong na lang.
Takot akong gumawa ng malakas na ingay dahil baka magising si Nanay. Ayokong mag-alala pa ito kapag nalaman na ang lalaking nandito sa pamamahay namin ay ang lalaking nakatakda kong pakasalan. Hindi pwedeng malaman ni Nanay ang problemang kinakaharap ko ngayon dahil siguradong ma-stress ito.
“Nasasaktan?” sambit ni Ronan. Mapanuyang tawa ang pinakawalan niya. “You haven’t seen pain yet, woman. You think being tied to me is your golden ticket out if this dump? Akala mo ba na kung sakaling papakasalan kita ay magiging donya ka na?”
Napasinghap ako nang mas nilapit pa niya nang husto ang mukha niya. Sa sobrang lapit ay mas tumatama ang hininga niya sa mukha ko. Ang init no’n at may konting bakas ng alak na humahalo sa bango ng hininga niya. Pero wala naman sa itsura niya ang kalasingan. Siguro ay umisa o dalawang lagok lang siya bago ako sugurin dito.
“Hindi ko gusto ‘to!” Matapang na sabi ko. Pinilit kong ‘wag ipakita ang takot sa mata ko. Pero I doubt kung nagagawa ko ‘yon. “Napipilitan lang ako dahil ayokong madamay kami ni Nanay. Isa pa, siguradong hindi ‘yon magagawa ng Ate Samantha ko. Hindi man kami tunay na magkapatid ay kilalang kila ko siya. Mabuti siyang tao—”
“Shut up!” Malakas na putol niya sa akin. Bumuga pa ang hininga niya sa mukha ko at napapikit na lang ako. Nanginig ang panga ko. Nang muli akong dumilat ay naramdaman ko na ang panlalabo ng mata ko. Hindi ko kayang pigilan at isang pikit ang ginawa ko ay kusang tumulo na ang luha ko.
Pero ni walang bakas ng awa sa mata ni Ronan na tumingin lang sa pisngi ko na inagusan ng luha. Paano nga ba siya maawa sa akin kung nawalan ng 100 million ang kumpanya niya. Tapos ay sasabihin kong walang kinalaman si Ate Samantha, kahit ako sa sarili ko ay kita ang ebidensya ng pagnanakaw nito.
“Don’t play the victim with me. You agreed, right? You wanted the Imperial money. You wanted the easy life!” Malakas na ang boses niya at tapos ay marahas niyang pinakawalan ang panga ko.
Mabilis akong humakbang paatras.
“Wala akong choice.” mahinang sabi ko. Ang tanging pag-asa ko na lang ay maawa siya sa akin.
“You have the option to say no!” bulyaw niya nang mahina pero mariin. “Pero hindi mo ginawa. Kasi gaya ng kapatid mo, mukha ka ring pera.!”
Dinuro niya ako sa mukha. Yumugyog ang balikat ko dahil ang mahinang iyak ko ay nagkakatunog na. Sobrang depress ko sa araw na ‘to at gusto ko na lang sumigaw. Mabuti at may tino pa ang utak ko na ‘wag mag-eskandalo at tuluyang magising si Nanay.
Pero kahit yata lumuha ako ng dvgo ay hind man lang makakaramdam ng awa sa akin ang lalaking nasa harap ko. Parang feeling ko ay mas naiirita siya sa akin.
Nakita ko ang paghagod niya sa mukha kong basa na ng luha ko. Nag-iwas siya ng tingin sandali at matapos ay binalik niya muli ang tingin sa mukha ko. This time ay mas tinaliman niya pa ang tingin niya. Doon ako nagbaba ng tingin. Ayoko nang salubungin pa ang tingin niya.
“Fine… hindi na kita pahihirapang mamili. I will agree to marry you.” sambit ni Ronan sa mas mababang tono.
Nag-angat ako ng tingin dahil sa gulat. Parang kahit papaano ay may kapiranggot na tinik na nabunot sa dibdib ko. Kasi kung matutuloy ang kasal ay kahit papaano ay hindi ko muna mabibigyan si Nanay ng stress na baka makulong ako at wala itong aasahan.
Basta kapag nakasal kami ay makikiusap muna akong maging katulong para magkapera. Tapos tyaka ko na iintindihan kung paano ko mahahanap si Ate Samantha at maibalik ang ninakaw nito.
“But listen carefully, Natalia Gia Valderas.” Patuloy ni Ronan. “Pero huwag na huwag kang aasa na magiging mala-fairytale ang buhay mo.”
Humakbang siya palapit muli sa akin.
“Once we’re married, I will make sure you regret every single day. I will make your life a living hell until you beg my father to let you go. May idea ka na kung anong klaseng relasyon ang meron kami ng ama ko. He don’t love me. Hinding-hindi mo magugustuhan ang maging asawa ng isang unwanted son na gaya ko, Natalia. Because I have nothing left to lose… but you? You have everything to suffer.”
Pagkasabi ni Ronan no’n ay mabilis itong tumalikod. Hindi ko man lang maikilos ang mga paa ko. Buong katawan ko ay nanginginig at natagpuan ko na lang ang sarili kong nanghihinang nakatingin sa likod nitong maskulado.
Isang tingin na punung-puno ng pangako ng pasakit ang ginawa ni Ronan bago tuluyang lumabas. Hindi man lang niya nakuhang isarado ang pinto.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong tulala na nakatitig lang sa pinto. Wala na ang bulto ni Ronan pero parang naririnig ko pa ang mga bigat ng mga salita niya sa akin.
Awang awa na lang ako sa sarili ko. Ang hirap maging isang dukha na inaalipusta ng mayaman. Parang ang liit liit ko at walang value sa mundo.
Pinunasan ko ang luha ko at humakbang para isara ang pinto.
“Natalia? Anak May kausap ka ba?”
Agad akong napalingon nang narinig ko ang boses ni Nanay. Huling huli niya tuloy ang itsura ko na galing sa iyak. Biglang kumunot ang noo ni Nanay. Kita ko agad ang pagbabago ng ekspression ng mukha niya. Agad akong lumapit sa kanya nang makita na pupuntahan ako. Hawak niya ang tungkod niya at baka madapa pa siya.
“Anong nangyari, A-anak?” Puno nang pag-aalalang sabi ni Nanay.
Pero hindi ko na sinagot pa si Nanay dahil niyakap ko na lang siya at umiyak sa balikat niya.