Natalia Gia Valderas
“Salamat, Yvonne. Basta, wag mong sasabihin kay Nanay ang tungkol dito, ha?” pabulong na sabi ko.
Nandito kami ngayon ng bestfriend kong si Yvonne sa kwarto ko. Pinapunta ko siya para manghiram ako ng dress na susuotin ko sa kasal ko. Pero imbes na manghihiram ako ay hindi ko expect na binilhan pa niya ako.
“Ano ka ba naman, Gia... Wala ‘yon, ‘no? Para saan pa ang pagiging bestfriend natin, ‘di ba?” nakangiting sabi niya, pero bigla ring nalungkot.
Kasi naman ay alam niya ang sitwasyon ko. Sa bigat ng dinadala ko ay napilitan akong sabihin sa kanya ang lahat, ang tungkol kay Ate Samantha, ang banta ni Don Fernan, at ang kasal ko kay Ronan Imperial.
Matagal na kaming magkaibigan ni Yvonne at alam na namin ang sikreto ng isa’t isa. Classmate ko siya simula pa second year college at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nawawalan ng communication. Hindi naman din kasi kalayuan ang bahay nito mula dito sa amin. Isang sakay lang ng tricycle ay pwede na niya akong dalawin.
Busy si Yvonne sa work niya kaya minsan na lang din nadadalaw sa akin. At masaya ako kapag nagpupunta siya dito sa bahay. Alam ni Yvonne ang sitwasyon naming pamilya kaya minsan ay nagpapa-abot siya ng tulong sa akin. Swerte kasi siya sa trabaho at magandang kumpanya ang napasukan niya at may kamag-anak na nag refer sa kanya.
“Sigurado ka na ba talaga, Gia? Pwede naman nating isumbong sa pulis ‘yung pananakot nila?” nag-aalalang dagdag ni Yvonne.
Umiling ako. “Hindi pwede, Yvonne. Malakas sila. Baka bago pa rumesponde ang pulis, nasa kulungan na ako dahil baka gamitin nilang ebidensya na ako ang huling kasama ni Ate Sam. Ito lang ang tanging paraan… ang magpakasal ako sa hayop na ‘yon.” Malungkot at may gigil ang pagkakasabi ko nang muli na naman na maalala ang Ronan Imperial na ‘yon.
Binaling ko ang tingin sa magandang cream-colored dress na binili ni Yvonne sa akin. Napatingin din ako sa paper bag na nasa gilid ng kama ko. Doon nakalagay ang ang mala-basahan na dress na ibinigay ni Ronan sa opisina ni Kuya Crisanto kahapon.
Naalala ko pa ang mukha ni Ronan nang iabot niya iyon. Ang mapang-uyam nitong ngisi habang sinasabi niyang iyon ang bagay sa akin kapag kinasal ako.
“Why wear silk when you're just a piece of trash?"Ang bawat salita ng Ronan na ‘yon ay tila bumaril sa huling piraso ng dignidad ko.
Pero ngayong hawak ko ang dress na galing kay Yvonne ay kahit papaano ay lumakas ang loob ko. Ayaw kong suotin ang basahang ibinigay ni Ronan.
Sa isip ko kasi ay kung sa unang araw pa lang ay hahayaan ko na siyang ituring akong basahan… baka dumating ang araw na mas malala pa ang gawin niya. Hindi ako papayag na sa harap ng huwes ay mukha akong basura. Kahit sa huling pagkakataon bago ako tuluyang maging pag-aari ng mga Imperial, gusto kong maramdaman na tao pa rin ako.
Hindi porque mahirap ako at mayaman sila ay hindi na ako lalaban.
Halos isang oras pa kami nag-usap ni Yvonne bago siya tuluyan na magpaalam sa akin. Hindi ko alam kung kailan kami muling magkikita na.
Ilang minuto pa ako ng nag-stay sa loob ng kwarto ko. Inaayos ko na ang mga dadalhin kong damit. Ngayon ang huling araw na makakasama ko si Nanay. Ang kasunod nito ay hindi ko pa alam kung kailan.
