5

2052 Words
“Natalia, anak, gising na!” Bigla akong naalimpungatan nang marinig ko ang boses ni Nanay na tinatawag ako. Dinilat ko ang mata ko nang kaunti at bigla akong nasilaw sa liwanag na lumalabas mula sa bintana namin. Hindi ko man lang pala nagawang takpan ng kutina ang bintana kagabi. Parang tanga kasi akong nakasilip sa labas ng bahay namin kagabi dahil sobrang paranoid ko na feeling ko ay may nagmamatyag dito sa bahay namin. Sa sobrang despression ko kahapon ay hindi ko na nagawang matulog ng maayos. Napabalikwas tuloy ako ng bangon at nakita ko agad kung anong oras na sa wall clock na nakasabit sa dingding namin. Seriously! Mag-aalas onse na ng umaga. Napahawak ako sa ulo ko sa tindi ng sakit no’n. Parang pinukpok ng martilyo sa sakit. Di naman kasi ako sanay sa puyat. “Anak, tanghalian na! Kailangan mo nang bumangon!” muling sambit ni Nanay kasabay ng malakas na katok na sa pinto. “Opo, Nay! Lalabas na po ako!” Malakas na sigaw ko mula dito sa kwarto para sure na malaman na nitong gising ako. “Sige, anak, hihintayin kita para sa tanghalian ah!” Sagot ni Nanay mula sa labas ng kwarto ko. Isang malalim na buntong hininga na lang ang ginawa ko sabay masahe ulo sa ulo kong masakit pa dahil kulang pa ako sa tulog. Mabilis ang kilos ko na bumangon at kama at niligpit ang pinaghigaan ko. Lumakad ako papunta sa salamin at doon ko nakita kung gaano ako kapuyat dahil namamaga tuloy ang mata ko sa pinagsamang iyak at puyat ko. Bumuntong hinanga ako. Hindi ko na mabilang kung ilang buntong hininga na ang ginawa ko ngayong umaga pa lang. Mahaba pa ang magiging araw at ngayon pa lang ay hindi ko na naman alam kung paano ko itatawid ang araw. Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas ng kwarto. At pagkalabas ko ay nakita ko si Nanay na naka-upo sa sofa namin at ang layo ng tingin. Natigilan tuloy ako sa paglakad Nakagat ko ang ibabang labi dahil sa konsensya ko. Nag-aalala tuloy siya dahil sa sinabi ko kagabi. Matapos kasi akong mahuli ni Nanay na umiiyak kagabi ay napilitan akong magsabi ng kasinungalingan. Matapos kong yakapin at iyakan si Nanay kagabi ay iginiya ko siya sa kwarto niya. Nakabuo ako ng isang palusot. Isang masakit na kasinungalingan. Isang kwento na alam kong dudurog din sa puso ni Nanay, pero mas mainam na kesa naman sa katotohanang ibinenta ko na ang sarili ko sa mga Imperial. Sinabi ko kay Nanay na kaya ako umiiyak ay dahil tumawag sa akin si Ate Samantha at nagpaalam na sasama na ito sa boyfriend nito. Naramdaman ko kagabi ang panghihina ni Nanay sa maling binalita ko. Tunay na anak ang turing ni Nanay kay Ate Samantha kaya nasaktan ito ng labis na naglihim kuno si Ate Sam. Pero wala din kasi akong choice kung hindi ang magsinungaling. Kesa naman na malaman ni Nanay na ang dahilan kung bakit hindi pa nauwi si Ate Samantha ay dahil sa ninakaw nito. Okay na rin na sinabi ko ‘yong kasinungalingan ko dahil mapagtatakpan ko rin kung bakit ako mawawala muna sa tabi niya. At least ay masasabi kong kailangan na stay-in ako sa papasukan ko at sa probinsya ako ipapadala. “Oh, Natalia, halika at kumain ka na,” biglang sambit ni Nanay nang napansin ang presensya ko. Bigla tuloy ako napangiti ng pilit. Hinawakan ni Nanay ang tungkod niya. “Nay tulungan na kita.” Sabi ko sabay lapit sa matanda para alalayan siya. Hirap pa kasi talaga siya at mas okay na naka-wheelchair siya. Kaso mas gusto niya rin kasi na napa-practice siya at tuluyan na talagang makakilos ng maayos. Sabay kaming nagpunta ng hapag at nagsimula nang kumain. Nahihiya tuloy ako at si Nanay pa ang nag-asikaso ng lunch namin imbes na ako. Lutong ulam lang naman itong pagkain na namin at pina-deliver daw dito ni Nanay sa bahay namin. Hindi na niya ako ginising para magluto ng ulam para daw makabawi ako ng tulog at alam