Pero hindi naman ako papayag na lilipas ang isang buwan na hindi ko makikita si Nanay. Hindi naman siguro ako totally parang bilanggo na bawal lumabas sa bahay ni Ronan. Tsaka magpapaka-katulong naman ako. Magse-serbisyo ako sa kanya. Kahit na sobrang kinaiinisan ko siya ay kailangan kong mapapayag siya na pasahuran ako.
Lumabas ako ng kwarto ko matapos kong mag-ayos ng gamit. Maaga pa at gusto kong asikasuhin si Nanay sa buong maghapon.
Nagluto ako ng paborito ni Nanay na sinigang. Pinilit kong maging masaya ang bawat sandali. Nagkwentuhan kami tungkol sa mga alaala noong bata pa ako, habang pinapakain ko siya. Pero sa bawat tawa ni Nanay, may luhang gustong kumawala sa mga mata ko.
Hanggang sa dumating na ang gabi at nag-bonding kami sa panonood ng TV.
“Anak, mag-iingat ka roon sa trabaho mo, ha? Tatawag ka palagi,” bilin ni Nanay habang hinahaplos ang kamay ko nang matapos na ang pinapanood ko.
“Opo, Nay. Pangako po,” sagot ko habang pinipigilan ang panginginig ng boses ko.
Ilang sandali lang ay iginiya ko na siya papasok ng kwarto niya. Nag-request ako kay Nanay na doon din ako matutulog at gusto ko siyang katabi.
Ito na ang huling gabi na magkatabi kaming matulog sa maliit nitong kwarto. Pinanood ko si Nanay habang mahimbing na natutulog. Gusto kong isaulo ang bawat linya sa mukha niya. Alam ko na paggising ko bukas, hindi na ako ang dalagang Natalia na anak niya dahil magiging Mrs. Ronan Imperial na ako.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Naunahan ko pa si Nanay sa paggising. Kaagad akong kumilos para maghanda muna ng breakfast ng ina ko. Pagkatapos no’n ay naligo na ako at ayoko naman na mahuli ako sa pinag-usapang oras namin ni Kuya Crisanto na susunduin ako doon sa kanto para ihatid doon sa office nito. Si Kuya Crissanto na rin ang magsasama sa akin doon papunta sa huwes.
Ang bigat ng katawan ko habang nagpapa-alam kay Nanay. Ang dami kong bilin sa kanya. Pati ang kina-usap kong dalaga na binigyan ko na ng paunang bayad para mag-asikaso kay Nanay ay naroon na rin at ang dami kong binilin.
Hanggang sa dumating ang oras na kailangan ko na talagang umalis at ayokong mahuli sa oras ng usapan.
Niyakap ko si Nanay nang napakahigpit “Nay, aalis na po ako.”
“Pagpalain ka ng Diyos, Natalia,” bulong ni Nanay.
Sobrang kirot ng dibdib ko pero pinigil kong mapaiyak. Tinalikuran ko na si Nanay ay mabilis na lumabas ng bahay namin. Doon kusang tumulo ang luha ko na mabilis ko rin na pinunasan.
Kulang na lang ay takbuhin ko ang kanto kung saan my susundo sa akin. Pagkarating ko doon ay agad naman akong isinakay ng mga tauhan ni Don Fernan.
Buong byahe ay wala ako sa sarili. Wala ang focus ko sa dinaanan namin dahil halos nakayuko lang ako at nakatitig sa kamay kong nasa hita ko. Panaka-naka lang ang ginawa kong tingin kung saan ako dadalhin. Basta ang alam ko lang ay lumabas na kami ng Metro Manila at papunta ng bandang Pampanga.
Hanggang sa huminto na ang sinasakyan namin. Doon na ako naglakas ng loob na tingnan kung nasaan kami. Tumigil kami sa harap ng isang malaking bahay. Hindi pala. Hindi lang bahay ang hinintuan namin kung hindi tila isang palasyo na sa movie ko lang nakikita. Napakalaking mansion ang nasa harapan ng sasakyan. Tinted itong kotse pero kita ko ang ganda ng mansion na ‘yon.
Bumusina ang sinasakyan namin at ilang sandali lang ay bumukas ang iron fence gate at pumasok ang sinasakyan namin.
“Natalia, welcome to Ranya Mansion.” Salubong ni Kuya Crisanto sa akin nang bumaba ako ng sasakyan. Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa.
“Ahh, Kuya… Pasensya na po at hindi pa ako nakabihis. Pwede po bang magbihis muna ako?”
“Sure, hija…” Sambit ni Kuya Cris at matapos ay kinuha nito ang dala kong bag nauna na ito at sumunod ako.
Naglakad kami sa isang malawak na garden at matapos ay pumasok kami sa loob ng mansion. Halos lumuwa ang mata ko sa nakikita ko. Lahat ng tamaan ng mata ko ay nagsususumigaw ng karangyaan. First time kong makatapak sa ganitong ka-expensive na lugar.
Matapos naming pumasok sa mansion ay natanaw ko na agad ang sala nila na napakalawak. Pero wala na akong time na tingnan pa ‘yon ng husto dahil iginiya na ako ni Kuya Cris sa isang hallway at agad na huminto sa isang pinto.
“Dito ka na muna mag-stay sa guestroom na ‘to, Natalia. May labinlimang minuto pa bago tayo magsimula. Mag-ayos ka na ng sarili mo. Nasa byahe na si Sir Ronan at papunta na rin dito sa mansion.”
Tumango lang ako kay Kuya Crisanto na seryoso lang ang tingin sa akin at matapos ay umalis na siya.
Agad kong hinawakan ang door knob at mabilis na pumasok sa pinto. Narinig ko lang ang pangalan ng mapapangasawa ko ay tila mahihimatay na ako.
Guestroom lang ang pinagdalhan sa akin pero parang master’s bedroom na ‘yon sa lapag ng kama at kupleto sa appliances ang loob. Pero hindi ko na magawang humanga pa sa kwarto dahil sa kaba ko sa napipintong kasal.
Mabilis kong binuksan ang backpack ko. Inilabas ko ang dress na galing kay Yvonne. Mabilis akong nagpalit ng damit. Nang isuot ko ang dress na bigay ng kaibigan ko ay tila ba nadagdagan ng kaunting tapang ang kalooban ko.
Inayos ko ang buhok ko at naglagay ng manipis na lip tint para hindi naman ako magmukhang bangkay sa sarili kong kasal. Humanga ako sa sarili kong itsura nang humarap ako sa salamin. Hindi naman sa nagbubuhat ng bangko, pero likas naman talaga ang ganda ko. Hindi ako palaayos ng ganito kaya feeling ko tuloy ay ang ganda ganda ko sa suot ko.
Hanggang sa nakarinig ako ng katok at binuksan ko ang pinto. Nang sumilip ako ay nakita ko ang bahagyang pagnganga ni Kuya Crisanto. “Natalia… ang ganda mo, hija.”
“S-salamat po, Kuya.” Mapait na ngiti ang binigay ko.
“Halika na, hija dahil paparating na ang mga Imperial.”
Dinala ako ni Kuya sa isang pinto na malapit lang sa guestroom na pinagbihisan ko. Sobrang elegante ng pinto na ‘yon. Pero nagulat na lang ako nang binuksan ‘yon ni Kuya Crisanto at nang binuksan ang ilaw ay tumambad sa akin ang isang tila kwarto na halos walang laman.
Kumunot ang nang tumapak sa loob. Grabe ang expectation ko sa pinto pero pagdating sa loob ay mesa lang ang naroon at may ilang monoblock chair. Walang wala itong kwarto na ito sa mararangyang gamit na nakita ko.
Wala rin na tao pa sa loob.
Biglang humarap sa akin si Kuya Crisanto.
“Dito kayo ikakasal ni Sir Ronan, hija… Hindi alam ni Ronan na dito mismo sa kwartong ito kayo ikakasal ngayon… Kaya gusto ko lang na balaan ka na baka hindi maging maganda ang mood niya… Kinamumuhian niya ang lugar na ‘to.”
Bigla nag-umapaw ang curiosity ko sa binanggit ni Kuya Crisanto. Pero gusto kong kontrahin ang sinabi nito na baka hindi maging maganda ang mood ng Ronan na ‘yon. As far as I know ay simula nang nakilala ko ang lalaking ‘yon ay wala yata sa bokabularyo no’n ang salitang good mood.