niyang puyat ako. “Hindi ko akalain na magagawa ‘yon ni Samantha,” mahinang usal ni Nanay nang matapos kami sa pagkain namin. “Tinuring natin siyang pamilya, Natalia. Sa lahat ng hirap natin ay di natin siya pinabayaan. Bakit kailangan na sa ganitong paraan niya tayo iniwan? Hindi man lang siya nagpaalam ng maayos? ‘Yun lang naman ang gusto ko… ang nagsabi siya. Alam kong pagod na rin siya sa pagsalo sa akin… Pero ang sama lang sa dibdib na bigla na lang siyang umalis.” Napayuko ako at tinitigan ko ang sarili kong kamay na nanginginig sa ilalim ng mesa, Ang bawat salita ni Nanay ay parang latigo tuloy sa konsensya ko. Pinagmukha kong masama ang taong tumulong sa amin. Pero ano ang magagawa ko? Kung sasabihin ko ang totoo na ang angkan ng Imperial ang nagnanakaw ng katahimikan namin ay baka hindi kayanin ng puso ni Nanay. Tsaka, hindi ko rin talaga maiwasan na sumama ang loob kay Ate Samantha sa problemang dulot niya na ako ang magbabayad. Sa ngayon ay binibigyan ko pa ito ng benefit of the doubt. Pero kapag hindi siya nagpakita sa akin ay baka pati ako ay magkaroon na ng pagkamuhi sa kinakapatid ko. Napaangat na lang ako ng tingin nang narinig ko ang pagsinghot ni Nanay. Umiiyak siya. Agad kong inabot ang kamay ni Nanay at pinisil ‘yon/ “S-siguro po… siguro po ay natakot din siya na hindi natin matatanggap ang lalaking pinili niya Huwag nito na po siyang isipin muna, Nay… Baka sa dadating na panahon ay magpapaliwanag din siya kung bakit niya ‘yon ginawa. Basta kaya natin ‘to. Ako na ang bahala sa atin.” Mapait akong ngumiti kay Nanay na nagpunas na ng luha niya. Alam ko naman na tinatago niya lang din ang feelings niya para hindi na ako mag-alala pa. Natapos na lang kaming kumain ni Nanay na hindi na pinag-usapan si Ate Samantha. Parang ang bigat din ng maghapon na nagdaan para sa aming mag-ina na hindi namin alam kung paano namin itinawid. Kagaya ng nagdaang araw ay balisa pa rin ako hanggang sa makatulugan ko na lang ang problema ko. Mabuti naman at wala akong na-receive na kakaibang tawag o text mula sa mga Imperial. Kinabukasan ay mabigat pa rin ang pakiramdam ko nang bumangon ako. Una kong tiningnan ang cellphone ko at agad akong kinabahan nang mabasa ang text na natanggap ko mula sa tauhan ni Don Fernan Imperial. Kailangan ko raw makipagkita sa kanya kinabukasan para sa ilang papeles na kailangan kong ibigay sa kanya. Hindi tuloy ako maka-concentrate ng araw na ‘yon. “Natalia, anak? Sabihin mo sa akin kung ano man ang dinadala mo? Ayokong mag-isa mong pasanin yan… kung ano man ‘yan?” Narinig kong biglang sambit ni Nanay na lumabas ng kwarto niya ng kinahapunan. Pilit akong ngumiti at umalis ng bintana namin. “Ay wala, Nay, iniisip ko lang ‘yung magiging trabaho ko. Sobrang nalulungkot din kasi ako na maiiwan kita dito.” Sambit ko na nilapitan si Nanay. Iginiya ko siya sa sofa namin at doon ko siya kinausap na aalis ako bukas. Sinabi ko na rin ang mga plano ko kapag iniwan ko na siyang mag-isa sa bahay namin. Kita ko ang lungkot sa mata ni Nanay. Ang dami ko nang binilin kay Nanay kapag mag-isa lang siya dito. Nagsabi din ako na palagi ko naman siyang tatawagan at uuwi rin naman ako paminsan minsan. Hindi ko kasi alam pa kung ano talaga ang magiging sitwasyon ko sa kamay ng isang Ronan Imperial. Basta isa lang ang sigurado ako. Kailangan na bigyan niya ako ng trabho para may maipadala ako sa nanay ko. Kakausapin ko rin ang kapit bahay namin na dalaga para magbantay kay Nanay habang wala ito at baka pasahuran ko na lang ito monthly para mag-asikaso kay Nanay. Hindi naman ito mag-stay in pero kailangan ko ng maglalaba para kay Nanay. Kapit bahay namin ito at mabait na bata. Naghahanap ito ng sideline para pantustos din sa pag-aaral nito. Lumipas ang maghapon at kinabukasan ay matapos kong mag-asikaso