“B-bakit naman po?” Hindi ko mapigilang itanong.
“Dito sa kwarto na ‘to pinatay ang Nanay ni Ronan.” Sambit ni Kuya Crisanto na kinatigil ko.
“Crisanto!” Biglang dumagundong ang boses sa likuran ko na nagpanginig ng kalamnan ko. Parang nagsitayuan ang balahibo ko sa batok dahil ramdam ko ang lapit niya sa akin.
Hindi ko kailangan na lumingon para hindi malaman kung sino ‘yon. Si Ronan Imperial ‘yon.
“Sir Ronan.” Bakas ang gulat sa itsura ni Kuya Crisanto.
“Who gave you the permission to tell her about my mother!?” Sobrang diin na tanong ni Ronan.”
“P-pasensya na, Sir—”
“I want this wedding to finish as early as possible… May importante akong pupuntahan. Where is the others?” Tanong ni Ronan na hindi man lang pinatapos si Kuya Crisanto.
“Papunta na sila dito, Sir Ronan. Pati na rin ang judge na magkakasal sa inyo ni Miss Natalia.”
Hindi ko narinig ang sagot ni Ronan. Pakiramdam ko ay titig na titig siya sa likod ko. Ngayon siguro ay pansin na niya ang suot ko.
“Humarap ka sa akin, babae.” NArinig ko na lang na sambit niya.
Kay Kuya Crisanto ako nakatingin at tinanguan ako nito na tila nagsasabi na sundin ko na si Ronan.
Marahan kong inikot ang katawan ko at humarap kay Ronan. Halos mapasinghap ako sa lapit niya sa akin. Nagtama ang mga mata namin at napaawang na lang ang labi ko. Hindi ko naman maitanggi kung gaano siya kakisig sa ganitong malapitan.
Nakita ko kung paano hinagod ni Ronan ng tingin ang mukha ko. May halong gulat ang tingin niya at malamang na hindi niya inaasahan na hindi mukhang basura ang madadatnan niya. Nakita ko ang pagtingin niya sa labi ko. Pero mabilis siyang nag-iwas ng tingin.
“F*ck!” Mura niya tapos ay muling lumingon sa akin at ang talim talim ng tingin niya.
“I gave you specific instructions, woman,” Malamig na sabi ni Ronan. “Sinasadya mo ba talagang simulan ang kasal na ;to sa pagsuway sa akin?”
Hindi ako basurera, Ronan para ipasuot mo ang damit na ‘yon.” Mababa kong sabi.
“Actually, she looks like a dream,” isang baritono at malambing na boses ang sumabat mula sa gilid.
Napalingon ako at isang halos kasing tangkad ni Ronan, pero mas maaliwalas ang aura ang nakatayo roon. Hindi bumitiw ang mata ng lalaki sa akin. Alam ko ang gano’ng klaseng titig. Titig ng paghanga.
“Kieran,” Gigil na sabi ni Ronan na biglang hinarap ang lalaking kakadating lang. “What are you doing here!?”
“Dad’s orders. Besides, bakit ko naman palalagpasin ang makita ang napakaganda mong bride?”
Nagulat na lang ako nang humakbang ‘yong Kieran palapit sa akin. Bago pa ako makapag-react ay kinuha na nito ang kamay ko at marahang hinaplos ang likod no’n.
“I’m Kieran. And you must be the famous Natalia. If I knew my brother’s bride to be looks like an angel, baka ako na lang ang nag-volunteer na pakasalan ka. Kung sakaling hindi ka itrato ng tama ng asawa mo, my doors are always open for you. I have a soft spot for beautiful and brave woman.”
Napatingin ako kay Ronan at nakita ko kung paano umigting ang panga niya.
“Don’t touch her, Kieran,” banta ni Ronan.
“Why? Are you jealous?” tawa ni Kieran na tinanggal ang pagkakahawak sa akin.
“Jealous?” Sambit ni Ronan na kay Kieran na nakatingin nang matalim. “Why would I? She’s just a piece of trash… Pinilit lang ako ni Daddy na magpakasal sa hampaslupang kagaya niya.” Sambit ni Ronan dahilan para mapahiya na naman ako.