ng makaakin ni Nanay ay naghanda na ako para sa pag-alis at pagkikita ng tauhan namin ni Don Fernan. Kagaya ng instruction nito sa akin ay naghintay ako sa may kanto sa amin at may sumundo sa akin na sasakyan. Naging maingat ang kilos ko at sinigurado kong walang makakapansin sa pagsakay ko sa kotse. Ayoko kasi na ma-chismis at makarating pa kay Nanay ang mga pagsundo na ginagawa sa akin. Dito pa naman sa lugar namin ay talamak ang tsismis. Dinala ako sa isang opisina at doon ko nakita ang lalaking tauhan ni Don Fernan. “Maupo ka, Miss Valderas.” Utos nito sa akin na tinuro pa ang silya sa harap ng table nito. Hindi man lang ngumingiti ang lalaki na hanggang ngayon ay hindi ko pa nakukuha ang pangalan. “S-salamat po, S-sir?” sagot na patanong para kunin ang pangalan nito. “Crisanto, hija… Pasensya na at hindi ko man lang naibigay ang pangalan ko. ‘Wag mo na akong tawaging sir… Kuya Cris na lang.” Malumanay naman nitong sabi. Tipid akong ngumiti at matapos ay umupo na. Mabuti naman at hindi na mukhang nagsusungit si Kuya Cris sa akin. Agad kong binigay ang documents na hiningi nito sa akin. Siniyasat ni Kuya Cris ang mga dokumento. Tahimik ang buong opisina at tanging tunog ng paglipat niya ng mga papel ang naririnig ko. Pakiramdam ko ay para akong isang kriminal na sumasailalim sa background check. “Kumpleto na naman ito, Miss Valderas,” sambit ni Kuya Cris. Tumango ako. “Natalia na lang po, Kuya…” Bumuntong hininga si Kuya Cris. Sa pagkakataong ito ay may bakas na ng simpatya sa mga mata nito. “Gusto ko lang ipaalala sa’yo na ilang araw na lang ay magbabago ang takbo ng buhay mo. Handa ka na ba?” “Napalunok ako. “Wala naman na po akong choice, ‘di ho ba?” Pero hindi na nakasagot pa si Kuya Cris nang biglang bumukas ang pinto ng marahas at doon napalingon ang lalaki. Bigla tuloy akong napalingon at halos tumalon ang puso ko sa gulat nang pumasok ang isang bulto na pamilyar na pamilyar sa akin. Si Ronan Imperial. Bakit ba lagi na lang siyang sumusulpot at mukhang hindi naturuan kung paano kumatok? Naka-dark blue suit siya at mukhang galing sa isang mahalagang meeting. Pero ang awra niya ay mas madilim pa sa suot niya. Ni hindi niya tiningnan si Kuya Cris. Agad na bumaon sa akin ang mga mata niya na nagdala ng kilabot sa akin. “Sir Ronan,” Narinig kong bati ni Kuya Cris. Hindi siya sinagot ni Ronan na mabilis na nakalapit dito sa may table. May itinapon si Ronan na isang paper bag sa tapat ko. Dahil sa lakas ng pagkakahagis niya ay tumalbog iyon sa table at nahulog sa kandungan ko. "Suotin mo 'yan sa araw ng kasal natin. That will be your wedding dress" malamig na utos ni Ronan na deretso ang tingin sa akin. Dahan-dahan kong binuksan ang paper bag at laking gulat ko nang mahawakan ko ang tela. Ang kulay ay kupas na puti na halos maging gray na. May mga mantsa ng dilaw sa kili-kili, at ang dulo ng laylayan ay may mga tastas. Ang tela ay manipis at may amoy ng amag. Parang basahan na kinuha lang sa kung saang basurahan. "R-Ronan... ano 'to?" tanong ko na halos hindi makapaniwala. "Dress. Isn't it obvious?" Isang mapait na ngisi ang sumilay sa labi niya habang nakapamulsa siya. "’Yan ang bagay sa'yo. Para hindi ka na mahirapang mag-adjust sa magiging papel mo sa bahay ko. Why wear silk when you're just a piece of trash?" "Sir Ronan, mukhang hindi naman yata tama—" susubukan sanang umawat ni Kuya Cris pero itinaas ni Ronan ang kanyang kamay para patahimikin ito. "Stay out of this, Crisanto," banta ni Ronan. Muli siyang lumingon sa akin at humakbang siya palapit hanggang sa maramdaman ko ang lamig ng presensya niya. "Ayaw mong madamay ang nanay mo, 'di ba? Then wear that on our wedding day. I want everyone to see exactly what kind of bride I am marrying.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD